Chapter 58 : Love At Last

140 7 0
                                    

Anthony's POV

Tulad ng sinabi ko, hindi ko susukuan si Aubrey. Tinamaan talaga ako sa babaeng yun eh.

Kinausap ko na siya noong araw na pinuntahan niya si So para linawin kung may pag-asa kami o wala.

~Flashback~

Hinintay ko na balikan ako ni Aubrey. Ang tagal niya kasing kausap si So eh.

"Aubrey." Nasabi ko na lang.

Maya-maya umalis na si So at bumalik na si Aubrey. Mukhang masaya siya.

"Tara na Toning."
"Teka lang Aubrey."
"Ano yun?"
"Pwede ba kitang makausap muna?"
"O sige."

Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago magsalita.

"May pag-asa ba ako sayo?"

Hindi siya kaagad sumagot.

Aray naman. Mukhang alam ko na ang sagot.

"Ganon ba kahirap ang tanong ko para hindi ka makasagot?"
"Ano kasi Toning," tumingin muna siya sa taas tsaka nagpatuloy, "hindi ko rin alam."

Natigilan ako sa sagot niya. Hindi niya alam? Sa tagal kong nanliligaw sa kanya hindi niya pala alam kung sasagutin niya ako o hindi? Pinapaasa lang ba ako ni Aubrey?

"Ah ganon ba. Sige ititigil ko munang ligawan ka. Sabihan mo na lang ako kapag may sagot ka na na maayos ha." Iniwan ko siyang nakatayo doon sa field.

Dahil hindi ko kinaya ang kirot sa puso ko kahit may klase nung araw na yon ay umuwi ako. At sa kwarto ko inilabas lahat ng luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.

Bakit hindi niya sinabi noon na malabong mahalin niya ako?

Bakit pinatagal pa niya?

Bakit hanggang ngayon si So pa rin?

Bakit hindi mo ako kayang mahalin Aubrey?

Kulang pa ba ang mga efforts ko? Kulang pa ba ang pagmamahal ko sayo? Ano bang mali sa akin? Oo alam kong hindi ako perpekto. Hindi rin naman perpekto si So. Pero bakit ayaw lumambot ng puso mo sa akin Aubrey? Bakit sa kaibigan ko pa?

Ilang araw akong nagmumukmok sa loob ng kwarto ko. Pumasok na ako kinabukasan sa mga klase ko.

Kahit na blockmates kami at ang lapit-lapit lang namin sa isa't isa hindi ko siya pinapansin. Napaasa ako don mga brad!

Nakikita kong gusto niya akong kausapin pero hindi ko siya hinahayaan. Nagkukunyari akong may ginagawa o tinataguan ko rin siya minsan.

Nasanay na ako sa ganong set up.

Halos anim na buwan ang dumaan na nakaya kong hindi siya pansinin.

Malapit nanaman ang birthday ko. Isang buwan na lang. Babatiin kaya niya ako?

Malamang hindi. Hindi mo nga pinapansin yung tao eh.

Maayos na sana ang takbo ng araw ko ngayon nang biglang nilapitan ako ni Aubrey at hinawakan ng mahigpit ang aking galanggalangan.

"Bakit Aubrey?"
"May sasabihin ako sayo."
"Ano? Pakibilisan mo uuwi na ako."
"Wag mo naman ako sungitan Toning."
"Sabihin mo na kung anong sasabihin mo."
"Yung tungkol sa huli nating pag-uusap."
"Ano ba pinag-usapan natin?" Alam ko naman talaga yun eh. Gusto ko lang marinig sa kanya mismo.

"Na-realize ko na wala na akong gusto kay So. And I'm so stupid for hurting you all this time. Sa loob ng ilang buwan na iniiwasan mo ako doon ko na-realize na . . ."

"Na?" Nako. Baka sabihin niyang wala talaga akong pag-asa sa kanya.

"Mahal na kita."

~End Of Flashback~

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon