Chapter 47 : Chance

153 7 0
                                    

Andrian's POV

Mid-November na ngayon. May laro daw kami ng basketball mamaya sa Luxury. Nag-set sila Intsik. 6 pm pa naman yon, kaya nanood muna ako ng Love In The Moonlight. Episode 12 na ako haha.

"Tao po!"

Narinig ko ang boses ni Gab sa labas.

"5:30 pa lang Gab!" Sigaw ko rin sa kanya hahaha.
"Susunduin pa natin sila Toning at CJ! Lumabas ka na!"
"Saglit lang malapit na matapos itong episode 12!"
"Isa!"
"Bahala ka diyan maghintay!"
"Isisigaw ko lahat ng kalokohan mo kapag hindi ka pa lumabas!"
"Oo na ito na nga papatayin ko na!"

Huhu 😭😭 Patawad Ra On. Ipagpapatuloy kita mamaya.

"Bakit ba atat ka? Natatae ka ba? Ang lapit lang ng Luxury!" Binatukan ko nga. Istorbo sa panonood eh.
"Eh para maaga matapos. Gusto ko na manood lang sa kwarto eh."
"Napaka-emo mo. Kung umaamin na kasi kay Rose Ann." Kumunot ang noo niya.

"Wag mo nga babanggitin yang pangalan na yan. Bukod sa masakit, naiinis ako."
"Bakit naman? Parang dati ikaw nga 'tong kwento ng kwento sa amin tungkol kay Ros—" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Sabing wag eh. Basta. Pumatol ba naman sa kakakilala lang niya. Tapos mayabang pa yung Tan na yon. Oo mas matangkad sa akin, pero di hamak na mas gwapo at mabait ako noh!"

Hahahahaha! Tinawanan ko lang si Gab. Ang isip bata pa rin eh hahaha. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Pag-ibig nga itoooooo 🎤

Naglakad na kami papunta kila CJ at Toning. Nang masundo na namin sila diretso Luxury na.

Naghintay kami kay Paulo at kay Caygee. Wala pa yung dalawa.

"Mga dre nag-text sa akin si Paulo, traffic daw sa Mamatid. Galing daw siyang dorm eh. Tapos si Caygee hinatid si Julie Ann sun niya sa bahay nila." Sabi sa amin ni CJ na may hawak na phone.

"Ito yung dahilan kung bakit hindi tayo makumpleto eh. Hindi tayo natutuloy. Paano kapag hindi dumating yung dalawa?" Sambit ni Gab na may halong inis at lungkot.

"May pag-asa pa bang mabuo tayong anim ulit tulad ng dati?" Tanong ni Anthony.

"Mga dre naman. Wag maging pessimists. Pagsubok lang yan sa atin." Sagot ko.

Para hindi naman kami malungkot ng tuluyan, inumpisahan na naming maglaro kahit apat lang kami.

Sa gitna ng paglalaro namin dumating ang dalawa. Nauna nga lang si Paulo ng mga 5 minutes.

Pahinga. Imbis na maginhawaan ako kasi nakakapagod maglaro ay parang mas lalo akong nanghina sa text sa akin ng mama ni Bea.

From Tita Bella Velasco :

Andrian ilang araw ng hinihimatay si Bea. Kailangan ka niya makita. Sorry ngayon lang namin nasabi sayo. Ayaw ka niya kasing ipatawag eh. Baka daw isipin mo sinasakal ka niya. Tapos parang hindi na rin tumatalab sa kanya ang mga pang-gagamot dito. Asian Hospital, room 507.

After 7 months nagkaroon na ako ng balita sa kanya.

Alam niyo yung masakit? Yung napakabait ng girlfriend mo tapos nagkasakit siya tapos ikaw wala kang magawa para alisin ang sakit niya kundi ang i-comfort lang siya.

Kinausap ko ang lima para magpaalam na pupunta ako kay Bea. Kailangan niya ako. Pero mas kailangan ko siya.

Agad naman silang pumayag kahit na ramdam kong medyo labag sa kalooban nila. Ngayon na nga lang kasi kami nagkasama-sama eh. Pero okay naman sa kanila. Binigyan pa nga nila ako ng pera, ibili ko daw ng prutas.

Umuwi muna ako sa bahay para magpaalam. Pumayag naman agad sila Mama. Tatlong araw na daw ako mag-stay doon. Sila na daw bahala sa mga profs ko.

Tutal gabi na, nakarating ako sa Alabang ng 9:30 pm. Buti walang traffic, sa Mamatid saglit lang. Pagkababa ko sa van naglakad na ako papasok sa ospital. Parang brisk walking nga ang ginawa ko eh.

503 (Lakad), 504 (Lakad), 505 (Lakad), 506 (Lakad), ayun! 507!

Kumatok ako at pinagbuksan ako ni Tita Bella.

"Good evening po Tita."
"Good evening din Iho. Upo ka dito."
"Salamat po."

Inilapag ko sa mesa ang mga prutas na binili ko. Tiningnan ko si Bea. Natutulog siya. Hindi niya suot ang wig niya. Pero ang ganda niya pa rin. Mas pumayat siya lalo.

"Aalis na muna ako ha. Baka bukas ng umaga na ako makabalik. Alagaan mo muna ang anak ko."
"Opo Tita. Ingat po."

Pagkalabas ni Tita Bella nag-search ako sa internet kung ano bang pwedeng gamot sa bone cancer.

At ang nakakalokang lumabas?

Hindi daw sakit ang cancer. Isang business.

Why?

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

"Ang cancer daw ay deficiency ng katawan sa Vitamin B17 which are commonly found in the fruit stone seeds, o buto ng mga prutas like apple, apricot, lahat ng berries (strawberry, blueberry, mulberry, cranberry, cherry, blackberry, etc.). Tapos sa iba't ibang klase ng mani nandon din daw ang B17. Kaya nasabing business ang cancer kasi matagal na palang natuklasan ang lunas pero hindi pa rin ito isinisiwalat sa masa kasi mawawalan ng kita ang mga doktor at ospital. Parang sa sakit na Scurvy daw, ito naman ay kulang sa Vitamin C—"

"Busy ang Song ko sa pagbabasa ah."

Napatingin ako kay Baebea nang magsalita siya. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. I kissed her forehead.

"Ikaw madaya ka. Hindi ka man lang nagsasabi na hinihimatay ka pala ilang araw na. Kung hindi pa magtetext ang mama mo hindi ko malalaman. Nakakatampo." Haha ang koya niyo nagtatampo.

"Song." Hinalikan niya ako sa labi.

Okay. Hindi na ako nagtatampo! Hahahaha!

"I just don't want to be a burden sayo. You're a college student na noh. If you failed it's my fault."
"At kailan ka pa natutong maging conyo?"
"Hahaha dito sa mga doktor ko. Kung magsalita akala mo nasa States eh hahahaha!" Niyakap ko siya habang tumatawa siya.
"Ikaw talaga. Ang masayahin mo talaga. I love you Baebea."
"I love you too Song. Song song song song pakitong-kitong 🎤 Hahahahaha!"

Pinisil ko ang pisngi niya. Grabe ang energetic pa rin eh, may sakit na 'to ha paano pag wala?

"Ang kulit kulit mo haha! By the way, yung binabasa ko kanina is about cancer. So ayun, may mga prutas na pinapabigay sila Caygee. Alam mo naman, mababait yung mga yun sa atin."
"Ah hmm, ano naman yung tungkol sa binabasa mo? Narinig ko puro prutas eh puro berry berry ganern. Pakisabi thank you! Thank you thank you for the love 🎤"

Yung totoo, singer ba ang girlfriend ko? Hahahaha.

Kinuwento ko sa kanya yung nilalaman ng article na binabasa ko kanina. Binalikan ko pa nga para ipakita sa kanya kaso nung ready na nakita kong nakatulog na ang Baebea ko. Nakanganga pa. Hahaha kaasar siya. Bigla akong tinulugan huhu! 😭😭

Pero okay lang. At least may chance pa akong makasama siya sa susunod pang mga araw.

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon