Paulo's POV
Graduation na bukas. Grabe, I can't believe na tapos na ang high school life ko. College na kami sa August, and college means one step closer to death haha charaught! Sa loob ng six years ng high school sobrang dami kong natutunan. Sa libro, sa kaibigan, sa pamilya, sa barkada, sa buhay, maging sa pag-ibig.
"Sayang I can't come tomorrow." Nagpout ang Nini ko. Hihihi kinikilig ako taeng puso 'to haha.
"Don't worry, okay lang. Pag graduation sa college na lang. Sorry din Nini ang layo mo kasi eh. Kung nandito ka lang sa Pilipinas eh kahit hindi graduation pupuntahan kita."By the way, two weeks lang ang vacation nila Nica dito noong Pasko hanggang New Year lang. January 7 bumalik na ulit sila sa Japan.
March 30 na. Graduation na. Nakakalungkot kasi tuluyan na kaming magkakalayo ng paaralan nung anim. Si Nica. Doon pa mag-aaral sa Japan. Hayys. Nakakamiss na agad sila.
"Dela Peńa, Paulo D."
Pagkatawag sa pangalan ko nakita kong tumayo din si Papa at sabay kaming umakyat sa stage. Ay nga pala, 7th Honorable Mention ako haha. Inspired sa aking Nini 😍😍
"Anak salamat." Nakangiting sabi sa akin ni Papa habang sinasabit ang medalya sa akin.
"Hindi Pa, salamat po sayo." Niyakap ko si Papa at nag-bow.Nag-speech na ang mga valedictorians per sections pati na rin ang salutatorians. Ang daming umiyak. Last day na of being a senior high. Last day na rin of being a high school. Sa mga susunod na buwan mga seryoso na. Mga magsisipagan na. Kasi ang buhay sa high school ay iba sa buhay ng college sabi ng ate ko. Ito na daw yung "tunay na mundo" o realidad.
May graduation ball kami pero hindi na ako pumunta. Bukod sa pagod ako wala pa ang taong pinakainaabangan ko. Ang Nica ko.
Tumawag ako kay Nica ng bandang 9 pm.
"Hi Nini!" Nagtaka ako kung bakit nakatalikod siya.
"Hello Pau-Pau!"
"Bakit nakatalikod ka?"
"Gusto mo malaman kung bakit?"
"Oo."
"Pikit ka muna."At ako naman si uto-uto, pumikit nga.
"Nakapikit na po."
"Dilat na."
"Ay tae!"
"Hahahahahahaha!"Bwiset. Nabakla ako doon ah. Bigla ba namang humarap eh naka-face paint pala ng duguan. Eh ang puti-puti ng babaeng yun nagmistulang bloody white lady. Kaasar, naisahan ako haha.
"You should have seen the look on your face!"
"Wag mo nga akong tawanan. Nakakahiya huhu."
"Aww I still love you kahit na natakot ka hahahaha!"
"Pistiii haha I love you too!"Spell kinikilig. P-A-U-L-O.
Nag-telebabad kami hanggang 12 midnight. Grabihan nuuu? Eh in love eh.
Kinabukasan, nag-search ako ng mga schools na nag-ooffer ng Dentistry. Haha ewan ko ba bakit yan kukunin kong kurso. Siguro kasi madaming mga Pilipinong napapabayaan ang kanilang mga ngipin? O siguro kasi malaki ang kita? Both. Hahahaha!
CEU.
UST.Ay takte. Ang layo haha.
"Papa CEU at UST ang nagta-top sa course na Dentistry. Pwede ba ako mag-aral sa ganoong kalayo?"
"Pag-iisipan ko pa. Ano ba mas gusto mo? Sa CEU o UST?"Nag-isip muna ako bago sumagot. Ang hirap naman mamili.
Pero . . .
Sige!
Uste!
"Sa UST po."
"Sigurado ka na? Hindi na magbabago ang isip mo?"
"Yes Pa."
"Sige. Nakausap ko na rin naman ang Mama mo tungkol sa pag-college mo. Okay lang daw na mag-dorm."
"Talaga po? Sige po salamat Pa!" Nayakap ko si Papa dahil sa tuwa! Wooooh!Sinabi ko kaagad ang balita kay Nica at ang luka mas excited pa siya kaysa sa akin sa paglilipat ng mga gamit sa dorm na malapit sa UST haha.
Isang linggo ang lumipas simula noong mag-usap kami ni Papa. Nasa biyahe kami ngayon para mag-enroll sa UST.
"Anak, kapag doon ka na tumira wag kang gagawa ng kalokohan ha. Wag kang magpapatutukso sa mga kaibigan mo o maging sa paligid mo ha. Ang panahon ngayon ay iba na, anak. Masydong delikado, masyadong mapusok, masyadong lason na."
Pahinging tissue. Nakaka-nosebleed si Papa!
"Opo Pa. Good boy kaya ako."
Pagkatapos namin mag-enroll naghanap kami ng dorm na malapit lang sa building na papasukan ko.
Hindi naman kalakihan yung room na nakuha ko, hindi rin ganon kaliit. Sakto lang. May dalawa pang dormers akong makakasama.
Bumalik kami ni Papa sa dorm makalipas ang dalawang linggo. Naghakot na kami ng mga gamit ko para ilipat sa dorm. Nakakapanibago. Naka-elevator na ako araw-araw haha.
Pinakita ko kay Nica ang itsura ng loob ng room ko. Room 456. Naisip ko lang, paano kapag may multo akong nakita? 4th floor pa naman ako huhu. Ang hirap makababa non agad hahahaha tae ang bakla. Eh bakit ba, kayo ba, hindi kayo takot sa multo? Nasa pinakadulo pa naman itong room 456. Hayys. Haha.
Dumaan ang birthday ko. Yey! Haha 18 na ako. Wala namang kakaibang nangyari, pinadalhan ako ni Nica ng masarap na masarap na cheesecake. Ang bilis ko nga lang maubos yun eh hahaha.
Nag-umpisa na ang pasukan. Nakakapanibago. Ang daming tao.
Block section kami. Buti naman para hindi mahirap hagilapin ang mga magiging kagrupo ko.
So far, ayos naman ang mga kaklase ko. Friendly, galing sa iba't ibang probinsya. May taga-Davao pa nga eh. First day pa lang pero magkakakilala na kaming lahat. 45 kami.
Pabalik na ako sa dorm nang maisipan ko dumaan sa McDo. Dadaan lang wag kayong ano haha. Kaso nakaamoy ako ng burger, fries, chicken,*sniffs* ahhhhh😍😍 Kaya na-tempt akong pumasok at bumili -,- Hahaha. Tinake out ko na lang ang binili ko para may makain mamaya.
Naglalakad na ako papunta sa room. Nakita kong lumabas yung isa kong dormmate, si Lawrence.
"Ui Paulo may bisita ka. Nasa loob ng room."
"Sino? Ano daw kailangan?"
"Babae eh. Kakausapin ka ata."
"Ah sige, salamat."Pagkaalis ni Lawrence, binuksan ko ang pintuan at may nakita akong babaeng nakaupo sa kama ko.
Humarap siya sa akin at sobra akong nagulat nang makita ko kung sino siya.
.
.
.
.
."NICA?!"
"Hi Pau-Pau!" Bigla niya akong niyakap ng napakahigpit."Teka, bakit ka nandito? Hindi mo man lang sinabing uuwi ka."
"It's a surprise for you. Di ako nakauwi noong birthday mo eh. Sorry.""Ano ka ba, hindi mo kailangan mag-sorry. Salamat sa pagpunta. May dala akong pagkain oh, kain tayo."
"Sige hihi. Ang sarap naman nito! I missed McDo. I only ate McDo foods twice in Japan eh. You know, Japanese people are health conscious."
"Eh? Sa tagal mo doon dalawang beses pa lang?"
"Yup. So, kain na tayo!" At nag-umpisa na siyang lumamon hahaha.Ang saya ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya sa babaeng ito. Sa babaeng patuloy akong minamahal. At ang babaeng hinding hindi ko pakakawalan.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...