Chapter 13 : Bully

253 9 1
                                    

Caygee's POV

Hanggang ngayon, di pa rin ako maka-get over dun sa text ni Julie Ann sun.

I LIKE YOU.

Baka binibiro niya lang ako. O pinagtitripan. Para tigilan ko na ang pangungulit sa kanya.

Pero sorry siya, hindi ko siya tatantanan! Hahahaha!

Dahil first week pa lang ng klase, petiks muna. Madalas kwentuhan lang ang ginagawa namin. Nakikisali naman ang teachers.

"Cayg!"
"Bakit Wrenz?"
"Tugtugan tayo sa Sabado. Sa bahay."
"Ge ba. Basta libre meryenda ha?"
"Haha oo boi."

Nga pala, may banda kami. Ang lupet ng pangalan namin, HAWTHORNE EFFECT.

"Ui guys nandyan na si Ma'am P.!" Warning sa amin ni Angie kaya lahat kami bumalik sa kanya-kanyang upuan.

"Magandang umaga sa inyong lahat!"
"Magandang umaga din po Ma'am P.!"
"Get your book and open on page 7."

Habang nag-didiscuss si Ma'am, lumilipad ang utak ko. Naiisip ko na naman si Julie Ann sun.

"Caygee ang gwapo mo ngayon." Sabi ni Julie Ann sun at kinurot pa ang pisngi ko.
"Alam kong gwapo ako pero hindi lang ngayon, lagi kaya."
"Oo na ang yabang mo talaga!"
"Bakit? Totoo naman ah?"

"CAYGEE EMDEE DA! NAKIKINIG KA BA?!" Nagulat ako sa sigaw ni Ma'am P. kaya napatayo ako at kung minamalas ka nga naman . . .

Katabi ko yung basurahan at na-shoot yung paa ko. Saktong bukas pa yung screen kaya napadiretso ako sa labas.

"HAHAHAHAHA! Anong nangyayari sayo Caygee?" Ge pagtawanan niyo pa ako -.- Si Julie Ann sun may kasalanan nito eh.

"Ma'am! Eh kasi . . . ano . . . uhm . . . Ano nga po yung tanong niyo?" Takte! Speechless ako dun ah.

"Hahahaha! Pumasok ka nga dito!" Aba, masyadong nag-eenjoy si Ma'am na tawanan ako. Pagkapasok ko tawa pa rin ng tawa si Ma'am na parang walang bukas.

"Anong nangyayari sayo? Naka-drugs ka ba? Tinatanong kita tungkol sa mga nabasa mong epiko tapos tulala ka dyan. Akala ko tulog ka kung di pa ako sisigaw di ka pa babalik sa realidad."

"Ah. Ma'am wag niyo na lang po ako pansinin." Nginitian ko na lang ng napakalaki si Ma'am.

Hanggang sa uwian tawa sila ng tawa at tinatanong kung bakit ako wala sa wisyo kanina.

"Si Julie Ann sun kasi nagagwapuhan sa akin!"
"Ha?!" -Marj

"Nagde-daydream ako, gets?"
"Ah kaya pala. Nako trending ka na naman sa faculty nyan boi!" -CJ
"Haha sanay na ako dyan CJ. Gwapo eh." Sabay sabay silang umarte na parang nasusuka.

Gwapo naman ako ah? Bakit kaya sila nasusuka?

"Hindi niyo ba ma-take na gwapo ako kaya kayo ganyan?"
"Ewan namin sayo! Ang hangin mo masyado!" -Dessa
"Hahahaha inis!" -Thony
"Ge boi uwi na ako." Nagpaalam na ako sa kanila.
"Ge ge ingat."

Pagkauwi ko sa bahay, nagpa-load ako para maka-text ko si Julie Ann sun.

"Hey Babes! How's your day?"

Bwahahahaha maaasar na naman yun.

"Will you stop calling me Babes?!"
"Why? Kinikilig ka na ba? Don't worry, umpisa pa lang yan. Marami pa akong callsigns sayo <3 "
"Huh? Please stop it I said."
"Bakit nga? Masama na bang i-express ang aking UNDYING LOVE for you?"
"Che! Tumigil ka na sabi! Undying mo mukha mo!"

Sheteng tae, totoo ba 'to?

NAGTAGALOG SIYA! STRAIGHT PA!

"Wow! Marunong ka pala mag-Tagalog?
"Okay fine. Back to English." Taray talaga nito.

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon