Chapter 1 Beginning

59 3 0
                                    


EVE
"Good morning world!" Sigaw ko pagkabukas ko ng bintana ko. Nagulat ako nung puro usok lang yung pumunta sa mukha ko, Salamat ah! kaya sinara ko nalang yung bintana. Ano ba ginagawa ko sa buhay ko? Naexcite kasi ako ngayon, may pasok na ulit! Makikita ko na ulit si Joaquin My Loves! Sino nga ba si Joaquin? Siya si Joaquin Cruz. Siya lang naman ang nagpapatibok sa puso ko, oo na alam kong tumitibok talaga puso ng tao haha! Matagal na siya sa school namin, Matagal ko na siyang kilala, at matagal na din kaming nagdadate! echos. Matagal nakong nangangarap :( Pero bayaan mo na, haha! Ilang years ko na ba siyang crush? Simula nung 2nd year teh! 4th year nako ngayon, galing diba. 2nd year kasi lumipat dito sila joaquin at yung tropa nya.

"Hoy eve! Bumaba ka na nga dito! Baka malate pa tayo!" Sigaw ng napakapanget kong kuya, si kuya aries. Mukhang shunga siya lagi hays. Bumaba nako. Pagkababa ko, ang sama ng tingin ni kuya.

"Oh ano nanaman problema mo kuya?" sigaw ko.

"Ah ikaw pala yan, eve. Sorry akala ko kasi basurera." tumawa pa siya ng malakas habang nakaturo sa mukha ko. WOW AH! ano meron?! Tumakbo ako pataas at tumingin sa salamin. what the? puro drawing muka ko tapos muka akong zombie isama mo na ang gulo-gulo kong buhok! Alam ko na kung sinong gagawa sakin ng napakasamang krimen nato!
"KUYAAAAAAA!!!!!!!!!" sigaw ko. Pag kasigaw ko saktong narinig ko yung kotse ni kuya na umalis na! BWISIT SYA! tumakbo ako palabas at hinabol ko yung kotse! Di bale nang muka akong zombie ngayon, KAKALBUHIN KO YUNG KUYA KO! Binilisan ko pero sino ako, si flash? Nakatakas si kuya. Ha! Duwag! Pag ka lingon ko sa gilid, shit.

Ang daming nakatingin sakin at umiyak pa yung batang nasa gilid ko.

"Mommy there's an ugly zombie garbage collector!!" wow ah detailed pa. Tumakbo nalang ako pauwi nung biglang may nagtawag ng 911. Grabe naman. Makukulong pako? Pag kapasok ko sa bahay, nakanganga si papa sakin, sabay tumawa.

"Anak? Anong nangyari sayo? Kuya mo ba gumawa niyan? Haha, maligo ka na baka malate ka pa." Sabi ni papa pero halatang nagpipigil ng tawa. Salamat sa concern. Napatingin ako sa orasan. omg! 7:48 na! 8 yung pasok namen!!! Umakyat nako at naligo kaagad. 5 minutes na ligo at mabilisang pagbihis, muntik nako lumabas ng kwarto ko nung naalala ko na.. salamin ko pa pala. Nakita ko naman agad sa study table ko. nagmabilisang ipit ako at nagpaka-flash sa bilis ng takbo pero syempre nagkiss muna kay papa. Goodluck sakin pag napahiya ako sa klase ko, world!

××××

Tumingin ako sa relo ko pag dating ko dito sa tapat ng school, haha nakakatawa nga naman. 8:30 na. Ang aga ko naman. grabe. Baka mabigyan ako ng free trip neto sa principal. Eh kasi naman yung taxi driver nakipagaway pa sakin na kulang pa daw ng sampung piso! eh sabi ko wala akong barya tapos sasabihin nya wala siyang panukli!!! ayos talaga siya!!! Maswerte siya na may malapit lang na store dito sa tabi ng school kundi!! pag ka kuha ko nung barya, binato ko sa kanya.

"Oh ayan na!" Sabi ko at tumakbo ako agad. back to the present.

Papasok pa ba ko? Late na ko eh, hehe. Paalis na sana ako nung biglang bumukas yung pinto. patay.

"Ms. Heartfilia, mukhang ang aga mo ngayon ah?" huli ka balbon. Pag ka lingon ko, patay talaga ako! Bakit si sir. paul pa nakahuli sakin? Eh favorite akong pagalitan niyan simula nung first year pako.

"Sorry po sir, medyo nawala po sa sarili yung tigre este aso namen hehe. Inasikaso ko po siya kaya di ko po namalayan oras." Oo tigre kong kuya! bwisit!

"Pagbibigyan kita kasi first day palang naman..at pakiingatan yung tigre mong alaga, baka kainin ka bigla." Nakangisi siya. narinig nya talaga yun? nakoo! hays.

pumasok na ko sa klassroom..

"GOOD MORNING EVE! NAMISS KA NAMIN!" sigaw ng mga kaklase ko. hayyss haha. Simula first year, magkakaklase na kami ng mga loko na to. Tumawa ako at ngumiti. Nakita ko na yung tatlo kong bestfriend..Nakangiti. muntae. haha salamat at buhay sila, world!

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon