Chapter 67 Mood swings

23 2 0
                                    


EVE

Yeeey! It's good to be back. SCHOOL I MISSED YOU! Wala akong nagawa sa bahay kundi gumising, kumain, maligo, manood, magcellphone, matulog. repeat repeat. Mwahaha.

"EVVVVVVVVEEE!" andyan na yung mga panget, palapit na sakin haha.

"Wala akong nagawa sa bahay grabe." niyayaya ko kasi kayo gumala ayaw nyo -_- "Hayy. Walang kwenta kuya ko." sabi ko. Napatawa naman sila.

"Buti pa u may kuya!" sabi ni cha.

"Hehe.." sabi ni zel.

"Sainyo nalang si touka." baliw to si lory.

Naglakad na kami papunta sa room namin.

As usual, Magulo. haha.

Umupo na kami sa mga upuan namin, di kami magkakatabi-tabi. T_T
"WAAAAAH" huh?

Nagsitakbuhan yung mga kaklase namin sa pinto... Nagtinginan kami apat.

Si sir paul ba yung pinagkukumpulan nila? Naging pogi na ba si sir paul?

Tumayo ako at nakisilip..
what the heck.

Agad akong tumakbo sa upuan ko at kunyari natutulog >.< AKALA KO BA HINDI KAMI MAGPAPANSINAN SA SCHOOL PAG MAY MGA TAOOO?
"Nandyan ba si Ms. Woorrrld?" Pakshet to! Gumagawa nanaman ng skandal haha echos.

"Ms. World?" tanong nung mga kaklase ko.

"AHHH SI EVE! Haha andun siya." pag ako tinuro nung walanghiya kong kaklase, puputulin ko daliri niya!

"BABE!" what the fck? nagulat naman ako kasi bigla niya akong inakbayan, napatayo tuloy ako.

"BALIW KANA BAA? BABE MO MUKHA MO!" *dug dug dug* Hala? Ano yun?! palayo na ko ng palayo.

"AYIEE KINIKILIG SI EVEE!" mga bwisit tong tatlong to! di manlang ako tulungan!

Bigla namang hinawakan ni eddie yung kamay ko, tapos umakbay pa. Tinaas niya yung kamay namin..
"Mahal na mahal ko si Evergreen Heartfilia! Kung may mangaaway sa kanya, Ako muna mahaharap nyo." waaah! Baliw ba to?! *dug dug dug* Puso ano ba!

"YEEEEY! KISS KISS KISS!" no way..

Nagulat ako nung hinalikan ako ni eddie sa noo.. pagkatingin ko sa may pinto..
Andun si joaquin.

Naglakad siya palayo..

Hala! Selos ba siya? (assuming)

Hinabol ko siya..

"JOAQUINN!" sigaw ko..
pero bakit parang palayo lang siya ng palayo? Hindi ko siya mahabol.......

"Eve!" ha?

"MS. HEARTFILIA!!!" ayy kalabaw!

"Ang sarap naman yata ng tulog mo dyan?!" panaginip lang yun? Patay. Napatingin ako kayla zel, nakatawa sila..ang sama nyo huhu.

"Sorry sir." sabi ko. Napairap naman si sir, fudge you!

××××××
Ay.. Inaantok padin ako haha. Panaginip lang pala yun.. Ugh.

"Nyhahaha! Kanina ka pa namin ginigising eh.." di halata!

"Ewan ko sainyo." sabi ko habang kumakain.

"Malapit na yung mga exams putik." oo nga pala.

"November pa naman." sabi ko. October na ngayon.. next month na haha.

"Hayy. Magkakaalaman na ng top :^) Pataasan ah! Mwahaha!" sabi ni lory. Tsk. Yan nanaman yung mga top na yan.
Si zelan nanaman mananalo for sure haha.

"Pustahan tayo!" sabi ni cha.
osige ba.

"Sino sa tingin nyo magiging top 1 sa klase?" tanong ni zelan.. Klase lang muna. kasi yung sa buong school.. di pakami nakakaabot hehehe. (F na F nila pagiging top nila sa klase haha.)

"Zelan ako!" sabi ni cha.

Napatawa naman si zel.

"Awww." luhhh?

"Zelan din ako!" sabi ni cha.

"Ako din, zelan!" sabi ko.
parang tanga tong mga to. Nagpustahan pa kami. Si zelan lang din pala ipupusta nila hahaha. Ang kukulit ng nenang e!

"Top 2 naman haha!" sabi ni cha. tsk. Ayan nanaman siya.

"Lory ako wahaha!" sabi ko. Inaasar ko lang naman si cha. Hahaha!

"uyy baliw! mas matalino si cha sakin." oo lory, inaasar ko lang si cha hahaha.

"Akin si cha." sabi ni zel.

"Chanelle din ako!" sabi ni lory.

K.

"Bet ko sarili ko! Nyahaha! Inggit lang si eve." ge.

"Pag si lory naging top 2, ililibre nyo ako ah." sabi ko.

"Top 3 naman." sabi ni zel.
Nonsense yung pustahan namin seryoso. Hahaha Alam naman namin yung results. Si zel yung 1, nyahaha.

Si cha yung 2, ofcourse.

Si lory yung 3, as usual.

At ako yung 4, Lagi nalang.

"Lory!" sabi ni cha. tsk

"Lory." sabi ni zel.

"Eve ako!" sabi ni lory.

"Cha ako." napaWTF si cha.

Tumawa nalang ako.

"Top 4 naman.." sabi ni lory.

"Eve." sabi ni zel.

"Eveee!" sabi ni lory.

"Eve, of course." nangaasar din ba to? Napangisi naman ako.

"Chanelle." pagkasabi ko nun, tumayo ako at naglakad palayo..

Nung malayo na talaga ako sa canteen, nagtago ako sa may gilid.

"HAHAHAHAHA. Badtrip na sakin yung mga yon. Aywan ko ba." sabi ko sa sarili ko.

Naglakad nako papunta sa room..

Tapos..

"Uyy si eve!" lintek na peter nakita pako.

Napatingin naman agad si eddie at joaquin sakin.

Ngumiti nalang ako.

Pumasok ako agad sa room, hayyy salamat.
Galit na kaya sila cha?

Napansin ko namang kakapasok lang nila cha.

Lumapit sila sakin..

"Alamo.. Para samin ikaw parin ang one and only namin." HUHUHU SORRY T_T

"True friends are those who will accept you for who you are. You're imperfections will always be their reason to love you more." :P

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon