Chapter 12 Bday party

21 1 2
                                    


CHANELLE

Nagising ako nung biglang nagring phone ko. hm..inaantok pako..

*beep beep*

Tinignan ko kung sino tumatawag..
Daddy calling..

Nawala yung antok ko bigla.. Sinagot ko agad. Musta na kaya sila sa amerika? May business project kasi sila ni mama dun. Hindi naman ako pwedeng sumama, may pasok.

"Hello daddy?" sabi ko. tumingin ako sa orasan, 7 palang ng umaga.

"Chanelle, Umattend ka muna dun sa party ni Eugene Redaniel ngayon. Birthday nya ngayun. Kailangan may rumkeit na magpapakita dun, at ikaw lang ang maasahan ko ngayon." Sabi ni daddy. Hay lagi naman siyang tumatawag kapag may kailangan lang siya. Bawal naman ako tumanggi. Business partner nila si tito Eugene Redaniel. Isa sa mga mamayang may ari ng company at furniture shop.

"Sige po daddy, magaabsent nalang ako ngayon." sabi ko. Namimiss ko na sila ni mama.

"Sige, Dun sa event's place nila ka pumunta. 9 ng umaga ang simula. Yung alak nalang natin iregalo mo. Salamat." pinatay naman niya agad yung call. Hay. Sanay na ako. Tinignan ko kung anong araw ba ngaun.. July 14, 2015 Ahh oo nga pala bday ni sir eugene ngaun.

nagtext muna ako sa tatlong baliw kong bestfriend.

"Hoy di ako makakapasok, may pinapapuntahan sakin si daddy. Kaya ingat kayo oy." Message sent!

Nilapag ko na sa kama yung phone ko. Kailangan ko na magayos.

×××

Nagsuot ako ng dress na kulay blue. White yung sapatos ko. Nilugay ko nalang den yung buhok ko at konting make up lang nilagay ko, para hindi ako maging sabog katulad ni eve. Haha. Hindi naman ako mahilig magmake up. Dala dala ko na din yung regalo ko kay sir eugene.. Alak namin. binalot ko den ng maayos. May ari kasi kami ng bar, liquor shops at clothing den. Bumaba nako at sakto naman nakita ko dun sila yaya. Ako lang at yung mga yaya ko nandito... only child lang naman ako.

"Ija? san punta mo? di ka ba papasok? kumain ka muna." sabi ni yaya. nginitian ko siya.

"Okay lang ya, busog ako. di po ako papasok, Pupunta muna ako sa party..Sabi ni daddy e." Sabi ko.

"Osiya sige, magingat ka ija ah! Wag kang magalala, miss ka na nila.. panigurado." sabi ni yaya. Kaya mahal na mahal ko to e. Niyakap ko naman si yaya. Siya yung tumayong magulang ko simula bata pa lang ako. lagi kasing wala sila mama at papa e. Mayaman nga kami, pero hindi ko naman sila nakakasama...

Nginitian ako ni yaya at lumabas nako ng bahay. Sumakay nako sa kotse ko, haha oo pwede nako magdrive. astig ba?

Inandar ko na kotse ko..

Naipit ako sa traffic pero nakarating din naman ako ng saktong 8:57. Ayoko maggrand entrance.. Bumaba nako ng kotse ko. Ang laki talaga ng event's place nato. Pag kapasok ko, napakadaming tao agad. buti hindi ako napansin. Hindi naman ako magtatagal dito noh. Siguro mga hanggang 10 lang ako dito. Wala naman akong magagawa dito. Hinanap ko agad si sir eugene.. san na ba siya? Pinaupo naman ako nung staff dun sa reserved na para sa "Rumkeit".

Madami namang bumati sakin, binati ko nalang den sila. Yung iba di ko kilala, hehe. Umilaw naman yung stage at nagulat ako..shit. di ko manlang na pansin na siya pala yung anak ni sir eugene?!
"Thank you for all coming to my dad's birthday, We're really happy. I'm Mr. Eugene's son, Louie. Please enjoy." Sabi niya.. Yung tropa nila joaquin. Si louie. Baka makita pako. makalayas na nga haha! Paalis na sana ako nung nagsalita naman na si sir eugene sa stage, nakuu. Umupo ule ako. Nakita kong bumaba ng stage si louie at umupo siya sa kabilang table, napansin naman niya ako. nakuuu. Di kami close, bahala na. haha.
"Thank you all for coming! I'm really grateful everybody! I'm..." Di ko na siya narinig dahil umalis nalang ako. haha bastos e noh.

Tinanong ako ng asawa ni mr. eugene kung san ako pupunta, sabi ko magccr. Inabot ko sakanya yung regalo ko kay sir eugene..Nagthank you sakin yung asawa ni sir eugene. pero bago ako umalis may sinabi siya.. medyo hindi ko naintindihan e. Napatingin naman sakin si Louie. Kunyari magccr ako, wala kasi akong kaclose dito kaya uuwi nalang ako haha. Letse. Palabas na sana ako ng event's place nung biglang may nagsalita sa likod ko..
"Miss? Hindi naman diyan ang cr ah?" Nakuuu >.< Ano bang pake mo ha?! Humarap ako sa lokong nagpigil pa sakin. bat ikaw pa?! ang panget mo!

"Ganun ba? Hindi ko kasi alam dito e. hehe." Sabi ko. ang pabebe ko. ahha. Napangisi naman sya. ano nanaman?! dapat nga nakaalis nako e!!! kaso pano ako aalis kung si louie pa ang pumigil sakin?!

"Pero alam naman nating lahat na yan ang exit." Ngumiti siya. yung nakakaasar!!! Grr. Nakatitig siya sa mata ko. parang nakita ko na to dati. ngayon lang kasi siya lumapit saken. ngayon ko lang siya nakita ng malapitan..
"Oo na, Sir Louie. Ikaw na talaga matalino. Letse." Sabi ko at tatalikod na sana ako nung hahawakan nya sana kamay ko pero hindi niya tinuloy.. Nataranta sya. ha?

"Wag ka na umalis." Sabi nya. wow ah. baliw tae.

"Magstay ka muna. Baka magalit pa sayo sila mommy dahil bigla ka nalang nawala diba?" Sabi niya. anubayan! Kung hindi mo ko pinigilan, sana di ako maguguilty badtrep. >.<

"Oo na. " nagdesisyon nalang ako magstay sa garden ng event's place. taray dito. ang laki talaga. Ang gaganda ng mga bulaklak.. Umupo ako sa may dahunan, pwede naman umupo dito e. Ayoko bumalik sa loob e..

Ang sarap sa pakiramdam ng hangin..

Namimiss ko na tuloy yung tatlong baliw na yun. Sana pumasok nalang ako. Sana di nalang ako tinawagan ni daddy..Letseng tatay yun.. Hindi na nagparamdam ng pagmamahal. Buti si mama close ko.. sobrang mahal ako nun.. Minsan nga lng din magparamdam yon kapag nasa ibang bansa.. pero kapag nandito yun.. parang di mapakali na ewan sa pagaalalaga sakin.. Namimiss ko na si mama.. Nagulat ako nung may luhang nahulog galing sa mata ko. Haha. Umiiyak na pala ako. Nagulat ako nung biglang may nagbato ng panyo sakin..
"Tahan na, Miss Exit." Di ko na napigilan yung iyak ko.

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon