EVEMedyo boring kanina sa school, absent si Lory at Cha. Buti nalang pumasok si zel huhu! Hindi rin ako lumabas kanina.. Baka magkaroon nanamn ng gulo e. Sinamahan din ako ni zel.
Nasa bahay lang naman ako ngayon.. Nagffb. Hindi narin ako kinukulit ni ed. buti naman. Ang boring magfb hayy. Matutulog sana ako nung biglang..
*ring ring*nagring yung phone ko. sino naman kaya nagtext?
Omg.. Muntik ko na mabitawan yung phone ko nung mabasa ko yung text..
Nagbihis ako agad at nagsuot ng salamin at nagipit. lumabas na din ako agad. Nagpaalam ako ng mabilisan kayla kuya, mama't papa. Kailangan kong pumunta ng ospital!!!!
From: Zel Taba
Nasa Ospital si Chanelle. Nandito na kami ni Lory.××××
Sobrang bilis ng takbo ko.. mala flash! ano ba kasi nangyari kay cha?!
"Where's the room of Chanelle Rumkeit?" Tanong ko. english ba kamo? para talaga akong baliw..
"Kaano ano po niya kayo?." tanong nya. wew! tinatanong pa ba yon?
"Bestfriend niya ako." tumingin din ako ng masama sa kanya.
"Room 134 po mam. Third floor." Sabi niya. Tumakbo ako papasok sa bukas na elevator. sakto ako yeyy. Pinindot ko naman agad yung button, 3.
Lumabas ako at nahanap ko naman agad yung room 134. Kumatok ako ng parang walang bukas. Binuksan agad ni zel na parang naluluha na. Parang naiiyak na din ako.. Ano ba kasing nangyari??
Tumakbo ako sa loob at ayun nga.. Nakahiga sa kama si Cha. Walang malay. ano ba nangyari? Wala siyang sugat or whatever. buti naman hayys! Tumingin ako kayla Lory. kaming apat lang pala nandito sa loob.
"Ano daw nangyari?" Tanong ko.
"Naabutan daw nung yaya niya na nakahiga na siya sa sahig." Sabi ni lory.. mukhang kanina pa umiiyak..
Pumasok yung doctor.. Kasama yung yaya niya..
"Ano po nangyari kay cha?" tanong ni zel.
"It's an effect from having amnesia." Ha anu daw? Amne...sia?
"Masyadong sumakit ang ulo niya, siguro may naalala siya sa nakaraan niya. Hindi rin kami sure kung kailan siya magigising.." Anong sinasabi ng doctor?
"Sige po doc." sabi nung yaya ni cha.
"I'll leave muna. Call me if there's a problem." lumabas na yung doctor.. tumingin kami sa yaya ni cha.
"Naaksidente na po ba dati si cha?" Tanong ko. Nung una parang ayaw nya sabihin pero bumutong hininga naman siya..
"Oo. Pero wag nyong sasabihin sa kanya ha? 3 years ago.. Naaksidente siya, hindi ko alam kung ano yung dahilan para mabangga siya ng kotse.. Sobrang nakakaawa sya nung panahon na yun At dahilan naman yun na nagkaamnesia siya. Nung mga panahong nakomatose sya, iyak kami ng iyak.. Isang araw.. Nagising siya.. Hindi niya kami kilala. pero unting unti naman pinaalala kung sino kami. Hanggang dun lang ang alam ko." Sabi ni yaya na napaiyak din. Grabe.. di ko maimagine kung gano kahirap pinagdaanan ni cha. Ang dami pala naming hindi alam tungkol kay cha.. 2nd year kasi siya lumipat sa school namin.. Sa 2 years naming magkakilala ni cha, wala manlang kaming alam..Di ko namalayan umiiyak na din pala ako. Wawa naman to si Noo.. wala din syang kaalam- alam. Umiiyak na din yung dalwa. Lumapit ako sa yaya ni cha. Niyakap ko siya.. She's in pain.
"Wag po kayong magalala, hindi po namin sasabihin kay cha.. At salamat po sa pagiingat sa bestfriend namin." Bumitiw ako sa pagyakap ko. Ngumiti sakin yung yaya ni cha.. Yung ngiti na dumaan sa napakahirap na sitwasyon. Lumapit ako kay cha. Umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya. Hinawakan ko yung kamay niya.
"Hoy Noo. Gumising kana oh.. Kapag hindi ka gumising ibig sabihin malapad talaga noo mo! diba hindi ka aminado na malapad noo mo?! Kaya gumising kana nga. Bwisit ka.." Pinatong ko ulo ko sa kama nya.. Noo.. gumising kana.. hindi namin kayang bukas ka pa magising. mamimiss ka namin agad!!!...
Naramdaman ko na gumalaw yung kamay ni cha. Napatayo naman ako agad.. Dumilat ng dahan dahan si cha. Thank you, lord! Thank you world!! Sigawan kaming lahat. Niyakap naming tatlo si cha. huhu noo!!!
"Anong nangyari? Bakit nandito tayo sa ospital ha? tsaka Bat parang nawalan kayo ng isang milyon? Lintek ang bigat nyo!" Sabi ni cha. HUHU NAMISS NAMEN TO. oo na, oa na kung oa. Mahal naman to si noo e!!!
"Lumapad lalo noo mo, kaya nandito ka." Sabi ko. Hinampas naman ako ni cha. napatawa sila zel at lory.. Nakangiti din yung yaya ni cha.
"Oo nga! Pumanget ka din lalo!" Sabi ni zel. haha
"Grabe kayuuu! ang sama. Tsss!" Sabi niya.
Napatawa nalang kami. Hinayaan din naming magyakapan sila ng yaya nya. Nakakaiyak huhu! Babawas bawasan ko na nga pangaasar ko dito. echos. bwahaha! Lumabas si lory dahil may tumawag sa kanya. Aba aba. After ilang minutes, naiihi nako. haha. Lumabas ako at naghanap ng cr. Naiwan sa kwarto si zel, cha at si yaya.
Sakto namang nung nakakita ako ng cr.. nandun si lory sa may gilid.. may kausap.. mukhang nastestress sya. anyare? Nagtago ako sa gilid para marinig ko at para di nya ko makita.
Nagulat naman ako sa narinig ko..
"Ayoko nga po! Sana pakinggan mo din ako minsan, Pa!" hala? First time kong narinig na tanggihan nya papa niya. Laki kasi sa pagkakastrikto si lory ng papa nya. At ang alam ko, sabi ni lory hindi sila close. Pero hindi naman daw niyang natanggihan yung papa niya. So ano kaya nangyayari? Chismosa ko masyadu. Pinatay naman ni lory yung phone niya. Nung nakita kong palapit na siya, nagtago ako agad. haha para akong baliw. Sumilip ako, wala na siya. Hayy. Naglakad nako pabalik.. Nagulat naman ako nung may nakita akong magandang bulaklak na nasa basket at may letter na nakalagay..
"Get well soon, Ms. Rumkeit."
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
Novela JuvenilLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.