EVELintek na ed to! Patayo na sana ako nung.. biglang..
"Oh my gosh! What do you think you're doing? you freaking slut!"
"Kadiri! Ang landi naman niyan!"
"Siya ding yung sinabihan ni joaquin ko ng walang kwenta diba?" Sigaw ng mga babaeng judgemental amp. Syempre tumayo na ako bigla. Ang daming tao nakapaligid samin.Tumakbo ako paalis, wala nakong pake sa papel na yun. Ayoko ng gulo. Dumeretso ako sa cr.. Matapang ka, eve. Wag kang iiyak. Inayos ko yung sarili ko.. Nakakainis sila. Kala mo kung sino sila.. Sana hindi malaman nila Zel to. Baka magwala lang sila.. Pagkalabas ko ng cr, may tatlong babaeng di ko akalain lalapit ulit sakin. sila Michelle, Alisa at Aika. Mga taong matagal ko nang pilit na kinalimutan. Madaming tao ulit ang pumaligid samin.. Nilapitan ako ni mich..
"Ano bang problema mo ha? Dimo ba alam na nagmamahalan kami ni eddie!?" Sigaw nya. Yuck. As if papatulan ka nun! Napatawa naman ako. Grabe, nabaliw na pala talaga to.
"Nagmamahalan kayo? Wag ka ngang magjoke, Michelle." Sabi ko at naglakad nalang palayo. Baka magaway pa kami. Ayoko na ng gulo. Nagulat ako nung hinila nya yung buhok ko. ARAY! SABOG NA NGA YUNG BUHOK KO GINAGANYAN MO PA! Wala manlang tumutulong sakin. Galeng nila e noh. Bigla naman hinawakan ni Alisa at aika yung dalwa kong braso.. Patuloy padin hinihila ni michelle yung buhok ko na para bang makakalbo nako.
"Lumandi ka na pala talaga noh?!" sigaw ni mich..
kingina para akong nawawalan ng malay.. kaya kong lumaban pero..
"HOY!!! SIRAULO! ANONG GINAGAWA MO SA BESTFRIEND NAMIN HA?!" Sigaw ni zel. Sa wakas, world. Bigla namang tinulak ni cha si Alisa na nakahawak sa kanan kong braso. Hinila naman paalis ni lory si Aika sa kaliwa kong braso. Nakawala na din ako sa wakas. Sinipa naman agad ni zel si michelle. Letse. Tumayo naman ako agad at inakbayan ko yung tatlo kong ugok na bestfriend.. bumulong ako sa kanila..
"Tumakbo nalang tayo." Napatawa naman sila. Ayaw namin ng gulo noh! pero namumuno na sila e!
"Ang kakapal talaga ng mukha nyong apat!" Sigaw ni michelle. Napangisi naman ako."Nakakatawa kayo." Sabi ko at bumulong ako sa tatlo..
"Takbo!" Sabay sabay kaming tumakbo paalis. HAHA. Tae. Ayoko talaga kasi ng gulo e, sensya na.
Nakabalik naman kami agad sa room. Biglang nagsilapitan yung mga kaklase ko dati..
"Eve!!!! ayos ka lang?!! Nabalitaan namen yung nangyari sayo!! Mga hinayupak talaga yon!! Hindi na nakamove on!! Sana binugbog mo sila!! Bakit kasi hindi ka nalang ulit bum-" hindi na natuloy ni ella yung sinabi nya nung binatukan siya ni zel. Hm. Napatingin ako kay cha, wala siyang alam sa nakaraan ko at ayaw ko ding malaman nya. Sila Lory, Zel at mga ibang tao dito nung first year palang kami ang nakakaalam nun. At.. Ayoko na bumalik sa nakaraan.. haha!
××
Ang gulo ng araw ko.. humiga nalang ako sa kama ko. Bakit kaya bigla nalang bumabalik yung nakaraan ko? Sapat ba na bumalik ako sa pagiging..?? *ERASE* ayaw! Bahala sila sa buhay nila letse. Ayoko muna magfb huhu. Natulog nalang ako..
××
"Eve.." Pag gigising ni kuya sakin. aba himala? Mahinhin sya ngaun ah? Shy type-kuno. HAHA! Dumilat naman ako. Nakakagoodvibes naman to si kuya, ano nakain neto?
"Oh bakit kuya? Ang hinhin mo ngaun ah?" Sabi ko. mukha namang nairita sya pero kumalma sya ule. haha baliw.
"Kaya pala tahimik ka kagabi ah..nagsumbong sakin sila Zel. May mga umaway daw sayo? Hinayaan mo naman? Bat di ka manlang lumaban? Di ka naman tinawag na T-"
Binatukan ko sya, di ko na pinatapos sa kanya yung sasabihin nya, masyado na sasakit ulo ko. Pero sana layuan nako ni eddie.
"Wala na yon, kuya. hayaan mo na. please?" sabi ko. mukha naman nakaintindi sya. haha. niyakap ko sya.
"Thank you sa pagaalala mo kuya, iloveyou!" Sabi ko. Niyakap naman nya ako pabalik. Mahal na mahal namen isa't isa nuuh? haha di lang halata.
Pinaligo na niya ako. Panira. haha.
pumasok nako sa cr, humarap ako sa mirror. Tinanggal ko yung salamin ko at tinanggal ko yung tali ko. Nagsuklay ako. Aray ano ba tong buhok na to huhu! Mga 5 minutes natapos na den haha. Straight na siya ulit. Hindi naman talaga panget buhok ko, hindi na kasi ako nagaayos... Kasi ayokong masuka sa itsura ko kapag ganito.. Sapat bang matago yung demonyong ako, ng salamin at tali ng buhok?
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
Teen FictionLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.