EVE
"Ay sorry."
"Ay sorry."
"Ay sorry."
"Ay sorry.""HOY EARTH TO EVE! BUHAY KA PA BA GURL?" sigaw ni zel sakin. Nagising naman nako sa fantasy world ko. haha.
"Oo shunga." Sabi ko. Di lang kasi ako makapaniwala nakabangga ko siya, as in first time na sobrang lapit niya sakin. Sayang nga lang pag kasorry nya umalis agad siya, ni hindi manlang tinignan muka ko, huhuhu. Pagtapos nun sinigawan ko lang ung tatlo at kwinento. Binatukan naman nila ako, sobrang halata ko daw. baka hindi ako magustuhan ni joaquin kung ganun.
"Osiya sige, uwi na kami." Sabi nila.
"Sige." Sabi ko. TEKA.. UWI?
"Uwian na ba??!" Sigaw ko sa kanila.
"Malamang. Kanina pa natapos yung class at congrats nakatulala ka lang buong magdamag." sabi ni cha. Bat badtrip to? Haha. Nagtinginan kami ni zel at lory, Ngumiti kami. Kinuha ni Lory yung kaliwang braso ni Cha. at si zel naman yung kanan, habang ako lumapit at kiniliti siya. Tawa naman ng tawa tong NOO na to. "Oo na, ayoko na! Hahah" Tawa parin siya. Tinigil na namen at binatukan niya kaming tatlo.
"Mga baliw talaga kayo, che uwi na tayo Zel." ngumiti siya. Magkasabay kasi lagi yung dalwang mokong na yun. Habang kami naman ni Lory yung magkasabay.
Umalis na sila. muka silang pwet. haha.
Tumingin si Lory na para bang nagsosorry.. ano merun?
"Uy Eve, May pinapagawa kasi sakin si Sir paul huhu. Nakakaasar nga e. Pinapaayos nya sakin yung mga pangalan ng buong klass huhu." Sabi niya.
"Haha ayos lang, sige na flatcheeseted gurl." Tinulak ko na siya papunta sa room at nagwave goodbye sya. ako din.
Ano ba naman yan, wala akong kasabay huhu. Gusto ko pa man din kumain saglit sa McDo.
Nagabang nako ng Taxi, wala kasing kwenta ang aking mahal na kuya, ibang school siya eh. pero alam ko tinatamad lang talaga yun.
Ilang oras na lumipas, wala pading taxi, at kung minamalas lang talaga ako, biglang umulan. Hala! Magtetext na nga lang ako! Hinanap ko yung phone ko, oh noooo. Wala akong phone!!!! naiwan ko!! patay!! Wala rin akong payong!! Jusko! Bumalik muna ako sa school kasi medyo madilim na, nagantay ako sa labas ng room namen, nasa loob naman yan si lory e. yun ang akala ko.
Nagising nalang ako nung nakita ko nakatulog na pala ako sa gilid ng hallway, at laking kinagulat ko may jacket na nakapatong sakin. Anyare?
Tumayo ako agad at pumunta sa room, wala na talaga si Lory. Nauna pa sakin yung ugok na yon? Pano nako uuwi neto? Tumingin ako sa labas, umuulan padin.
Pwede na ba kong umiyak? Gutom na gutom nako. Lumabas ako ng school at nagantay dun sa labas. Sana may savior ako. Echos. Nilalamig na talaga ako. Buti may jacket wahaha. Bigla ko namang sinapak yung mukha ko. Nababaliw na ba ako?
"Tuluyan na nga ba akong mababaliw dito, world?!" sabi ko.
"Oo, nababaliw ka nga e." WAAAH Kinausap ako ni world? Syet world? Sumilip ako sa gilid gilid ko, wala naman. Si world nga talaga ang kausap ko.
"Tulungan mo naman ako, world! hindi ako makauwi, world!" Oo na, mukha na kong tanga. haha si world nalang pagasa ko.
"Sige tutulungan kita." Sabi ni world.
"Salamat, world! Salamat! Pakibilisan nalang ah, nilalamig na kasi ako dito, buti nga may jacket na nagbigay sakin. Ikaw ba nagbigay? sana manlang dinala mo nako sa bahay, world." Laking kinagulat ko nung may tumatawa na sa likod ko.
Omy."Laughtrip ka rin eh noh? Bat ba hindi ka pa umuuwi? Ako si Eddie, hindi ako si world." Tawa siya ng tawa. Hallaaaa! Nako! ang pogi netooo! sya yung kaibigan ni Joaquin! Bakit siya pa ang nakakita at nakarinig sakin ngayoon! Baka ibuking niya ako kay joaquin na baliw ako! Dibale; di naman niya alam baliw ako kay joaquin haha.
Tawa paden siya ng tawa. Tagal naman mawalan ng hininga neto. Bat nandito pa to? Diba dapat wala nang tao dito?
"Oo na, akala ko kasi si world kausap ko! Tse!" Tumayo nako. Bahala siya. Sumigaw siya..
"Oy teka Ms. World! Hahah!" Hinabol niya ako. Anu daw? Ms. world? Nantritrip ba to? Huhu. Sana si joaquin nalang andito.
hinarap ko siya. tinignan ko ng masama.
"Baliw kaba? Gusto ko na makauwi. Maglalakad nalang ako. Gabing gabi na. At ikaw? Bat ka pa nandito?" Pagsusungit ko.
"Ihatid na kita. Haha, swerte ka kasi bumalik ako dito dahil may naiwan ako."
Luh siya? Gabing gabi tapos may naiwan? Ayus."Luh? Ano naman naiwan mo?" Fc ko e noh. haha. syempre kunyari bad girl haha letse.
"Ikaw. At infairness, napakaganda mong Pango. Ano nga ba ulit name mo?" Sabi niya. with kindat.
Para akong nabulunan sa laway ko. Chickboy to ah. THANKYOU AH PANGO DAW AKO. Inayos ko yung salamin ko.
"Luh? Bala ka dyan. Whatever." Naglakad nako palayo sa kanya. Laking kinagulat ko na binuhat niya ako, yung bagong kasal style. LUH?? FEELING CLOSE TO AH!! BAKA MANYAKIS LANG TO!
"HOY IBABA MO NGA AKO! LETSE KA! FEELING CLOSE!" Sigaw ko. Tawa lang sya ng tawa. Pinasok niya ako sa kotse niyang kaganda ganda. Nagulat akooo huhu. yaman niya sobra. Whatever. Haha. Magkakakotse din ako! teka. Kidnapping to ah!
"San ka ba nakatira? ms. world? haha." Sabi niya na para bang ayos lang tong ginawa niya.
Binatukan ko nga.
"Ano ka? Kidnapper? Atsaka pangalan ko Eve, hindi ms. world!" Sabi ko. Tumawa nanaman siya.
"Yowwn! Eve pala. Oy Eve, arte mo e nuh? San ka nga nakatira?" Sabi nya. hay. Sige na nga. Gusto ko na talaga makauwi. Mag se-seven o' clock na. Kala nyo gabing gabi na noh? hahaha.
"Dun sa second village. ituro ko nalang." Sabi ko. Ngumiti naman siya. Eh kailangan ko na umuwi e! Haha. Nung buong biyahe syempre tahimik lang, Pa-mood swing den to e. Gusto ko sana magtanong tungkol kay joaquin pero wag na nuh! Kahit nangangati na yung lalamunan ko dahil gusto ko na magsalita, tiniis ko nalang.
Ilang minuto lang andito na kami. bumaba ako at binaba nya ung bintana niya. napanganga siya. Ano meron?
"Kaano-ano mo si Aries?" tanong niya.
kilala niya si kuya aries?
"Kuya ko, bakit?" sabi ko.
Ngumiti naman siya.
"Wala naman hehe. Ge na bye, ms world!" Sabi niya at pinaandar na yung kotse. Hala di pako nakakapagthank you! Bala siya, bukas nalang. Natauhan ako nung may jacket pako. Hala sakanya yata to! di ko na balik! Ano bayan! Pumasok na ko sa loob. dun dun dun dun. 4 uwian namen tapos 7 ako nakauwi HAHA letse. usually 4:30 andito nako. haha Hindi ako gala no!
"Andito na-" Natigilan ako nung binatukan ako ni kuya. aruuuy.
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
أدب المراهقينLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.