Chapter 10 Eddie's POV

19 2 0
                                    


EDDIE

Nasa isip ko nanaman si ms. world, ewan ko ba lagi nalang siyang pumapasok sa isip ko.. hindi manlang kumakatok. haha! Ang kulit nun e. Nung una ko siyang nakilala, kinakausap nya yung mundo. haha! Sabog nga siya nun e, basa. Buti may jacket sya nun, naawa naman ako nun. pero mukhang matatag sya nun. haha! Kaya nagpasya ako ihatid nalang siya. Nakakatawa sya e! Siguro iniisip nya swerte sya na nandun ako? Haha! Ako nga swerte kasi nandun ako. Pinapunta ako ni wacky dun e, pinakuha nya yung letseng notebook nya sa science. Naggroup study kasi kami nun. Tapos ayun, parang naging extra special buhay ko nung makilala ko si ms. world. Lagi ko nalang siya inasar, pero syempre kailangan hindi ako laging lumapit, baka madaming mainggit sa kanya. Katulad nung nagsungit si wacky, may topak e. Buti nalang nakabawi siya kagabi kay ms. world slash sabog.
~Last night

hinanap ko agad yung facebook ni ms. world. Hirap hanapin ah! *TING* kuya nya nga pala si kambing! haha si aries. Sinearch ko sa friends ni aries, ung pangalan na eve. May lumabas naman agad..
Evergreen Fuyii Heartfilia

Naks naman! ganda ng name niya..pang prinsesa. kaso lagi siyang sabog e. >.< Haha! Hindi ko pa sya nakikitang maayos pero sobrang nagagandahan nako. pano pa kaya pag maayos? haha! chineck ko yung profile kung sya nga, letse sya ba to? Puro picture ng anime tapos ni isang picture ng muka nya, wala. puro private pa yung profile pic nya! haha! hays. Wala din siyang mga status o kahit anong post, masyadong pamysterious to si ms. world e! haha. Nagrequest ako sa kanya, tagal naman iaccept. baka hindi online? Nagstatus ako.
Sana iaccept mo request ko.

56 likes• 78 comments• share

haha! mamaya-maya. Inaccept na nga nya! Yeees! Chinat ko sya agad.
Eddie: Helllloooooo ms. world! Sa wakas inaccept mo na din! Ganda ng name mo ah! Evergreen♡ Namiss kita kanina eh! Haha!

•Sent just now, seen 5:56 pm

awtsu sineen lang ako. Machat nga ule!
Eddie: Oy seen! Famous to oh! Bat wala ka nga palang maayos na picture sa fb mo? haha! Puro nakaprivate pa, pfft. Artista ka?

•Sent 1 minute ago, seen 6:02 pm

nagtytype na sya! haha! yown! kailangan pang asarin to e! biglang may kumatok sa kwarto ko, syempre inexit ko muna chat namin ni ms. world, baka sabihin nangseseen ako! haha.

"Sino yan?" sabi ko.

"Ijo, may bisita ka. Si Sir Joaquin." sabi ni yaya. Binuksan ko naman pinto ko at nginitian ko si yaya, tinuturing kong second mother yan e! haha. mabait kasi. Lagi kasi wala dito sila mama at papa. bumaba na ako at nakita ko nga yung baby koo♡ haha biro lng. ano meron? Munshunga sya haha!

"Oii, Wacky! Ano ginagawa mo dito?"

Tanong ko. Tumingin naman siya ng masama, sabi ko nga pwede ka pumunta lagi dito e! >.< May regla ba sya? Haha!

"Trip lang, walang magawa sa bahay e." Sabi niya. ahhh! Eh saktong nagugutom na daw sya, ayaw naman namin magpaluto. Nagdesisyon sya bumili nalang sa 7-11..

"Bili nalang ako ng pagkain sa 7-11." Sabi niya. umokey naman ako.. sabi ko sapat na sakin, ang siopao! Umakyat nako nung nakalabas si wacky. kachat ko pa si ms. world e! Pagkapasok ko sa kwarto, binuksan ko agad chat namen ni ms.world.
Evergreen: Shatap! Lakang pake.
Sent 15 minutes ago

nakuu! baka sabihen snob ako!
Eddie: Haha bat ang cute mo?

•Sent Just now

Di na yata sya online? huhu. Nagantay ako wala pa den!!!
Eddie: oyy! reply naman dyan oh!
Sent just now

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon