CHANELLEHayyy ang sarap ng buhayy.. saturday ngayon..walang pasok :")
Walang weirdong nakitulog dito kagabi! A-ha-ha-ha!
Tumayo ako galing sa kama at may naapakan yata ako..
Parang braso? Inapak apakan ko..Parang bali na..
Hayyyy ang sarap ng buhay.
Nababaliw na yata ako.
"ARAAAAAY!!!!!! ANG SAKIT NUN, CHANELLE!"
.
.
.
.
.
.
Hindi pala siya panaginip.... T_T nakakaiyak!!!!"AT BAKIT KA NANDITO SA KWARTO KO!?" Sigaw ko. -_-
~Flashback"EHEHEHEHEHE Ganun ba ijo?" Bat ba feeling close si yaya sa cody na to?! -_-
"Opo. Kaya lang wala akong matutulugan ngayon eh...." Buti nga.
"Dito kanalang matulog ijo." KAILAN PA NASUNOD SI YAYA?! T_T
"No wayyyy yaya! Bayaan mo matulog sa kalsada yaaan!" sabi ko.
Napatawa naman si yaya.
Naiyak pa si cody -_-
and so.... ang nangyari..
natulog siya sa baba..
~~~~~
"Chanelle, Cody.. Baba na. Kakakain na." Nakakawalang gana pag eto yung katapat mo pag kagising.
"Bat ka napunta sa kwarto ko?" tanong ko -________-
Napakamot siya ng ulo.
"Gusto lang kitang bantayan! Parang prince cha- OYYY MAKINIG KA SAKIN!" bahala ka sa buhay mo hahaha. Habang nagsasalita siya lumabas nako ng kwarto. ihihihi.
Bumaba nako at dumeretso sa kainan.
Wow!Ang daming pagkain! MAY FIESTA?
"Morning yaya! May fiesta po ba?" Tanong ko.
Nagsimula nako kumain ♡_♡
"Haaha wala naman ija. Kain na. Asan yung ku- ayy si cody?" ha? cody?
"Nandito na po ako yaya." wow nakikiyaya. Sapakin ko kaya to?!
"Ijo, Lika na. Kain na."
"*Cough cough cough*" NABULUNAN AKO SA SINABI NI YAYA. MAKIKIKAIN YAN!? SINO BA YAN? NAKITULOG NA NGA, MAKIKIKAIN PA!
"Ija, Inom ka tubig oh." ininom ko yung tubig at pagkatingin ko sa harap ko...
Kumakain na si gagu! -_____-
"Hoy ang kapal mo naman yata kumain?" tanong ko -__-
"Hahah! Ang alam ko masarap ako pag kumakain." Nonsense -_-
bahala siya.
Nakakairita siya.Tumayo nako. Kahit gusto ko pang kumain. T__T
"Tapos kana kumain?" Hinde, siguro kukuha pa ng kanin!
"Hahaha eto yung kanin oh." -_______-
"Yaya akyat na po ako. May pupuntahan pa po ako.." san ako pupunta? hahaa.
Umakyat nako para maligo.
Ayyyyyy. Ligo. Ligo..
Hay. Sino ba siya? Masyado namang mabait sa kanya si yaya? -_-
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
Teen FictionLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.