JOAQUINLintek tong apat na to. lagi nalang nasa bahay ko. Swerte nila wala si mama't papa dito. Tumambay nanaman sila dito.. Wala manlang dalang pagkain. Nagsabi ako bibili ako ng pagkain sa mcdo, Gusto sana nilang sumama kaso sabi ko wag nalang. Magpaluto na sila kay yaya at ayusin na nila yung Tv namen para pagdating ko manonood na kami agad ng movie. Bibili nga muna ako sa mcdo.. Medyo malayo din samin yung mcdo.. Kaya nagtaxi ako. Pagkapasok ko ng mcdo, ang daming babaeng tumitig sakin, sumingit nalang ako sa pila. Nagtakeout ako ng malaking fries. Para sakin lang. Pagkalabas ko ng mcdo.. kung minamalas nga naman ako.. Nawala yung buong 200 sa bulsa ko. letse san napunta yun?! Bwisit maglalakad pa tuloy ako! Napunta ako sa madilim na lugar, nasan ako? Sakto namang may nakita akong babaeng tumakbo at tatlong lalaki na nakasunod sa kanya. shit. Nagtago muna ako saglit sa gilid.. Tulungan ko ba yan? Ayoko ng gulo, kumakain ako.. Nagulat naman ako nung biglang nadapa yung babae, lintek. Di ko masyadong makita yung mukha ng babae. Nahabol naman siya agad nung mga lalaki. Di ko makita yung mukha nila. Para akong tinusok sa puso nung marinig kong sumigaw yung babae.
"Oy bitawan nyo nga ako!" Putek tama ba tong naririnig ko?? Si ano ba yan?"Haha tapang mo ah" sabi nung lalaking nasa harap ng babae. Tama nga ako.. Si eve ang babaeng yun! kaya pala sabog. haha jk. Dalwang linggo na din hindi pinapansin ni ed si eve, kailangan e. May hawak na panyo yung lalaki at palapit sya ng palapit. Putek kailangan kong iligtas si eve! Patakbo na sana ako nung biglang...
"Kingna nyo!" Sigaw nya at sabay kumawala sya sa dalwang lalaki. Medyo napatumba sila. Wow ang lakas! Sasapakin na sana nung lalaking si eve nung bigla naman siyang umilag at saka niya sinapak to. Ang galing. Muntik na siyang matamaan ng kahoy na hawak nung isang lalaki na napatumba nya nung nakaharap naman agad si eve at sinuntok nya yung tiyan nito. 1 down 2 more to go. Galing ni eve haha! Napansin ko namang may kutsilyo na hawak yung lalaking nasa gilid ni eve. Agad Kinuha ni eve yung kahoy at hinampas nya ito sa lalaking may kutsilyo. Ang galing ng mga galaw nya, kala mo expert sa pakikipagbugbugan. Medyo may dugo na din yung kamay ni eve galing yun si kalaban nya, ang astig pa dun hindi sya natamaan ng kalaban nya. Nagulat ako nung napatawa namn si eve. Anong nangyayari? Palapit na si eve sa lalaki nung tumakbo ung lalaki. Bakla.. Kumapa ako sa fries ko, wala na pala. haha para akong nanoood ng movie. Parang hahabulin pa sana ni eve nung bigla nalang ako napunta dun sa likod niya."Oy wag mo na habulin, Natakot na yun." Sabi ko. Medyo nahihiya ako. Ang galing niya kasi. Nung humarap siya sakin, iba yung itsura ng mata nya.. kahit may salamin siya kitang kita ko. Parang nagulat sya nung nakita niya ako, kaya bumalik agad sa dati yung mata nya. Anong meron sa mata nya? Pero astig pa den siya dahil parang walang nangyari sa kanya. Yun nga lang may dugo sa kamay niya.
"A-anong gi-na..gawa mo dito?" parang nanginginig sya. Takot ba siya? Pero ang astig nya kaya!
"Tutulungan sana kita kaso bigla kang lumaban, ang astig mo!" Sabi ko. haha. Mukha namang namula sya.
"ah sige alis nako. ingat" tumakbo sya agad paalis. Hahabulin ko sana siya kaya lang ang bilis ng takbo niya. Napakainteresting talaga ng babaeng yun. Natatawa nalang ako mapag siya ang kasama ko.. Mahirap na din kasi ngumiti kapag.. nvm. Umuwi nalang ako... Badtrip... Parang gusto ko talaga tanggalin yung salamin at tali niya kanina.
"Nandito nako." Nakadating ako agad sa bahay haha. Tumakbo ako e. Kala ko makikita ko pa siya.
"Bat ang tagal mo ha?!" Sigaw ni peter. Kung makasigaw kala mo jowa ko siya.
"Traffic." Wala akong maisip. Nakita ko si aries na nanonood..alam kaya niyang magaling lumaban kapatid nya? At tsaka, bakit ba lagi kaming pinagtatagpo ng eve na yon?
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
Teen FictionLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.