CHANELLEAno kaya pwedeng magawa ngayon? >.<
*Tiiinnnggg!* Alam ko na! Kinuha ko yung phone ko.
Calling pango..Tinawagan ko si eve. Sinagot nya agad.
[Oi? Napatawag ka NOO?]
naramdaman ko naman na tumawa sya. lintek tlaga to!
(Wala lang.. Gusto ko sana gumala ngayun..)
[Shunga bawal nga ako ngayon e huhu. May pupuntahan kami ni kuya aries. Sorry noo. haha!]
(Ah ganun ba? Sayang. Ge na. Magpatangos ka na haha!] Binaba ko agad yung call. Alam ko papalag sya e!
Hayyy. Bawal din kasi sila Lory at Zel ngayun. Swerte nilang tatlo. Si Eve pinagaagawan ni joaquin at eddie (yun ang feeling ko.) Si Lory naman nakapagdate na kay michael waaah! yun nga lang balik-Dedma si michael kay lory. Baka tahimik talaga sya pag nasa school. ayaw naman ni lory kausapin si michael, nahihiya daw siya. pwes magdusa sya :> Si Zel namann hay Akalain mo nga naman si Sean Hudgens yung panget na sinasabi niya? HELLOOO! ang gwapo kaya nya! Hindi ko nga din alam na nagaaral si sean sa school namen, ang galing nya magblend-in. Atttt BF NA NYA NGAYUN SI SEAN! Yun nga lang, pretend. pero alam kong magiging sila din for sure :^) manghuhula ako! Ge baliw nako.
At ako?
Nganga. :O
Ano na gagawin ko ngayon? Pupunta nalang ako ng Mall. Makikipagdate ako sa sarili ko.
Yey! Nagbihis nako at nagpaalam muna kay yaya. As usual wala nanaman sila mama at papa. Hayyy.
××
Andito nako sa mall.. Yung RD mall. Yung pinakamagandang mall sa balat ng lupa haha echuus. Basta astig talaga dito. Dito kami tumatambay nila Eve. Panigurado big time may-ari neto.
Nagikot ikot ako sa mall.
Ayy gutom na ko. Dumeretso ako sa paborito kong kainan♡ Mcdooooo! Nagorder naman ako agad ng isang bff fries atsaka ice cream. Nakahanap din naman agad ako ng upuan, nasa may likuran ako. Yowwwn ang sarappp! Kain lang ako ng kain hanggang sa may lumapit na lalaki sakin.
"Hi miss, magisa ka lang ba ngayon?" Tss. landi neto. Ang panget naman!!! echosss.
"Hindi ba halata?" Sabi ko. Halata naman nairita sya. Buti nga!
"Sumama ka nalang sakin. Lika na." Bigla nyang hinawakan yung braso ko. aba bastos! Papalag na sana ako nung..
"Sorry sir!" Natapunan ng juice yung lalaking feeling close. Buti nga letse! umalis na lang ako at nginitian ko yung staff na nakatapon ng juice sa kanya.
Naglakad lakad ako nung may kumuha ng atensyon ko.
"Ang cute naman ng shop na yun." Sabi ko. Kausap ko sarili ko. Forever alooone. Pumasok ako sa loob. Ang cute nga! Isa siyang shop na puro flowers. Ang kyooooot♡ hayy ewan ko lang pero parang magaan ang loob ko kapag nakakakita ako ng bulaklak.
"Miss? Excuse me po." Napatingin ako sa babaeng lumapit sakin. Ahh, dito siya nagwowork. Napatingin ako sa bulaklak na dala nya. Ang ganda namaan! Gusto ko yooon!! >.<
"Yes?" Nginitian ko siya. Nagulat ako nung bigla nyang inabot sakin yung bulaklak..
"Pinapabigay po sainyo.." Ngumiti siya at umalis agad. Halaaa? hahabulin ko sana siya kaso nawala na siya bigla. ngekk mahirap din mahanap siya dito. Malaki kasi dito. Eto na yata ang pinakamalaking flower shop na nakita ko...
Napatingin ako sa flowers.. teka nga... Parang similar to sa...
~flashback
"Oy Cha! Haba ng hair mo oh!" Inabot nya sakin yung bulaklak..ang pretty! May letter din..
"Get well soon, Ms. Rumkeit."~present
Omyyyy! May letter nanaman siya..
"Don't make me jealous, Ms. Rumkeit."waaah! letse naman! Sino kaya to? admirer kaya to? o nantritrip lang? Pero.. Ang gaganda ng bulaklak na binibigay niya. haha nakakatuwa naman siya.
Naghanap ako ulit dun sa babae kaso wala talaga hayy.
Lumabas ako ng shop. Dala dala yung bulaklak. Madami naman nakatitig sakin. As in titig talaguuuh. Nakakatunawww! Uwi nalang kaya ako? Nagulat naman ako nung may bumangga sakin na babae.. as in bangga talaga! letse to ah! Nahulog ko din yung bulaklak.
"Sorry akala ko kasi paso e. haha!" Lintek sinasabi ko na nga bang may nakapasok na hayop dito. Tumayo ako, hawak hawak yung bulaklak.
"Okay lang aika. Don't worry, mahilig ako sa hayop. Lalo na sa katulad mo." Nginitian ko pa siya. Halata namang nairita sya lalo sakin. Buset na aika to. Manang mana sa amo niyang si mich. Lagi nalang ginugulo ng tatlong hinayupak nato buhay namen. Wait nga.. Halaaa ang daming tao nakapaligid samin. MGA CHISMOSAAA! Makaalis na nga lang. Wala naman siyang palag sakin e. Paalis na sana ako nung biglang..
"Hindi naman bagay sayo yung bulaklak e!" Kinuha nya agad yung bulaklak mula sakin. ikinagulat ko naman yon. Naiinis ako ng sobra..
"Ibalik mo sakin yan." Sabi ko. Papunta sana ako nung bigla akong hinarangan ng dalwang panget. Si mich at alisa. Tinignan naman ng mabuti ni aika yung bulaklak at ngiti siya ng ngiti.. halatang nangaasar.
"Ayaw ko nga. Ang panget kasi netong bulaklak nato." Sabi nya at akmang itatapon na niya.. wag.. parang naiiyak nako. Bigay yun sakin ng taong hindi ko kilala pero ramdam ko na may pake sya sakin...
"WAG!!!" Sigaw ko. Nagulat nalang kaming lahat nung..
"Ang lakas naman ng loob mo para itapon ang isang bagay na hindi naman sayo." Sabi niya habang nakahawak ng mabuti sa kamay ni aika.. Halatang mahigpit.
"Louie! Ba-bakit ka nan-nandito?" Nauutal na sabi ni aika. Kinuha naman agad ni louie yung bulaklak. Omyy! Prince charming lang? Haha. Infairness ang galing niya mag-timing. Bat naman niya ko tinulungan? para asarin? tss. Agad naman umalis yung tatlong kabute. haha pati naden yung mga taong chismosa. Lumapit si louie sakin at binato yung bulaklak, sinalo ko naman agad. Nubato ang hilig mangbato! Sapakin ko to e!"Hoy kailangan ibato?!" Sigaw ko.
"Kasi nagskandalo ka dito." Ano daw? skandalo? wews ah!
"Anong skan-" Bigla nyang pinutol ang sasabihin ko..
"Amazona ka talaga hay nakoo. Bahala ka na. Aalis nako." Umalis nga talaga siya.. Pero this time.. Nagngitian kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
Teen FictionLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.