Chapter 28 Jealous?

28 1 0
                                    


EDDIE

"TARANTADO KA AH!" Pagkasigaw ko, tinulak ko agad si Mike. Ang lakas pala talaga ng loob netong mokong na to ah!

"ANONG PROBLEMA MO?! AKSIDENTE YON!" Sigaw ni mike. Aksidente?!! Pinigilan ako nila Louie dahil masasapak ko talaga tong siraulo na to!

*prrtt*

"Tigilan mo yan Mr. Francisco!" Tch. Umalis ako ng gym, dumeretso ako sa clinic kung nasan si joaquin..

Sinundan ako ng dalawang mokong..

"Si michael?" tanong ko.

"Di siya pinaalis e. Kailangan niya asikasuhin yung papalit satin." Sabi ni peter.

Pumasok agad kami ng clinic..

Andun si joaquin, nakapikit sa sakit habang ginagamot siya. tch! Sira talaga yong mike na yon! Di ko akalain ganun siya ka-kapal.

Si mike.. Mike Wayne Tan, Dati naming tinuring na bestfriend... hanggang sa..

"Ayos ka lang ba wacky?" Tanong ni louie. i-ankle break ko kaya to? para malaman nya. haha

"Mukha bang ok ako?" pagsusungit ni wacky. haha! Mukhang ok na siya. Lumabas muna ako ng clinic at kumuha ng maiinom.. Pagkakuha ko ng inumin.. sinundan pala ako ni peter. Nakasandal sya sa pader, feeling cool haha jk.

"Napansin ko na medyo nagdadamot ka kanina kay joaquin ah." Sabi ko na e.

"Wala yon." kunyari pamysterious ako haha. Gusto ko magmukhang tanga kanina e. Nakita ko kasing todo tingin at todo cheer si eve sa kanya.. Kahit itago niya o hindi niya sabihin..alam kong may gusto siya kay joaquin. Halos isang buwan ko na din siya inaasar at nakakasama. laptrip nga siya e..

Kaya nabadtrip ako bigla kay joaquin.. Hindi ko gusto si eve.. hindi pwede..

"Hayy atleast inayos mo agad laro mo. Maglalaro ka pa ba?" sabi niya.

"Hindi na. Oy Punta ako sa locker." sabi ko. Ayaw ko na e.. Baka mapatay ko si mike..

"Haha sige." Tinapik niya yung balikat ko at naglakad na palayo. Pacool talaga!

Naglakad ako papunta ng locker, ayoko na maglaro muna.. Naghubad ako ng damit.. Tapos biglang.. dug dug dug..

"Waah! hindi ko sinasadya! Sabi kasi ni peter andito daw si joaquin!" Nagblublush siya. Siraulo talaga yon si peter! Alam na niyang magbibihis ako e! Take note: Boy's Locker to! Pwede kami maghubad anytime! Buti kamo sando palang hinuhubad ko.

"Hahah! Nagblublush ka ms. world!" Sabi ko. Inirapan lang niya ako.

Nagsuot ako agad ng sando.. paalis na sana siya nung... ewan ko kung anong nangyari sakin.. hinila ko siya palapit sakin.

"HOY! Ano trip mo?!" haha ang cute naman neto.. sana ako nalang yung nilaanan mo ng pansin kanina..

"Oyy nababaliw ka na ba?!" Pilit niyang tinatanggal yung paghawak ko ng kamay niya.. Tinulak ko siya sa may mga locker.. Hindi naman siya makaalis dahil masyado ako malakas :p

"Huy eddie! ano ba?!" Galit na siya.. you look like her...di kaya?..

Hindi. Ermine is more matured looking. and..matagal na siyang...

"Bakit ba si joaquin lagi?" Di ko na napigilan yung bibig ko. Halata namang nagulat siya sa tanong ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Pilit niya akong tinutulak. Hindi ka makakaalis. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya para hindi siya makakaalis..

"Eddie.. sobra na yung pagtrip sakin!" Kingina! Ano bang pinagagawa mo eddie?! She thinks na pinagtritripan ko lang siya? well.. oo. pinagtritripan ko lang siya! Ano ba kasing pumasok sa isip ko?

Niyakap ko siya..

"I'm sorry, i crossed the line." Ginulo ko yung buhok niya at umalis nalang..

Dumeretso ako papunta ng kotse ko, i'll ditch class.

Pumunta ako sa lugar na matagal ko na ding hindi binibisita..

Lumuhod ako sa harap niya..
"bakit ikaw padin yung nakikita ko, ermine?"

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon