Chapter 60 First time

16 1 0
                                    


LORY

Malapit lang yung hotel sa event's place..

Maganda din yung singapore hays.. Pero paniguradong mas gaganda siya mamayang gabi.

Hindi nga lang ako pinapansin ni rudeus, pamood swing ng pamood swing.

Nung naayos na ng mga lalaking naka black suit yung gamit namin, lumabas na sila ng kwarto namin.

Napaupo naman ako sa kama..
Nakakapagod T_T

Napansin ko namang umupo sa sahig si rudeus. Naglaptop siya.
Problema niya? May kama naman.

"Uy? Ano ginagawa mo dyan?" tanong ko.

"Ayaw kitang katabi." wow edi wag! Bahala siya sa buhay niya!

Tuluyan nakong humiga sa kama. Sinugurado ko talagang hindi siya makakapwesto dito sa kama!

Ginusto mo yan ah! Napatingin naman ako sa ceiling..

Ang ganda ng design ng room nato..

Maganda din yung hotel.. 5 star hotel siya. Hayys.

Siguradong maganda din yung cr hehe.
Sarap maligo.

wait..

KAILANGAN KO NA NGA PALANG MALIGO! UMAGA NA.

Tumayo ako at kinuha ko yung towel na nakalagay sa ibabaw ng table na katabi ng kama.

Napatingin naman sakin si rudeus..

kala ko magsasalita siya pero bumalik na siya sa paggamit ng laptop niya.
Baliiw. Bago ako pumasok ng cr, syempre nagdala na ko ng pamalit! Mamaya manyakis pala talaga siya. hahaha!

Pumasok nako sa cr...
Waaah! I knew it. Bath tub and other things. haha. Meron naman kami sa bahay pero ewan, enjoy ko yung sa ibang lugar haha.

Pinapuno ko muna yung bath tub..

Nyahaha. Nung mapuno na, humiga nako.. at nagenjoy haha!
hay.. Ito yung first time naming magkasama ng matagl ni rudeus.

×××××

"Oy? Oy! Lory!!" ano bayun? ang ingay naman.

Unti unti akong dumilat ng mata..
WHAT THE HELL?!

Agad akong sumigaw at binato ko siya ng sabon. Baliiw siyaaa!

Napansin ko namang nakapikit lang siya. Nakapikit din siya nung ginigising niya ako kanina.

"Kanina ka pa kasi nandiyan, akala ko namatay kana." Pagkasabi niya nun, lumabas na siya.
Nagalala ba siya? Hay. Ang sweet naman haha. atleast alam kong hindi siya manyak. pero baliw padin siya dahil..

pagkatingin ko sa pintuan ng cr, sira na.

-___- Bakit ba kasi nakatulog pa ako?

×××××

parang nahihiya akong lumabas..

"Hoy labas na dyan! Pupunta na tayo sa party!" sigaw ni rudeus.

Binuksan ko na yung pinto.

Nagulat naman ako..

bat ang hot nya?

Nakasuot siya ng tuxedo at pants.. ako? Simpleng dress lang na black. Hays.

Napatingin naman siya sakin.

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon