EVENakakatamad pumasok ngayon T_T
Si kuya nalasing nanaman kagabi. Nahampas siya ng sinturon ni papa e! haha! Naligo nako at nagbihis.. Buset di ako mahahatid ni kuya! Letse! Di yata papasok yon e. Nagpaalam nako agad kay papa at kayla yaya. di pa kasi ako gutom. Sumakay ako ng taxi, baka makita nanaman ako ng eddie na yon! Ilang minuto lang naman andito nako haha.
Dumeretso ako sa room.. At ayun na nga.. Sinalubong ako ng dalawang ugok.. teka.. asan si lory?
"Bat kayu lang? San Si Lory?" tanong ko.
"Hindi din namin alam e. baka late lang." Sabi ni Zel. Late? kailan pa nalate yun?
"ah." sabi ko at umupo nalang sa upuan ko. Umupo nalang din sila sa upuan nila..
×××
Lunch na, wala padin si Lory. Anyare kaya dun? hindi naman kasi nagtext.. Baka nalate lang ng gising haha!
"Oy eve alam mo ba nagkita si Zel at sean nung sat? hindi manlang tayooo sinama T_T swerte mo zel!" Pagmumukto ni cha. Halatang mabibilaukan na si Zel. haha!
"Swerte? Ew." Hahah! May mga lumalapit nga kay Zel at ginugulo siya.Sikat na bespren namen haha!
Nagasaran lang kami.. Grabeee Si Sean Hudgens kasi yung pinaguusapan dito!
"Atleast ikaw Cha, may prince ka talaga! Si Louie >.<" Sabi ni Zel. Umirap lang si Cha. haha! Pero may nageeffort sa kanya ng bongga ngaun. Yung iba hanggang tingin lang kay cha e, eh si Flower boy? Ang tinde. haha!
Bigla namang lumapit yung tatlong kabute.. tsk. ano nanamn problema nila? As far as i know, ginulo din nila si Cha sa RD Mall. Buti naligtas sya ni Louie.
"Well well..Tuazon, Ginayuma mo talaga ang prince ko." sabi ni alisa. Prince nya? ha-ha. Dinedma lang namin sila. Bahala sila magmukhang tanga. haha!
Mga KSP sila amp. May mga nagbulungan naman.
"Uy alisa baka magalit sayo si sean."
"Ano ka ba? baka naman talaga ginayuma niya lang si sean."
"ay oo nga.. Di naman kasi sila bagay."wow ah. Halatang nagpipigil lang si Zel. Hanggang sa...
"Musta ang wifey ko?" Haha! Pagkaakbay ni sean, nabilaukan si Zel. haha ang cute ng dalawang to. Wifey daw.♡.♡"Anong wifey?! Sapak gusto mo?!" Sigaw ni zel. Hayy eto nanamn po sila. haha.
Ngiti lang naman ng ngiti si Sean.
"Ayaw mo ng wifey? Sige, Baby nalang." kinindatan ni sean si Zel. Omyy kakilig! Nakakainggit huhu! Halos lahat naman ng tao sa canteen nagsigawan. Yung iba sumisigaw sa kilig yung iba nagbubulungan ng kung ano ano. Mainggit kayo! Buti nga :p Go zel! haha.
"Baby? Baby mo mukha mo! Chupe nga!" Sungit talaga neto haha. Tinabihan naman ni sean si zel. Palayo lang ng palayo si zel haha.
"Ano ba trip mo?" Sabi ni zel.
"Wala lang. Namiss na kasi kita agad." Hinawakan ni Sean yung kamay ni Zel.. OMYY ♡.♡ Sayang wala si Lory ngaun, paniguradong kilig na kilig na yon haha!
Nandiri lang si Zel. haha laptrip to masyado! ang arte, kunyari ayaw!
"Excuse us, Maguusap lang kami ng girlfriend ko." Nginitian kami ni sean. Tumango nalang kami para magusap sila..
Nagsialisan na yung mga tao at nagdabog paalis yung tatlong kabute. Buti nga!
"Ang pogi ni sean eh noh? Waah kinikilig ako!" Halata nga NOO.. hahah.
"Oo, ang cute nga eh." sabi ko.
Nagpatuloy na kumain si Cha.
"Oy NOO, Magccr lang ako. Babalik ako." Sabi ko at umalis na. Kanina pa ko naiihi haha!
Pagkatapos kong umihi, naghugas ako at tumingin sa salamin...hay..
Pagkalabas ko, nasalubong ko si ed..
"Hi ms. world!" Sabay kindat siya. Baliw. Inirapan ko lang siya at umalis nako. haha! parang wala yata si joaquin ah..
Binalikan ko si NOO sa canteen. Kasama na niya si Zel. Konti nalang ang mga tao..
"Oy lover girl, san kayo galing ni lover boy? haha!" Tanong ko kay Zel. Sinamaan niya ako ng tingin haha!
"Parang baliw yon! Ayoko pagusapan yung bakla na yon!" Sus halata namang namumula siya.
*kring kring*
Bumalik nalang kami agad sa room at naglesson na si sir zoilo.
×××××
"I'm home!" Sigaw ko.. Wala naman ibang nangyari kanina.
"Welcome home, nak." sabi ni papa. Nginitian ko siya at dumeretso sa kwarto ko. Napansin ko naman si kuya na nasa kwarto ko.. nagkakalkal ng mga damit ko.
"HOY! ANONG GINAGAWA MO SA DAMIT KO KUYA?!" Sigaw ko. wala na ba siyang panty?! haha echos.
"Kung makasigaw naman to! Peram lang ako ng tshirt at shorts mo!" Hala? At para kanino naman?!
"Bakla ka na ba kuya? haha!"sinamaan niya ako ng tingin.
"Bahala ka diyan. Salamat nalang dito babye!" Sabi niya at sabay lumabas. Aba! Nagbihis lang ako ng mabilisan at bumaba agad. Nakita kong nagpaalam siya kay papa. Eto naman si papa, payag ng payag hay naku!! >.< Masundan nga tong ugok na to! Siguro may anak na to. Tsk tsk.
Nagpaalam lang ako ng papa na susundan ko si kuya. Tinaasan lang niya ako ng kilay.. Niyakap ko nalang siya at lumabas na ng bahay. Nakita ko naman yung kotse ni kuya, nakaalis na. Buti may taxi bwahaha!
"Manong sundan nyo lang po yung kotseng yun!" Sabi ko. Tumango nalang siya...
××××
Laking sisi ko na sinundan ko si kuya T_T
148 pesos yung binayad ko kay manong. Buti kamo 200 dala ko.. medyo malayo pala tong pinupuntahan ng magaling kong kuya.. Take note: Ospital pa. Ano naman ginagawa niya dito? Baka binibisita yung nabuntis niya?? :O nakoo!
Nakita kong bumaba si kuya ng kotse at may dala dalang bulaklak. Huwaw! Sinundan ko lang siya pero di naman ako nagpapahalata. Spy ako :]
Napunta kami sa 3rd floor.. Tumigil si kuya sa tapat ng isang room sa gilid.. Kumatok siya at... Binuksan ito ng isang nurse.. Kita yung cleavage.. SINASABI KO NA NGA BA EH!!! ANG LANDI NG KUYA KO!!! Di nako nagdalawang isip na lumapit sa kanila..
"HOY KUYA NAPAKALANDI MO! KAYA PALA ANDITO KA HA! SINASABI NA NGA BANG MAY ANAK KA NA EH!" Sigaw ko sa harap niya. Gulat na gulat naman siya.. Wala akong pake kung nagskaskandalo ako, wala namang tao dito sa hallway!
Nagulat nalang ako nung tumawa sila.. Ha? Problema nya?!
"Hay grabe, Para kitang asawa. Wala akong anak, tungaw! Anong tingin mo sakin ha? May binisita lang ako dito. Bat ka ba nandito?" Ah okay.. Pahiya :> Nginitian ako nung nurse at di ko napansin.. Matanda na pala siya huhu! >.< at mas lalo pala akong baliw dahil hindi naman kita yung cleavage niya.. lasing na ba ako?"Huy?!" Ingat kuya. Pahiya ang magaling mong kapatid. Di nako nagakmang tignan kung sino man yung nasa loob ng room na binibisita nya.
Pahiya mode: On >.< Nagsayang lang ako ng pamasahe! huhu...
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
Dla nastolatkówLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.