Chapter 62 Aww

29 1 0
                                    


ZELAN

Hayy nakakapagod kagabi. Nagsuprise party pa sila yaya at yung mga ibang staff para sakin haha. Ang sweeet. Wala nga lang si ate kylie kagabi.

Nakahiga lang ako sa kama.
Hay.. Magkaaway parin kami nila eve at cha. And si lory? Ligtas naman daw siya pero.. bakit hindi siya nagsabi samin? >.<

*knock knock*

Natauhan naman ako dahil sa katok.

"Pasok po!" Sigaw ko.

Pumasok naman si yaya..

"Andyan na si ate kylie mo sa baba, Ija." Nung pagkasabi ni yaya nun, agad akong nabuhay! Nagayos lang ako ng sarili ko, Nakaligo na rin naman ako kanina pa. Hindi lang ako bumababa.

Pagkababa ko, nakita ko si ate kylie..

Yeyy!

"Ate!!" Sigaw ko.

Nagulat naman ako na may kasama pala siyang lalaki.
ahh. Si wayne.

Pagkatakbo ko kay ate, niyakap ko siya.

"Kamusta naman yung camp mo ha?" tanong niya.
Wala malungkot T_T

"Okay naman ate!" fake smiles everywhere, go zelan.

"Buti naman haha. Nagmeet ba kayo ni prince charming? Ano ginawa nyo ng mga kaibigan mo?" Ang dami nyang tanong kaya umupo muna kami.
Actually, Hindi niya masyadong kilala sila eve. Pangalan lang.

"Ew prince charming. Basta nagenjoy kami ng tropa ko!" Pangiti ngiti kong sinabi.

Nakangiti din si ate pero parang...may mali?

"Buti naman. Si wayne nga pala, i'm sure kilala mo na siya?" pangiting tanong ni ate. Tinignan ko naman si wayne. Mukha talaga siyang mabait tsaka gwapo din.

"Hello Zelan!" Masayang sabi ni wayne, tas binigyan niya ako ng cute na blue box na may ribbon pa.
Grabe feeling ko iniisip niyang 6 years old lang ako. Haha

"Thank you." sabi ko.

Nginitian naman niya ako.

"Zel, Alis na ulit kami ha. May aasikasuhin pa ako eh." Pagkasabi ni ate nun, niyakap niya ako.
Aalis nanaman..

Gusto ko sana tanungin kung kailan ba uwi nila mama't papa.. Miss ko na sila..Itanong ko pa ba? Wag nalang..

Hay wala naman akong magagawa. Laging busy si ate.. feeling ko nga nagtratrabaho siya eh.. hindi nagaaral xD

"Bye ate! Bye wayne." sabi ko habang nagwawave goodbye ako sa kanila. Nung makapasok na sila ng kotse..

Sinara ko na yung pinto.
this will be a boring day..

yun ang akala ko nung..

*knock knock knock knock!!!*
grabe naman makakatok to! Sisirain yata yung pinto namin!

Mabilisan kong binuksan to.

"ANO BANG PRO.....ikaw?!!!" napasigaw ako. what theee heckk?! anong ginagawa niya dito at pano niya nalaman bahay ko?! May pahoodie hoodie pang nalalaman! Kitang kita naman mukha niya!
"Magdadate tayo, pangeet!" wuuuuut!

×××××

Bwisit. Bwisit. Bwisit... BWISITT!!

"Ser...MAWALANG GALANG NA PO, Umalis na po kayo sa bahay ko!!!" Sigaw ko.
Wala yatang balak umalis to?!

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon