ZELANNakuuu >.< Napunta sa principal's office si eve. anyare kaya dun? Nakakagulat nga e bigla bigla nalang mapapamura. haha. Well hindi naman siya yung sobrang bad na word.. well watever. Hindi na din siya pumasok dito uli. haha nagskip yon.
×××
*kring kring*
Finalllyyyyy lunch na! gutom na ako. san na kaya yun si eve?
"Tara na kain na tayooo! Hanapin na den naten yon si eve." Sabi ni noo. haha.
"Lapad ng noo mo." sabi ko. haha.
naglakad na kami papunta sa canteen, aba kakain muna kami. Sigurado namang natutulog lang yon si eve o kumakain na ngayun haha! Nung paupo na kami sa upuan namin, napatingin ako sa bintana.. Nandun yung park..
"Panget ka pala talaga sa malapitan." Waaah bat ko ba natatandaan yon? Nandidiri ba ako sa kanya dahil panget siya o natatawa ako kasi sinuntok ko siya nung pagkasabi nya nun? Haha! Priceless talaga. Nung pagkasapak ko sa kanya, laptrip yung muka e! Kaya tumakbo ako paalis :p Dahil sa kanya nawala yung pouch ko!!"Nakatulala si taba." pangaasar ni cha. wow ahhh
"Nakalipad na yung eroplano ni noo." kala mo haa!
"Ang pogi ni michael." Haha letse si lory amff!
"Panget kaya." Sabi ni cha.
"Luh?!! Hindi ah!!" Sabi ni lory.
"Tabi nga, diyan kami nakaupo." tumigin ako sa mga panget na babaeng nakita ko sa buong buhay ko. Tinaasan ko sila ng kilay. Mukha din namang nairita sila cha. problema ba nila? Sila yung nanakit kay eve dati. Mich yata yung pangalan ng leader nila. Haha. Bida-bida."May pangalan nyo ba?" Pagsusungit ko. Lalakas ng loob. Sino ba sila dito?
"Even if there was, you stupid people couldn't even read it. Especially you're flirty bestfriend, Evergreen." Wow. Haha. Flirty?! Baka siya kamo!! Kung makapagsalita to ah! yabang amp! Papalag na sana ako nung..
"Are you girls looking for a fight? Or are you just seeking attention? As far as i know, Anyone can seat at any table. Kung gusto nyo ng atensyon, Maghubad nalang kayo diyan sa gitna hindi yung guguluhin nyo pa yung mga kaibigan ko." Nays eve! woooh! >.< Napatawa naman yung mga tao sa canteen. Ngek center of attention pala kami dito.
Napangisi naman sila mich.
"Kayo lang naman yung attention seeker dito! Lalo na kayla joaquin!" Sabi nung isang babae na kasama ni bruhang mich. Saksak nya sa baga niya si joaquin.. este di pala pede.
"Hahah! Sino ba sinasabihan mo ha? Kami ba o yung mga sarili nyo?" Sabi ni eve. Ohh pak! Kapag mga away, kapag si eve ang nagsalita.. mananahimik nalang kami. Kaya nya yan. haha! Sya pa?
"Ang kapal mo, you b*tch!" Sabi ni mich. At palapit na sana siya kay eve at mukhang sasampalin siya pero may biglang nakahawak sa kamay ni mich..
"Ano bang problema nyo? Masyado ba kayong kulang sa pansin?" Sobrang sama ng tingin niya kayla mich. Nagulat naman sila mich.. Panget nyo! Buti lang sainyo bwahha!
"Eh kasi ano e! Aray bitawan mo yung kamay ko, Joaquin!" Pagrereklamo ni bruhang mich. Binitawan ni joaquin kamay ni mich. Dapat binali mo na! >.< omg joke nakakainis kasi e."Easyhan mo lang sila, wacky boy!" Sabi ni eddie. Kasama ni joaquin yung tatlo.. si eddie, louie at peter.
Napairap nalang si joaquin. Ang kyot nman ng tawag ni ed kay joaquin, wacky.
"Alis na nga kayo dito mga panget! Shoo!" Sabi ni Louie. haha LT to ah. Napatitig lang din siya kay cha. Mukha namang iritang irita si cha. Anyare? Nagwalkout agad sila mich. Salamatttt dung!
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni peter samin.
"Oo." nagulat ako kasi ako lang yung sumagot ng oo kay peter. Eh nagtatanong siya e!! Napangiti naman si peter. Lumapit si joaquin kay eve at ginulo lang niya buhok ni eve at umalis na. weirdo lang. haha jk!!
Sumunod naman yung tatlo kay joaquin. Mga buntot!
Naalala ko, ihing ihi nako simula kanina pa. haha! Nagsabi lang ako sa tatlong ugok at dumeretso na sa cr.
Ilang minuto lang, Nakadating nako agad at ayun na nga.. natapos nako. Tumingin ako sa salamin. Syeeet gusto ko na talaga maging sexy! Para ihahampas ko yung sexy kong tiyan sa muka nila mich. Haha echos. Makaalis na nga. baka malate nanaman ako tapos makita ko nanaman yung unggoy!!!
Dun nalang ako sa park dumaan papunta ng canteen, mas madali e tapos ang hangin pa.
"Mom, I get it. Can you stop bothering me?" Pagsusungit na sinabi ng lalaking grabe makipagusap sa nanay nya sa phone!! -_- bigla kong nakita sya sa may bench na nakaupo. Nakatalikod siya pero naririnig ko siya dahil malapit lang naman siya.
"k" sabi nya at binaba ang call. bastos lang? Sarap sapakin neto! Aalis na sana ako nung tumayo siya.. at ayun nga.. Sabi na nga ba kilala ko tong salbahe na to e! nakita naman niya ako agad.
"Oh? Eavesdropping? Crush mo talaga ako hayy." wala akong pake sayu. Naglakad nako paalis tapos sumunod nanaman siya. Di pa ba sapat yung suntok ko sa kanya?! O baka gusto pa nya?"Sapak, gusto mo?" haha!
"Ayos lang, Kada sapak mo sakin.. Alam kong mas naiinlove ka sakin." lul kamo! ako? inlove? sayo?! Ha-ha-ha.
"Sarap nga maging boxer e. Ikaw una kong ipapa-K.O dahil sa pagfefeeling mo, lalo na kung pano mo kausapin nanay mo." Letse di marunong gumalang e! tapos feeler masyado.
"Interesado ka na ba sa buhay ko?" Sabi niya with ngiting tagumpay.. TUT NYA! Letse to ah! Tumakbo nalang ako palayo. siraulo yon ah infairness! Bilis ko tumakbo wahaha! Malapit na sana ako sa canteen nung may nakabangga ako. lintek!!
"Ang bagal mo tumakbo, ayan tuloy naunahan kita." Shete lang ah?! ano ba trip neto?!!! ibaon ko kaya to sa lupa?! echos."Alam mo, unang una.. Naiirita na ako sa pagmumukha mo. Nakakairita yang panget mong mukha! Pangalawa, Napakafeeler mo at napakapanget mo pa! At Salbahe ka sa pakikipagusapan sa nanay mo. Pangatlo, Hindi tayo close, Letse!" Sigaw ko. Uh-oh. Ang daming tao na nakatingin samin. patayy!! Nakalimutan ko!! Shet! ako magmumukhang masama neto huhu!!
"Omg ang kapal ng mukha ng bababeng yan!"
"Kala mo kung sinong maganda! hindi ba niya kilala si sean ko?""sino ang babaeng yan? Anong karapatan nya sabihin kay sean yan?"
"Kaibigan ni evergreen yan! Mga KSP silang apat." Sigaw ni alisa.. Aba. Aba nandito silang tatlong mga panget. kingina! Laiitin nyo na ako wag lang ang mga kaibigan ko!!! Lintek lang tong mga taong to ah. Atsaka sino si sean? Etong mokong nato? Masyadong pampogi yung name na sean noh! Letse bat ba nila kilala to? Papalag na sana ako nung bigla niya akong niyakap...
"She's my girlfriend. Break her heart, I'll break your face." Sabi niya at inakbayan nya ako paalis. Lahat naman sila nagulat.......
.
.
LALO NA AKO! Letse ah!! anu daw?! Girlfriend?!!!! utut nya!!! >.<
"Oy anong girlfriend ka dyan? Letse lang ah! Baka maniwala sila sayooo!" Sabi ko. Tinanggal ko yung akbay nya sakin.. Inakbayan nya ako ulit.. yung pilit talaga na hinila niya ako. Oy para tong shunga! Pinitik niya din yung noo ko. oy baka lumapad noo ko bigla!! Haha jk. Patayin ko kaya to?
"Ano ba?! Oy!" Sigaw ko.
Hinigpitan nya yung akbay niya hanggang sa mapunta kami sa gilid ng hallway.. yung walang tao. Bumitaw naman siya agad. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano nanaman problema mo? Prinotektahan na nga kita, ikaw pa galit." Pagsusungit niya. Luh? Kaya kong protektahan sarili ko nuh?! Pero oo na..
"Oo na. Thank you. eh kasi naman ano bang pinagsasabi mong girlfriend? Baka mamaya maniwala sila! Atsaka sino ka ba? bat ka nila kilala?" Tanong ko.
"Simula ngayon, Girlfriend na kita."Ano?! No way!
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
Teen FictionLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.