CHANELLENapaiyak na talaga ako.. Di ko alam pero hindi nman ako umiiyak sa harap ng tao e! pero ewan ko.. ang gaan ng loob ko sa kanya!
Tumatawa paden siya. lintek.
"Pwede ka pala maging cute? Iyak ka nalang lagi ha." Inirapan ko siya. letse pagtatawanan lang pala ako e. Dinampot naman nya yung panyo nya.
"Joke lang. Magpunas ka nga ng luha mo!" Sabi niya. Binato nanaman nya sakin. Bat ba ang arte neto?! hindi ako mahawakan amp! kanina pa sya ah! Binato ko pabalik yung panyo nya.
"Ayoko!" Sabi ko. Feeling ko virus tingin nya sakin e. Nakakainis. Pati ba naman sya? Pati papa ko ayaw akong lapitan o hawakan manlang.... Napapaluha nanaman ako.
"Gusto mo ba ako pa magpunas ng luha mo? haha crush mo ko noh?" Luh lintek siya! Nagpunas ako bigla. Feeler sya nuh? Binato naman nya ule yung panyo nya sakin. Ngumiti siya sakin. Bahala siya! Nakita kong pumitas siya ng bulaklak..
"Oh. arte mo e." Sabi niya at binato nya sakin yung bulaklak. Letse lang ahh! Pwede naman iabot sakin. Dinampot ko yung bulaklak at ngumiti ako. Ang cute. Ginamit ko nalang den yung panyo. Bahala siya.
"Thank you kahit ang arte mo." sabi ko. Napatawa naman siya. Haluu?
dug dug dug dug dug dug..Kaninong puso yon? Aken ba yun? haha no way.
"Sige na, umalis ka na. Babalik nako sa loob." Sabi niya. luh? kanina pinipigilan niya ako tapos papaalisin nya ko? bastusan?
"Oh bat ayaw mo tumayo?" Sabi niya. Bat nga ba ayaw ko? Letse tumayo nako. Palapit na sana ako sa kanya tsaka bibigay ko ng maayos yung panyo nya nung bigla naman syang lumayo sakin. Parang ang lungkot ng muka nya. ano bang problema neto?!! lintek ah! bahala nga sya! binato ko nalang yung panyo nya sa kanya, tutal ayaw namn nyang iabot ko ng maayos. Nilayasan ko siya. Sumakay ako agad sa kotse ko. ang gulo nun ah! infairness!!! dahil nabadtrip talaga ako, ang bilis ng andar ng kotse ko kaya ilang minuto lang nakadating nako sa bahay. Nilapitan naman ako agad ni yaya.
"Ija, ang bilis mo naman yata? san ka ba galing?" tanong nya.
"Dun po sa party ni Mr. Redaniel po. bakit?" sabi ko.
"Ah wala naman. sige na ano gusto mong pagkain?" Wala kong gana.
"Busog pa poko. sige akyat nako" Umakyat nako agad. ang weird naman ni yaya ngaun.
Binuksan ko laptop ko.. nagfb ako. Bumungad agad yung mga pictures dun sa party. Friend ko kasi yung asawa ni sir eugene. Nakatag naman dun si..
Louie Carlos RedanielWow wow wow. Yan pala full nya. Clinick ko naman agad acc. niya. Nakakaasar to.
Pagkabukas ko wow! Famous to ah! Yung profile picture nya.. Kakapalit lang nya last week, 5.6k Likes na agad. Whhaaa? Hanggang 3k lang likes ko e. Anubayaan! Stinalk ko profile nya. Tsaka napansin kong di sya masyadong nagstastatus. Yung mga status nya ngayong year dalwa lang.
Missing you. Happy Birthday.Posted on: January 13, 2015
2.9k likes• 789 comments•223 Shares
Birthday ko to ah? Sino naman kaya pinagsasabi neto?
3 years have passed, since that day.Posted on: January 12, 2015
2.1k likes• 1.5k comments• 330 shares
anyare?
Tapos yung ibang mga post nya.. 3 years ago pa.
I wish to die.Posted on: January 13, 2012
6.8k Reacted• 5.6k comments• Share
haluuu?!
may picture syang pinost.
Posted on: January 12, 2012
Siya yata to 3 years ago.. Medyo payat pa sya. Hindi pa malaki yung katawan nya.. Tapos nakaakbay sya sa isang babae.. Sino to? Tinignan ko ng mabuti... biglang..
"Nellie! Hayaan mo akong magpaliwanag!" Sigaw ng isang lalaki. anong nangayayari? Ano tong mga nakikita ko?
"Paliwanag? Naririnig mo ba yang sarili mo Carlos?" Sumasakit na yung ulo ko.
"I'm sorry. please.. wag mokong iwan." Sabi nung lalaki. Tumakbo paalis yung babae nung biglang..
"CHANELLE IJA!" Narinig kong sigaw ni yaya. Ang sakit ng ulo ko.. Nakahiga na pala ako sa sahig..
"ya....ya." sabi ko bago dumilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Dreaming of you
Teen FictionLahat tayo ay may mga nakaraan na ayaw na natin balikan, pero ito din ay kadahilanan kung sino at ano tayo ngayon.