Chapter 31 Lory's Rival?

15 1 0
                                    


LORY

"Excited nako para sainyo mga anaaak!" Sigaw ni mama kaya pinirmahan nya agad..

Sabay kasi naming inabot ni touka yung slip ng camp namen haha! Excited na den ako eee >.<

Kaya lang si papa lang inaalala namin..

"Sige tutal napangiti mo naman si Jameson." Pinirmahan sa wakas ni papa.. YES! Pinirmahan din niya yung kay touka woohooo xD

Niyakap namin sila mama't papa.. Lakong pake kung magulat si papa.. haha! Takbo kami agad sa taas..

"YEEEY!" Sigaw ko.

Nakangiti lang din si Touka.

Naggoodnight na siya at pumunta sa kwarto nya. Di manlang kami nagkakaroon ng sister talk! Tse!

Naglaptop lang naman ako at nanood ng anime haha!

××××

"Mukhang sabog ka ngayon?" Pangaasar ni zel saken. Huhu kaya nga. Late na ko nakatulog kagabi! Di ko napansin oras ×_×

"Baliiw!!! Pinayagan ba kayo?" tanong ko sa kanila. Nginitian naman nila ako.

"YEP!" Agad kaming nagsigawang apat.. Napatawa tuloy mga kaklase namen. Hayyyy excited na den ako e.. Ayoko muna isipin yung kasal namin ni rudeus.. Walang kwinta yon! haha jk. Hindi ko pa nga din nakwekwento sa kanilang apat eh. They don't need to know that? right?

"Magsiupuan na nga kayo." omg nandiyan na pala si Sir Paul!

Balik agad kami sa upuan namin.. At ayun na nga... Napatingin ako kay michael.. Sasama kaya siya?

×××

Hayy yess lunch break *_*

"Oy tara!" sabi ni eve. Sumunod naman sa knya sila Zel at cha.

"Oy lory!" Pagtatawag ni zel sakin.

"Mauna na muna kayo! May gagawin lang ako saglit!" Aayusin ko pa nga pala yung bag ko.. Hahanapin ko pa yung letseng slip ko! Bigla kasing nawala dun sa bag ko.. pagkalagay ko kanina.. excited kasi e T_T

Nauna na muna sila Eve. Grabe di manlang ako tinulungan! Hahahaha!

Asan na ba kasi yon?? Halungkat lang ako ng halungkat..

Nakakaiyak nawawala na siya sa bag ko!!! After lunch pa naman ipapasa yon! Naku naman! Sana hindi ko nalang nilabas kanina! :( Wala na kasing ibibigay na ibang slip saming studyante..para daw maging responsible kami.. anu bayan! T_T

Umupo nalang ako ule sa upuan ko at ayun.. nagmukmok.. Pano na yan? Naiiyak nako. Strikto pa naman principal namen pag sinabi niya, mangyayari talaga!

Nagmukmok nalang ako.. Tutal ako lang naman yung nasa room e.. Nagulat ako nung biglang may kumalabit sakin!

"WAAAH!" sigaw ko. Ang alam ko ako lang nasa room e! Pagkatingin ko... Omg.. My hero T_T

"Eto ba hinahanap mo? Lumipad sa ilalim ng upuan ko eh." Nung nakita ko ang pangalan ko dun sa papel na inabot nya para akong napadpad sa langit. T_T
"Thank you, michael! Akala ko nawala na!" sabi ko. Niyakap ko agad yung slip.. gusto ko nga sana si michael nalang niyakap ko e. haha echuss.

"Hahah! Ingatan mo kasi!" Hayy pinapansin mo ako ulee ×_× Sana lagi mo nalang ako papansinin waah! Isang buwan na kaming nganga.

"Thankyou talaga T_T pero ikaw? sasama kaba?" tanong ko. Nagulat naman ako nung ginulo niya buhok ko..

"Oo haha!" sabay ngiti siya.

Napatawa siya.. Omg parang sa anime lang ×_× nung natauhan naman siya dahil namamatay nako sa kilig..

"sige alis nako ah. Inaantay nako ni Darwin." Umalis na si michael.. Nooo! Si Darwin kasi e T_T haha jk.

Palabas na den sana ako ng room kasi baka inaantay ako nila zel.. nung..

"So.. You're Lory.. do you know that michael is mine? " Ano daw? sakanya? Sino ba to?!

"Uhm? Who are you?" sabi ko. English ba kamo!

Napangisi naman siya..

Nagulat ako nung nagsipasukan yung tatlong witch.. sabi na nga ba eh.

"Get easy on her, Mikaella. She's low class." Sabi ni mich. Ano bang problema ng mga to? Naiinis nako! Lagi nalang nila kami ginugulo nila eve!

"Tch." sabi ko at akmang aalis ako nung biglang tinulak ako nung mikaella. maganda sana e.

"Kala mo papaalisin nalang kita ng ganun ganun nalang?" Sigaw ni mikaella. marunong pala magtagalog e! Tsaka Sino ba to!? Alam kong gwapo si michael at pagkakaguluhan talaga siya pero eto ADIK NA TO E! Nagulat ako nung nilock ni aika yung pinto.. Palayo lang ako ng palayo..

"Ano bang problema mo?" tanong ko.. Nangingig nako. Ako lang magisa nandito.. "Problema ni mikaella ay ang paglalandi mo kay michael!" Sabat ni alisa. Luh singit -_-

"Ugly girl, do you really not know me? I'm Mikaella Mendoza! Michael's girl! And i don't like the way you flirt with him!" Sigaw niya. Nagulat ako nung nasa pinakadulo na pala ako ng classroom. Tumawa yung tatlong witches.

"Slap her mikaella. Teach her a lesson." Sabi ni mich. Nung akmang sasaktan na niya ako nagulat ako nung..

"SUBUKAN NYONG SAKTAN SI LORY!" Sigaw ni eve. Sinira nya yung pinto.. O.o

Nagulat naman yung apat..

"Are you crazy? You just broke the door!" Sigaw ni alisa. Napatawa naman si eve. Nandun sa likod nya sila zel at cha.. pinuntahan nila ako agad..

"Pag hindi kayo lumabas ng kwartong to, Magrereport ako." Sabi ni eve.

Nagulat si Mikaella pero Napangisi naman si mich..

"Don't fret, Mika. Wala silang ebidensya." Sabi ni aika. Tchh. Nagulat naman ako nung nagsipasukan yung classmates namin..

"Hoy lumabas nga kayo ng room namin kung hindi bubugbugin namin kayo!!" Sigaw nila.. Awww. hahaha! Natakot naman sila kaya umalis sila agad. Hayyss i'm saved.

Niyakap ko yung tatlo.. hayys natakot ako dun ah!

××××

Ang saya saya naaaammaaaaaann! baliw ko noh? Kala mo hindi muntik na masampal ng mga witch..

Pero nagtaka nga ako e... Hindi na bumalik ng room si michael ×_×

Bumaba nalang ako at kumain ng dinner..

"Excited nako sa camp nyoo anaak!" sabi ni mama. hahah ang cute ni mama... Tumingin sakin ng seryoso si papa.
"Lory, Pagbalik mo.. Magkikita kayo ni rudeus." T_T

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon