Chapter 5 GGSS

24 2 0
                                    


ZELAN

Kanina pa kami nanginginig ni Lory dito, at bakit? Papalapit lang naman samin yung grupo ni joaquin. Omy. Parang shunga nga si Eve e, walang pake. Kain lang ng kain. Buti pa si cha nanginig na din. Haha!

"Huy problema nyo? Para kayong shunga."

sabi niya tapos kumain ulit. PARANG SHUNGA TALAGA TO. ayaw naman namin magsalita kasi nanginginig nga kami! Hahaha! hanggang sa..

"Ang takaw mo talaga ms. world eh noh?" bigla namang nabilaukan si eve. HAHA. Uminom siya ng tubig at tumingin sa likod nya. At ayun na nga, napasigaw si loko.

Namention ko ba na, andun din si joaquin sa likod niya? Sila ni joaquin, peter, louie at eddie ang nasa likod niya. at to be frank, nasa lugar namen!

"Anong ginagawa mo dito, eddie na feeling close ha?" sigaw ni eve. uyy bagay. ahha.

"Wala, nagaantay lang ng thankyou mo." Parang natauhan si eve. nagtawanan sila peter at louie. Nagsisitinginan samin yung mga tao dito sa canteen nakoo! Nagbubulungan den. May mga ang sama sama ng tingin. nako. magsasalita na sana si eve nung..

"Eddie ano bang kalokohan ginagawa mo ha? Sinasayang mo oras namin sa pagkakausap sa walang kwentang babaeng na yan, umalis na tayo dito." Pagsusungit ni joaquin at umalis na. WOW AH. SAPAKIN KO KAYA TO? susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni lory. Sunget naman nun.

Sumunod sa kaniya sila peter at louie pero tama ba nakita ko? Ngumiti sakin si peter? Landi putik.

Narinig ko ding yung mga tawa at bulungan ng iba.
"Buti nga sa kanya!"
"Haha! Nararapat lang sa kaniya yan!"

Lintek tong mga to ah! Kung alam nyo lang na.. sigurado akong bugbog kayo kay eve! sinamaan ni eddie ung tingin niya sa mga letseng tao na yun. Napaalis naman niya.

"Thank you eddie, Ayan na nasabi ko na. sige alis ka na." Sabi ni eve. Mukhang naluluha na si girl. bwisit yung joaquin na yon. Bat kasi hindi kami ni cha gayahin ni eve? walang crush bwahaha. forever alone.

Tinignan ko si eddie at bumulong ako na sana naintindihan niya,

"Alis ka na muna, naiiyak na siya e." Mukhang nalilito pero naintindihan naman niya. Hinila siya paalis dito ni louie.

Tinabihan naman namin si eve.

"Ang sunget naman niya." sabi niya, nagpipigil umiyak. hay nako.

"Alis na tayo dito" sabi ko at tumingin ako ng masama sa mga tumintingin samen. Mukhang natauhan naman.

Tumayo na kaming apat at dumeretso sa cr. haha! Dun kami iiyak para kay eve.

Nung nasa cr na kami, dun na napaluha si eve. Ngayon lang kasi nya naranasan magsungit si joaquin, kaya syempre ouch.

"Peram nga muna kami ng panyo mo, zel." sabi ni cha. Ha? Sige wait. Hinanap ko yung pouch ko. Ay boba. Naiwan ko dun sa canteen yung pouch ko!!!

"Uy naiwan ko sa canteen teka lang!!" Sabi ko at tumakbo naman ako papunta ng canteen. Malapit na ako.. Isang liko nalang ayun na! Pagkaliko ko....
"OUCH! WHAT THE? ARE YOU BLIND?" Sigaw ng lalaking nakabangga sakin. wow ah siya pa talaga tong nagwha-what the. Bulag pa talaga ako? paenglish english pa! sira ata to e!

"Hoy!! Pagkakaalam ko ikaw ang nakabangga sakin! Kapal mo!" Sigaw ko sa kanya.

Napangisi naman siya.

"Ako? Makapal? Swerte mo nga na ako pa yung nabangga mo!" Sigaw niya. WOW GGSS SI KUYA. marunong din naman pala siya magtagalog e! paenglish english pa! Sarap bugbugin putek.

"Swerte? Anong swerte dun? Nakakasuka nga yang mukha mo e! Bahala ka nga dyan letse ka!" Sigaw ko at umalis nalang ako. Mas importante yung pouch noh! Nakapasok nako sa canteen. Pagkatingin ko sa upuan namen kanina, wala na. huhu.

Nandun pa naman yung panyo at pera ko! Badtrep! sino namang epal kumuha nun?

Lumabas ako ng canteen, badtrep na badtrep. Pumasok ako sa cr, pagkatingin ko wala na yung tatlo! Asan naman yung mga loko na yon? iniwan ba naman ako?

Naglakad nalang ako pabalik ng cr, wawa naman si eve. Biglang pumasok sa isip ko yung lalaking salbahe kanina. Ewww! Swerte daw ako? yuck. Bwisit yun. Mas pogi pa si peter don.

Naisip kong bumalik na ng room. Nung pabalik ako tinginan ko yung oras, hala late na pala ako! Ano bayan! Siguradong mapapagalitan lang ako! Baka ipahiya pako, naisip kong magtago nalang sa park ng school. haha. First time kong magskip ng class huhu. Pero last narin to, Nalate lang naman ako dahil sinayang nung panget na yun ang oras ko! Napaupo nalang ako dun sa park, maganda dito at presko. Sa likod naman ng school to ng school kaya walang tao. Sarap matulog dito. Humiga ako at pipikit ko na sana mata ko.
"Crush mo talaga ako eh noh? Sinundan mo pako." kilala ko tong letseng feeler na to.

"Ano bang problema mo? Nalate na nga ako dahil sayo e!" Tinitigan ko siya ng masama. Bahala siya letse. Humiga ulit ako. Sinipa naman niya ako. Lintek! Bakla ba to? Sinipa ko din siya.

"Ang panget mo pala talaga eh noh?" tumawa pa siya. Ha-ha. Nakakatawa naman siya. ang kapal din pala talaga.

Tumayo ako at lumipat ng pwesto. Malayo sa kanya.

Nakita ko naman na nasa tabi ko na siya.

ANO BA NAMAN TO!

"Ano ba? Buntot ba kita ha?" Sigaw ko. Tumawa naman siya ulit.
"Panget mo kasi." Sabi niya.

"Iba nalang pagtripan mo. Badtrip nako dito e" Pagsusungit ko. Umalis naman siya. YEY! Umupo ako sa swing dito sa park, haha. Wala e. Gusto ko magswing! Nagulat naman ako nung may nantulak bigla sakin. OMYY! ANG TAAS HALA AYOKO NA!! Tumingin ako sa likod ko, Siya nanaman!

"HOY AYOKO NA!! WAG KANG EPAL!!!!!" Sigaw ko. Nakapikit lang ako. Tawa lang sya ng tawa. letse sya ah!! ayoko na waaah!! mahuhulog nako!!!!!!!!!!!!! At nung nawala na nga yung pwet ko dun sa swing akala ko babagsak ako nung..

Pagkamulat ko nasalo pala niya ako.
"Panget ka pala talaga sa malapitan."

Dreaming of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon