Matalik na magkaibigan sina Richard at Ferdinand. Simula nang mga bata pa lang silang dalawa ay nakitaan na sila ng potential na maging leader. Si Ferdinand ang incumbent Mayor at si Richard naman ang Vice Mayor na baguhan sa larangan ng pulitika. Ang bayan ng Sta. Rosa ay naging napabilang sa listahan ng mga 'livable cities' sa Pilipinas. Ngunit bago 'yun nangyari ay nakabangga nila ang mga drug lords, negosyante, at kahit ang mga kasamahan nila sa pulitika na sinubukang gumawa ng kalokohan sa pamamagitan ng pag abuso nila sa paggamit ng kapangyarihan. They've been through a lot in order to maintain the peace and order of Sta. Rosa. Alam nila na may kaakibat na panganib ang ginagawa nila. Hanggang isang araw nangyari ang isang karumaldumal na krimen na gumulat hindi lamang sa bayan ng Sta. Rosa kundi pati na rin sa buong Pilipinas. Namatay sa isang ambush si Ferdinand kasama ng buong pamilya niya.
"Anong nangyari?", Vice Mayor Richard asked the Chief of Police.
He sees dead bodies that we're now put on individual black plastic bags. Dahan dahan na binuksan ni Vice Mayor Richard Faulkerson ang bawat bag. Una niyang nakita ang katawan ni Ferdinand na nakasilid sa isang black plastic bag. Ang isa ay si Fatima; ang asawa ni Ferdinand. Nasa isang bag naman si Chloe; ang panganay na anak niya. At nakasilid sa isang bag si Justin; ang bunsong anak ni Ferdinand.
"Vice Mayor, kasalukuyan po sanang papunta ng simbahan si Mayor Gatchalian kasama ng buong pamilya niya. Kaso, inabangan po sila sa daan ng mga suspect at pinagbabaril ang kotseng sinakyan nila.", paliwanag sa kanya ng Chief of Police ng Sta. Rosa.
"Anong ginawa ng mga security?", he ask while holding back his tears from falling.
"Kasi po hindi po siya nagpasama ng security ng araw na 'yun. Natunugan po siguro kaya matagumpay nilang naisagawa ang krimen. Nalaman po namin 'yung nangyari kasi may tumawag dito na isang motorista na nakakita. Pero 'nung dumating po kasi kami sa crime scene, wala na po silang buhay."
Vice Mayor Faulkerson hits the car with his fist. Galit na galit siya. Kung sino man ang pumatay sa kaibigan niya at sa buong pamilya nito ay talagang mananagot sa batas. Hahabulin niya ang mga ito hanggang sa maparusahan.
******
Mayor Faulkerson suddenly awakes from reminiscing when his driver speaks.
"Mayor, nandito na po tayo sa Sta. Maria, Bulacan."
"Okay. You know the drill, Frank and Jessie. Dito lang kayo.", he reminds his two bodyguards.
"Mayor, eto na po 'yung sumbrero at digicam.", sabi sa kanya ni Frank.
"Mag-iingat po kayo Mayor. Dalhin niyo na rin 'tong payong. Mukha kasing uulan eh. Tumawag po kayo agad kung kailangan niyo ng tulong namin.", his driver says.
"I will. Thanks. Mang Dani, don't go any further. Dito lang kayo mag park. Ayoko na may makakilala sa 'kin.", he said to his driver.
"Opo, Mayor."
Naka park ang kotse nila sa 'di kalayuan ng isang school. It is a Saturday afternoon. Walang pasok kaya wala masyadong tao. Mayor Faulkerson wears a cowboy cap. He makes sure that no one will recognize him. He is holding a digicam and stops walking infront of a particular room. Matapos ang ilang minuto ay nakita niya din ang hinahanap niya. He sees a girl wearing a chef costume. She is currently teaching Baking and Pastry Production for the Alternative Learning System (ALS) students initiated by the government. The woman that he chose to let go more than 3 years ago is now only a few meters away from her. But he is so scared to step forward...even for just an inch. He watches her from afar and starts to take pictures of her in secret. It is her: Nicomaine Mendoza.
******
Katatapos lang magturo ni Maine ng Baking and Pastry Production para sa Alernative Learning System (ALS). Kasalukuyan niyang nililinis ang lamesa niya at hinubad ang chef costume na sinuot niya kanina.
"Teacher Maine, salamat po sa lahat ng itinuro niyo sa amin ha.", sabi ng isa niyang estudyante.
"Wag na po 'yung Teacher Maine. Masyado pong pormal eh. Menggay nalang po. Ayos lang po 'yun ate."
"Buti nalang at nagkakaroon ka pa ng panahon na magturo sa amin tuwing Sabado. Alam kasi namin na abala ka sa pag aasikaso ng panaderya mo."
"Aba eh. Keri lang po mga ate. Handa po akong ibahagi ang lahat ng natutunan ko sa baking and pastry production. At saka makakatulong po 'yan sa inyo pagdating ng araw."
"Salamat talaga, Menggay."
"Walang anuman po. Sige, mauuna na po ako sa inyo. Kailangan ko na pong umalis."
Lumabas na si Maine ng kuwartong 'yun. Hindi niya napansin ang isang lalakeng sumusunod sa kanya at maingat na kinukuhanan siya ng mga larawan sa 'di kalayuan. Umuulan na ng mga oras na 'yun at nilabas niya mula sa bag ang payong.
Nakalabas na si Maine ng gate ng eskuwelahan. (A camera clicks).
Naglalakad si Maine papunta sa isang chapel. (A camera clicks).
Dumaan muna si Maine sa isang chapel para magdasal. Ganun' madalas ang ginagawa niya bago umuwi ng bahay pagkatapos magturo sa ALS.
Iniwan ni Maine ang payong sa labas ng chapel. (A camera clicks).
Pumasok si Maine sa loob ng chapel. ( A camera clicks ).
Nilapag niya sa upuan ang bag na dala niya. (A camera clicks).
Lumuhod si Maine at nagsimulang magdasal. ( A camera clicks).
Maraming gustong pasalamatan si Maine sa Diyos. Sa kabila ng lahat ng pingdaanan niya sa buhay ay kailanman hindi niya naramdaman na pinabayaan siya ng Panginoon. Isa sa mga pinapasalamatan niya ay ang pagkakataon na nakapag aral siya ng libre sa St. Mary's College of Meycauayan para sa course na Baking and Pastry Production NC II. Naalala niya pa ang araw na nag enroll siya at sinabi ng cashier na binayaran na ang buong taon na tuition fee niya.
"Ms. Mendoza, wala na po kayong babayaran sa buong taon na mag aaral kayo dito. Someone payed for your whole year tuition for the Baking and Pastry Production course."
"Talaga po, Maam? Sino daw po ang nagbayad?"
"Oh, I'm sorry. Mahigpit ang bilin niya sa amin na wag sabihin kung sino siya. The most important thing now is that you are given the opportunity to study here."
"Naku, Maam. Parang 'di ko po matatanggap ang offer na 'yan. Mahirap na po kasi na hindi ko kilala kung sino man ang nag sponsor sa 'kin."
"Please, Ms. Mendoza. Just accept it. You don't have to worry about it."