Never Gone - Chapter Three

1.9K 115 6
                                    

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ni Maine kung sino man ang nagpa aral sa kanya. Pero kung sino man siya ay malaki ang pasasalamat niya dito. Dahil sa kaalaman na nakuha niya sa Baking and Pastry Production ay hindi lamang siya nagkaroon ng matagumpay na negosyo. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na maibahagi sa mga kababayan niya ang lahat ng natutunan niya. Sinilip ni Maine ang paligid. Medyo humina na ang ulan kaya nag desisiyon siya na umuwi na. Malapit lang naman ang bahay niya mula sa chapel. Meanwhile, someone secretly follows her.

Lumabas na si Maine ng chapel. (A camera clicks).

Nag payong ulit siya dahil umaambon pa naman. (A camera clicks).

Lakad. (A camera clicks).

Lakad. (A camera clicks).

Lakad. (A camera clicks).

Makalipas ang ilang minuto ay nasa harap na si Maine ng bahay nila. Nasa kaliwang bahagi ang panaderya na pinangalanan niyang "PAN DE MENGGAY". Simula nang maipatayo niya ang panaderya ay sa awa ng Diyos ay hanggang sa kasalukuyan ay marami naman ang tumatangkilik dito. Naging sikat ito sa buong bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Mabenta ang halos lahat ng klase ng tinapay at pati cakes na ginagawa niya. Napangiti siya at napabuntung hininga habang minamasdan ang panaderya. Maya maya ay pumasok na siya sa loob at nadatnan ang kapatid na si Dean na nagbabasa ng diyaryo. The guy who's following Maine looks at her for the last time and starts to walk away.

"Mayor Richard Faulkerson Jr.,kasalukuyan nga bang ka date si Maria Isabella Garcia: anak ng isang business tycoon ng Sta. Rosa, Laguna?", ang basa ni Dean sa diyaryo na hawak niya.

"Anong ginagawa mo, ha?"

"Ate Meng, ganda pala 'nung Maria Isabella Garcia oh. Tingnan mo, dali. Bagay din sila."

"Wala akong pake. At bakit mo ba binabasa sa 'kin 'yan? Loko ka din no? Inaano ka ba?"

"Uy, apekted si utol ko. Kasi naman, bakit kayo naghiwalay ni Mayor Faulkerson? Akala ko ba pang poreber na kayo?"

"Sa kanya mo itanong 'yan. Wala kana 'dun. At saka pwede ba, wag mo na mabanggit banggit ang pangalan niya? Kung ayaw mong ipasok ko sa oven 'yang nguso mo."

"Eto naman, ang init ng ulo. May dalaw ka bang dinosaur ngayon, ha?"

"Baliw! Tapos na kahapon uy."

Iniwan na ni Maine si Dean at pumasok muna siya ng kuwarto. Ayaw sana niyang magalit pero hindi niya mapigilan. Sa tuwing nababanggit ang pangalang Mayor Richard Faulkerson Jr. ay hindi niya mapigilan na hindi mainis. Nilapag ni Maine ang bag niya sa kama at umupo. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.

"Buwisit ka, Richard Faulkerson Jr.! Paano ba kita tatanggalin sa buhay ko?", nasabi ni Maine na sapo ang noo niya.

******

Naglalakad si Richard papunta sa kotse niya. Agad siyang sumakay dito dahil lumakas ulit ang ulan. Binigay niya sa mga bodyguards niya ang payong, camera, at cowboy hat na ginamit niya kanina.

"Let's go, Mang Dani. Bumalik na tayo ng Laguna."

"Opo, Mayor."

"Ah eh Mayor...mawalang galang po sa inyo. Pero, sa ginagawa niyong pagsunod kay Ms. Mendoza sa loob ng tatlong taon ay para na po kayong 'stalker'eh.", his bodyguard Frank says.

AMA-Con: The Compilation - Book 2.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon