Maagang nagising si Maine kinaumagahan. May kliyente kasi ang "Pan De Menggay" na ikakasal at sila ang special request na gumawa ng wedding cake. Dumating naman ang kaibigan niya na si SPO1 Sebastian de Castro. Halos isang taon na din naman itong nanliligaw sa kanya. Nagkakilala silang dalawa nang minsang nailigtas siya nito mula sa isang snatching incident. Simula 'nun ay naging malapit sila sa isa't isa.
"Meng, samahan na kita."
"Wala ka bang trabaho ngayon, Seb?"
"Nakiusap muna ako sa Chief namin para mag day off."
"Eh dapat nagpapahinga ka ngayon?"
"Ayos lang. Oh, paano? Tara na at baka ma late tayo."
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating sila ng Manila Hotel. 'Dun kasi gaganapin ang kasal. Agad na inayos ni Maine at ng mga kasamahan niya ang wedding cake at souvenirs. Maya maya pa ay nagsimula na ang wedding ceremony. Naalala tuloy ni Maine ang araw na nag propose sa kanya si Richard. Nag propose ito sa mismong araw ng birthday niya.
"Meng, we've been through a lot of things. I just want you to know that I love you very much. I want to take care of you for the rest of my life. ", he said as he knelt down in front of her.
"Huy, my labs! Ano 'to? Inaano ka ba? Joke ba 'to?"
"I'm afraid not, my love. Will you marry me?"
"Oo naman. Jusko, aarte pa ba ako?", she answered as she hugged him.
Ang saya saya nilang dalawa ng araw na 'yun. Pero, ang lahat ng 'yun ay mananatili nalang isang alaala...isang masakit na alaala sa isip at puso niya. Naramdaman ni Maine na parang 'di siya makahinga kaya nagpaalam muna siya sa mga kasamahan na lumabas muna. Nakarating si Maine sa garden ng hotel. Binabasa niya ang mga text messages sa cellphone niya. Nakayuko siya habang naglalakad nang may nabangga siyang isang lalake. May kausap kasi ito sa phone kaya hindi rin siya nito napansin. Ngunit, nabigla siya sa nakita niya. Hindi ang lalakeng ito ang gusto niyang makita. Hinding-hindi.
"Richard?"
"Maine?"
Aalis na sana siya pero nahawakan siya sa braso ni Richard.
"Bitiwan mo 'ko."
"Maine, pwede ba tayong mag usap?"
"Uy, may dapat tayong pag usapan ha, Mayor Richard Faulkerson Jr?"
"Please, just listen to me."
"Paano kung ayoko ko? Anong magagawa mo?"
"Maine, let me explain. Mag usap naman tayo."
"Sige, mag explain ka. Ano?"
Silence...
"Kasi...Maine. I just did that to protect you."
"Protect me? Wag mo nga akong ini Ingles, Mayor Faulkerson."
"Maine, please..."
"Wala na akong panahon na makinig sa'yo. Sa tingin mo ba, maniniwala pa ako sa'yo? Tangina mo."
Magsasalita pa sana si Richard nang biglang dumating si Sebastian.
"Meng, ayos ka lang? May problema ba?
"Wala, Seb. Ayos lang ako."
"Sino siya, Maine?", Richard ask her.
"Wala ka nang pake 'dun. Tara na, Seb."
Maine left Richard with confusion. Hindi na niya tuloy natapos ang kasal ng kaibigan niya. Umuwi nalang siya ng Laguna. Naitanong niya tuloy sa sarili kung ang lalakeng 'yun ba ay boyfriend ni Maine. Hindi siya mapalagay. Kailangan niyang makausap ulit si Maine. This time...gagawin niya ang lahat para ipaintindi dito ang tunay na dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa kanya tatlong taon na ang nakakaraan.
"Mayor, kung hindi po kaya sa santong dasalan. Eh pwede niyo namang daanin sa santong paspasan.", pabirong sabi sa kanya ng bodyguard na si Jessie.
"What do you mean?", he asked.
"Aba eh, kung gusto niyo po talaga siyang makausap...parang kailangan niyo po na samahan ng konting puwersa. Konti lang naman po. Sa tingin ko po kasi mukhang galit nga si Ms. Mendoza sa inyo. At hindi po siya papayag na kausapin kayo kung pagbabasehan niyo lang sa kagustuhan niya."
Tama si Jessie. Nag isip si Richard ng paraan para makausap niya si Maine. Bahala na kung magalit ito sa kanya. This will be his last chance. Isusugal na niya ang lahat. Tamang tama dahil pupunta ng Palawan kinabukasan ang buong pamilya ni Richard. Magpapaiwan siya sa bahay.
******
Nasa kuwarto niya si Maine at iniisip parin ang naging pagkikita nila ni Richard kanina. Maraming alaala ang bumalik sa puso at isip niya: may mga masasaya, pero mas marami yata ang masasakit. Simula nang nakipaghiwalay sa kanya si Richard ay napuno ng galit ang puso niya. Hindi kasi niya maintindihan ang dahilan kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya. Ilang buwan din siyang hindi makausap ng mga magulang niya. Pero ni minsan ay hindi niya sinabi sa mga ito ang tunay na nangyari. Ang alam lang nila ay nagkaroon lang sila ng konting tampuhan. Umaasa parin kasi ang mga magulang ni Maine na magkakabalikan pa silang dalawa ni Richard. Simula 'nung bata pa si Maine ay hindi naman niya talaga ugali na magsabi ng nararamdaman niya sa mga magulang niya at pati na sa mga kapatid. Madalas sinasarili niya lang ang lahat. Nasa ganun' siyang estado ng malalim na pag iisip nang biglang pumasok ang Nanay niya sa kuwarto.
"Meng? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo. Hindi mo yata ako nadidinig."
"Sori, Nay. May iniisip lang ako. Ahm, may bago akong naisip na recipe para sa Pan De Menggay."
"Totoo ba 'yan? Sabi kasi sa 'kin ng isang trabahador natin na nagkita daw kayo ni Richard kanina."
"Ah, 'yun ba? Hmmm...opo. Nagkita kami."
"Nak, hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit kayo naghiwalay nuon. Ang sabi mo sa 'kin na nagkatampuhan lang kayo. Pero sa tingin ko, sa tagal ng tatlong taon ay mas mahigit pa sa tampuhan ang nangyari. Sana maayos niyo kung anuman ang gusot na nabuo sa pamamagitan niyong dalawa."
"Opo Nay."
"O siya, matulog ka na. Maaga ka pang gigising bukas dahil mamimili ka ng gagamitin natin para sa panaderya. Good night, nak."
"Good night po, Nay."
Humiga narin si Maine para matulog. Hindi niya alam kung makakatulog ba talaga siya. Pinikit niya ang kanyang mga mata pero ang mukha ni Richard ang nakikita niya.
"Punyeta, Richard. Pwede ba tantanan mo na 'ko? Bakit ba hindi ka mawala wala sa buhay ko? Bakit bumalik ka pa? Ano pa bang kailangan mo sa 'kin?", nasabi niya nalang hanggang makatulog siya.