Let It Snow - Chapter Five

780 36 2
                                        

M

Ako lang yung kaisa-isang taong andyan nung mga panahong akala mo walang wala ka na sa mundo.

Naaalala mo pa ba nung nakita kita sa may dulo parking lot?

"Uy, faulkerson right?"

"Go away."

"Sungit mo naman!"

"Sinabi kong alis!"

"Bakit ka umiiyak?"

"Alis!" Sabi mo.

"Gusto mo ba ng kausap?"

"Aaaalis!!!" Mas malakas, sigaw mo. Ay jusko, galit ka na nga!

"Oh... Kay. Okay. Aalis na. Sabihan lang kita, uulan ngayon, lalabas mga palaka."

"Palaka?"

"Oo. Palaka. Sige bye!"

"Uy saglit!" Sa isip isip ko, kalalake mong tao takot ka sa palaka. Kebs.

"Oh bakit?"

"Pwede bang..."

"Usap tayo?"

At umoo ka.

Hindi ko alam kung anong meron sayo. Hindi ko alam bat gustong gusto kitang... Ayusin, sirain, sabay buoin ulit.

Parang lego. Okay namang tignan ng magkakahiwalay at pira-piraso pero iba parin ang gandang magagawa mo pag pinagdikit dikit mo sila, hindi ba?

Parang pag nagsusuot ka ng relong hindi na gumagana. Alam mo namang wala na, sinusuot mo padin. Bakit? Kasi pamporma.

Pero ganon nga talaga no? May mga bagay lang talagang magandang tignan kahit alam mong kalat at hiwahiwalay na.

Kumbaga sa pancit canton, pag pinakuluan mo ng 2 minutes, maghi-hiwahiwalay na sila. Magdidikit man, pag kinuha mo isa isa gamit ang tinidor at kutsara, kalas kalas na sila kahit anong pagkaka buhol buhol at pagkakadikit dikit nito nung una.

Parang ikaw.

You have the face of an angel pero tignan mo ang sarili mo mahal ko, kalat na kalat. Sirang sira. Hiwa hiwalay. Walang wala.

At eto naman ako.

Pa-angel. Pa-knight in shining armor. Pa-wonderwall. Pa-darna. Pa-"im here to save you."

Sige lang!

Sige lang...

Sige lang.

Sagipin mo yung tao tas pag nalunod ka sakanya, edi... Wala. Patay ka.

Bumili kang salbabida.

Pero ayun na nga eh. Ayun na nga mahal, kasi sa sobrang gusto kitang tulungan makaahon sa pagkakalunod mo, hindi ko na nakita na nakabaon na pala ang mga paa ko sa buhangin at umagos na ang tubig na unang nanlunod sayo, papunta sa akin.

"Tulong! Tulong!" Gusto kong sambitin.

Ako naman, mahal. Ako naman ang nalulunod. Ako naman ang tulungan mo. Kasi ganoon naman talaga diba? Sa isang relasyon, magtutulungan kayo. Pero bakit naman ganito? Kumapit ako ng matagal sayo kasi ikaw ang nakabingit sa bangin, pero bigla kang bumitaw at yun pala ang plot twist, ako ang mahuhulog.

Log log log. Ay nahulog! Log log log log.

Minsan, napagisip isip ko. Paano nga ba kung wala ka at wala ako.

Paano kung hindi nalang kita nilapitan noon?

Paano kung hindi nalang kita pinakeelamanan?

Mas masaya kaya ako ngayon?

Baka hindi.

Pero baka rin naman oo.

"Hindi ka ba takot sa dugo?"

"Hindi."

"Nandidiri?"

"Hindi rin."

"Wala?! Ano meng, alien ka talaga?"

"Ako pa ah. Sino kaya yung suki ng straight face?"

"Bakit... Bakit mo ba to ginagawa?"

"Kasi gusto ko."

"..."

"Kasi mahal kita eh. Sobra."

"..."

"Dito ka na matulog ha? Wag ka na umuwi."

"Kahit di mo sabihin, di talaga ko uuwi."

"At bakit?"

"Im home right here."

Hayaan mo akong kantahan ka beri beri light.

One day you're screaming you love me, love

The next day you're so cold

Para kang leche flan. minsan sweet madalas leche.

Hindi ko maitindihan kung bakit sa tinagal tagal natin tinanggap ko yun. Ako lang ang kaisa isang taong nagtiis at nagtyaga sayo pero katulad ng pagbitaw ng tatay mo sa mga makamatay niyang pagsuntok sayo, binitawan mo lang ako, bugbog.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang?

Bakit mo ko binitawan?

Bakit hindi mo ko pinaglaban?

Akala ko ba mahal mo ko?

Ay! Oo. Akala ko lang pala. . . Oo. 

AMA-Con: The Compilation - Book 2.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon