Let It Snow - Chapter Two

956 42 0
                                    

R

"Kuya? Kuya?" Sabi ng kapatid ko. Malamang lasing na naman si Dad kaya ako tinatawag neto. Mabigat kaya hindi niya kayang akayin. Madumi kaya hindi niya kaya minsan linisin. Mabaho kaya minsan kailangan na namin alisin. Oh, rizza, ano na naman kaya ang kailangan mo?

"Mmm.."

"Kuya... May um... Ano... Something... For you."

Hindi naman pala tungkol sayo Dad.

"Ha?!"

"May ano... Hindi ko alam eh. Box. Bigay ni Ate Meng!... Buksan mo na pinto!"

Kaya binuksan ko.

Binuksan ko ang pintuan kong palaging nakasara. Binuksan ko ang pintuan kong walang gustong bumukas. Pero, bakit ko naman kailangan buksan ito kung wala naman akong handang papasukin?

Wala bukod sayo.

Tinitigan ko siya hanggang sa naalala ko lahat. Eto na naman ako. Eto na naman ako sa pag-eemo ko. Pakiramdam ko minsan nahihiya na sakin sina 3mO_gHürL 18 sa pagiging emo ko sa buhay.

Pero masisisi mo ba ko?

Masisisi mo ba ko na nasasaktan ako sa tuwing tinitignan ko si kuya. Ako raw kasi ang paborito kaya't hindi siya nabigyan ng sapat na oras ni Mommy.

Masisisi mo ba ko na nasasaktan ako para kay Rizza? Nakakapanghinayang. Sino ba naman ang hindi masasayangan? Ma, eto na siya. Ang unica ija ng pamilya. Eto na ang prinsesa ng Faulkerson. Ang laki laki na niya! Nakakapanhinayang na hindi mo siya nakita lumaki, na hindi ka niya nakita tumanda, na hindi ka niya makakasama sa unang pagluha niya, sa pag panik niya ng mga entablado, sa pag lakad niya sa altar, wala. Monmy, wala ka na. Sayang.

Masisisi mo ba ko?

Masisisi mo ba ko na ako ang nasasaktan para kay Dad? Na kahalip ng mga sampal, suntok, tadyak at kung ano ano pang sinasabi niya sakin tuwing umaga't gabi dahil sa pagkawala mo? Ikaw naman kasi eh. Napaka-heroic mo. Akala mo ba si Rizal ka? Si bonifacio? Si lapu lapu?

Mommy, ako lang to.

Bakit mo pa kasi ako niligtas?

Mommy ako lang to.

Edi sana hindi nalang tayo nagkaganito.

"Ah, salamat. May lakad ka ba ngayon? Bat ka naka... Ano yan? Yang itim na yan ha? Sa mata mo! Ayan! Hoy! Nako ha riz!"

"Kuyaaa, winged eye liner yan! Uso yan! Jusko! Nag gaganito kaya si ate meng!"

"Uso uso! Nako ha. Pag nalaman ko la–"

"Sige na kuya tignan mo na yan!"

"Hoy di pa tayo tapos!"

"Bye!"

Wala na. Nakalusot ka na naman.

Sana ako rin..

Ako rin ano?

Nakalusot.

...

I have never felt the touch of falling snow, she said, but like love, I know it exists. Somewhere.

-Michael Faudet

And baby, it exists. Oh it does.

With you.

That somewhere's with you.

I love you.

Tradition.

M

Ano na naman kayang pakulo netong babaeng to ay may pa-box box pang nalalaman?

Binuksan ko.

Snow globe. Hay nako napaka cute mo talaga.

Minsan nakakapagtaka. Ang dami kong tanong sa isip ko. Bakit? Paano?

Bakit. Bakit mo ginagawa to? Bakit mo paulit ulit ipinapadama sakin na mahal mo ko sa tuwing nagkukulang ako? Bakit na kahit gago ako sayo, tinatanggap mo parin ako ng buo? Bakit sa lahat ng pwede mong mahalin, ako pa? Bakit? Bakit ako?

Paano. Paano mo nagagawang tiisin ako? Na tila wala naman talagang binatbat sa mga nagmamahal at gumugustong mapalapit sayo. Ewan ko ba tangina, kung ako ikaw, ang tagal ko ng iniwan ang sarili ko.

Ipinatong ko ang munting regalo mo sa taas ng shelf na ginawa natin nung summer.

Naaalala ko pa na para tayong tanga hawak yung martilyo't mga pako. Walang ka-alam alam sa dapat at hindi dapat gawin.

Pilit nating ipinipilit ang maling sukat ng ganito sa ganyan, parang ang di mamalayang pagpilit natin sa isa't isa. Sino nga ba ulit ako para maging karapat dapat sayo?

Wala.

Wala. Wala akong magawa. Tumawa nalang tayo ng tumawa sa makailang ulit na kamuntik muntikang pagkakapako ng mga daliri natin sa pader.

"Ano ba yan babe, magingat ka kasi." Sabi mo.

Aba hindi naman ako karpintero para malaman na dapat pala... Oops! Ayon! Ganito!

Nakuha ko na.

Eto pala dapat.

Dapat pala eh sigurado ka. Dapat eh sakto. Dapat... Sobrang daming dapat pero ang nais ko lang sana eh, dapat andito ka. Sa tabi ko. Ngayon.

Minsan natatakot ako.

Natatakot ako na baka bumagsak yung mga snow globe sa shelf na ginawa natin dahil masyado na silang mabigat. Inisiip ko kasi na hindi naman talaga to matibay kaya paano? Paano lang? Paano kung bumagsak, masira, mabasag at mawala ang lahat ng to?

Paano... Paano lang kung isang araw, sa sobrang bigat, sa sobrang dami, hindi na pala niya makayanan? Na bumigay nalang siya? Na mawala nalang siya? Tulad ng bookshelf na to?

But i guess that's just what happens.

What do i expect? All good things must come to an end.

I mean, my mom's life did, anyway. 

AMA-Con: The Compilation - Book 2.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon