Never Gone - Chapter Five

2.2K 142 19
                                    

Kinaumagahan ay kasalukuyang naglalakad si Maine papunta sa sakayan ng tricycle. Pasado alas sais pa lang ng umaga kaya wala pa masyadong tao na dumadaan. Bigla namang may tumigil na itim na van sa tabi niya at lumabas mula dito ang dalawang lalake at puwersahan siyang sinakay sa loob. Tinakpan ng mga ito ang mga mata niya. Kahit anong sigaw niya ay madalang kumibo ang mga lalake. Hawak ng mga ito ang dalawang kamay niya kaya hindi siya makakilos ng maayos. Takot na takot si Maine. Hindi niya akalain na kikidnapin siya. Hindi naman sila mayaman. Sa tantiya niya ay mahigit dalawang oras ang binyahe ng sasakyan. Huminto ito at sinabihan siyang bumaba. Naglakad sila pero nagtataka si Maine dahil hindi naman siya pinu puwersa ng mga lalakeng dumukot sa kanya. Sa katunayan ay ingat na ingat pa nga ang mga ito habang inalalayan siya.

"Huy, Jessie. Ingatan mo si Maam. Baka mapagalitan tayo ni Boss."

"Bitiwan niyo 'ko. Sino ba 'yang boss niyo ha? Anong kailangan niyo sa 'kin? Pakawalan niyo 'ko."

Agad naman siyang pinakawalan ng mga lalake at tinanggal ang piring niya sa mata. Nang buksan ni Maine ang mga mata niya ay napuno ng galit ang dadamin niya. Nakilala niya ang boss na sinabi ng lalake kanina.

"Richard?"

"Maine..."

"So, ikaw pala nagpadukot sa 'kin. Ang kapal din naman ng mukha mo noh!?"

"Frank, Jessie. Magbantay muna kayo sa labas. Ikandado niyo ang lahat ng pinto sa bahay."

"Opo, Mayor."

Umalis na sina Frank at Jessie. Naiwan silang dalawa sa sala ng bahay ni Richard.

"Ano bang kailangan mo sa 'kin ha?"

"I'm sorry if I did this to you, Maine. Pero kasi...I thought this is the only way para makausap kita. I know you're still mad at me. I felt that yesterday 'nung nagkita tayo."

"Alam mo naman pala na ayaw kitang makausap eh. Bakit mo 'ko pina kidnap ha? Kahit paulit ulit mo pa akong ipakidnap, ayaw pa rin kitang makausap. Bakit? Sa palagay mo ba dahil Mayor ka ng Sta. Rosa eh hindi na kita pwedeng kasuhan ng kidnapping? Baliw ka talaga eh noh?"

"Oo Maine. Baliw ako. Baliw ako sa'yo. All those 3 years Maine, ikaw lang ang minahal ko. Just you. No one else.", he sighs.

"Sinungaling ka, Richard. Isa kang dakilang sinungaling."

"What do you mean?"

"Sino pa nga ba? Eh 'di si Maria Isabella Garcia? 'Di ba siya lang naman ang babaeng nali link sa'yo ngayon. Alam mo, ang landi niyong dalawa noh? Sa publiko niyo pa talaga pinapakita ang mga kababuyan niyo!"

"You know that it's not true Maine. Siya lang naman ang lapit ng lapit sa 'kin eh. We're just friends. At ang lahat ng sinasabi ng tabloid...they are all lies. ALL LIES."

"Wow. FRIENDS. BIG WORD. English 'yan para maintindihan mo. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa'yo matapos ang ginawa mong pakikipaghiwalay sa 'kin? Lokohin 'mong lelang mo!"

"Maine, can I please explain myself. Please...for 3 years hindi naman ako nawala eh. I still care for you. That's the truth."

"Talaga lang ha? Wala akong pake. Tapos na ang lahat sa 'tin simula 'nung araw na nakipaghiwalay ka sa 'kin. Ano 'to? Nawala ka tapos bigla kang babalik na parang ikaw ang may ari ng buhay ko?"

"Eh ikaw...sino si Sebastian sa buhay mo? Boyfriend mo na ba siya?"

"Kung sabihin kung oo, may magagawa ka? Alam mo walang kuwenta na 'tong pag uusap natin eh. Kaya aalis na ako sa ayaw at sa gusto mo. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Magsama kayong dalawa ng Maria Isabella Garcia na 'yun. Wag mo na akong pakialaman at bumalik ka na sa babae mo."

AMA-Con: The Compilation - Book 2.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon