M
He was beautifully made; frosted, icy, and almost like glass that could cut through you if he wanted to. His eyes were like gems that gave out stories and even despite his stone-like views, to me, he was warm on the inside. He was as delicate as the crystals falling from the sky. His presence reminded people what winter was but, his smile-- oh his smile , it felt like summer in December.
He was cold and he was beautiful.
He.
He is snow.
---
Ang ingay! Ano ba yun?
Ah...
Ah... Siya.
Siya na naman, kumakatok, nagbabato ng mga maliliit na bato sa bintana ko.
Ah, siya.
"Huy?"
2:08 am. Madaling araw na naman.
"Pssst?"
"Baba ka."
"What?"
"Get down. Tara na!"
Kaya eto ako, palihim at tahimik na bumababa ng bintana kong nakasanayan ko nang takasan ng panakaw sa mga gabing gusto niyang kasama ako.
Lagi naman eh. Lagi naman akong bababa, lagi naman akong susunod.
Hindi ko alam kung bat sobrang sunudsunuran ako sakanya, pero siguro nga tama yung cliche na kasabihan na 'wala eh, mahal ko'
"Get in, aalis tayo."
"Nice."
"Seatbelt mo, M."
"Mmm"
Kinuha ko ang mapa na nakapatong lamang sa may harapan ko. Ganito kami. Pupunta ng walang pasabi sa mga lugar na dapat pala naming paghandaan. Pero ano ba naman ang sense ng surprise kung ganun hindi ba?
"Wag mo na kunin yan."
"What? San mo trip? Alas dos na babe. Baka mag kanda ligaw ligaw tayo."
"Andami mong satsat. Sasama ka ba o hindi?"
Hay nako, mahal ko. Bakit ba lagi kang ganito? Mainit na naman ba ang ulo mo? O sadyang... Sadyang... Hay ewan ko!
Minsan nagtataka na ko, sino ba ang babae satin at bat ba mas maarte ka pa sakin?
Minsan naloloka nalang ako sa pagiging maangas mo. Hindi ko na minsan maintindihan pero pinipilit kong intindihin kasi Mahal, mahal kita. At kahit ano ka pa, kahit maging mas gago ka pa, okay lang.
Okay lang kasi mahal kita.
Kasi ganun pag nagmahal ka. Titiisin mo kahit minsan hindi mo na maintindihan. Titiisin mo kahit malabo na. Titiisin mo kahit masakit na. Titiisin mo kahit hindi mo na kaya, at Mahal, titiisin ko ang lahat, kasi una, nakayanan ko na hanggang dito, at Mahal, ilang ulit ko pa bang sasabihin sayo?
Mahal kita at hinding hindi 'to magbabago.
Magtitiis ako at tatanggapin ko.
Tinanggap kita kahit mas gusto mong matulog kesa kausap ako. Tinaggap kita kahit mas gusto mong magpakalasing tuwing Biyernes ng gabi. Tinanggap kita kahit mas pipiliin mong makipag kita ng alas dos ng madaling araw.