* * *

7K 86 7
                                    

Apat na siglo bago ang kasalukuyang panahon. May isang akademya na nabuo para sa mga napiling estudyante na may potensyal na maging tagapagtanggol ng buong Fairy Land.

Sa loob ng akademyang yon ay makikita ang mga ordinaryong mga estudyante at may labing-dalawang espesyal na estudyante na tinututukan ng isang propesor na kinikilala sa pangalang Book.

BOOK(Male)
- holds and controls every Fairy Rings
- magical book(weapon)
- master and professor of the Fairy Rings.

Nasa kalagitnaan ang lahat sa pagsasanay at patuloy lang na tinitignan sila nito. Tinitignan niya ang mga ito kung paano lumalakas ang mga kapangyarihan nila.

"Tch. Nandito na naman yan?" sabi ni Sand.

SAND(Female)
- controls land and time.
- hourglass(weapon)
- rank 8

"Magconcentrate ka na lang sa target." sabi naman ni Wood habang nagpapakawala ng pana.

WOOD(Female)
- controls speed
- bow and arrow
- rank 9

"Oo nga naman. Kailangan natin matamaan 'tong batang 'to." sabi naman ni Cancri habang umiiyak.

CANCRI(Male)
- controls emotion and tempers
- daggers
- rank 10

Ang batang tinutukoy nila ay ang apprentice ni Book na si Season. Si Season ay hindi kasama sa labing-dalawang Fairy Rings.

SEASON(Male)
- protector of Book
- all kinds of weapon
- unknown rank

"Tumigil na nga kayo sa pagsasalita at magpokus kayo." sabi naman ni Caper.

CAPER(Male)
- leader of the Fairy Rings; controls everything
- scythe
- rank 1

Matapos ang pagsasanay nila ay nagtipon sa isang lamesa sa hapagkainan ang lahat. Nakatingin ang mga ibang estudyante sa kanila pero hindi naman nila kayang kamuhian ang mga ito dahil sila lang ang tanging pag-asa ng Fairy Land.

"Waa. Busog na naman ako." sabi ni Tauri.

TAURI(Male)
- controls all beast
- ax
- rank 12

"Gusto mo ba pati yung akin?" tanong naman ni Grain.

GRAIN(Female)
- controls fire and forest
- whip
- rank 6

"Eh? Ako ang unang nanghingi n'yan eh." sabi Arietis.

ARIETIS(Female)
- controls the sky
- spears
- rank 4

"Teka. Meron pa naman dito eh. H'wag n'yo nang kunin yung kay Grain." sabi ni Minorum.

MINORUM(Male)
- imitates everything
- flute
- rank 11

"Kailangan bang mag-away kayo sa pagkain?" tanong naman ni Quari.

QUARI(Female)
- controls water
- magical gun
- rank 2

"Sus. Gusto mo lang mapansin pa." sabi naman ni Leonis.

LEONIS(Male)
- controls day and night
- staff
- rank 5

"Kailangang balanse." singit naman ni Scale pero walang pumansin sa kanya.

SCALE(Female)
- balance everything
- saber/sword
- rank 7

Tuloy pa rin ang pagtatalo nila sa harap ng hapag.

"Ate. Pipigilan na ba natin sila sa pagtatalo?" tanong ni Shaune.

SHAUNE FISC*(Male)
- controls death
- cloth
- rank 3

"Pabayaan mo lang sila Kuya." sagot naman ni Synne(pronounce as in 'sign').

SYNNE FISC*(Female)
- controls life
- fan
- rank 3

"Ta-tama na yan!" sigaw ni Season.

Tumingin lahat sa kanya at biglang naghagalpakan dahil pulang-pula na ang mukha ni Season.

* * *

Lumipas ang mga araw at idineklara na nga sila ni Book na opisyal na 12 Fairy Rings. Hanggang sa isang plano ang ginawa ni Sand. Limang buwan ang lumipas.

Nakumbinsi niya ang lahat na mag-aklas kay Book—pwera lang kay Season—dahil nalaman niya ang tunay na kahulugan ng kanilang pagiging Fairy Ring.

Sinugod nila si Book sa kanyang kwarto kahit na alam nilang siya ay makapangyarihan. Nilabanan niya ang 12 na Fairy Rings na sinanay niya.

"Season. Hindi maaaring maglaban ang kapwa Fairy Ring. Ikukulong ko sila sa mga weapon nila at tanging isang kontrata lang ang makakapagpalabas sa kanila ng bahagya. Hindi sila pwedeng lumabas sa tunay nilang anyo kung hindi, mauulit lang ito ng mauulit." naghingalong sinabi ni Book kay Season.

"Master. Paano ka?" tanong ni Season at nangingilid na ang mga luha niya.

"Pagkatapos ko silang ikulong sa kanilang mahiwagang kabute ay ikukulong ko rin ang sarili ko sa librong ito. At lahat ng magos ko ay mapupunta sa librong ito."

"Naiintindihan ko na po."

"Season. Hanapin mo ang taong muling magpapalaya sa akin."

"Pero sino po yon? At paano?"

"Makakabalik lang ako kapag nasira na lahat ng Fairy Rings. Kung sino siya? Hindi ko alam." sabi ni Book at umubo siya ng dugo.

"Master."

"Paalam na." sabi ni Book at tuluyan nang pumasok si Book sa libro niya.

Matapos non ay hawak ni Season ang lahat ng Fairy Rings. Inihagis niya ito pataas at saka nagpasabog ng liwanag at napunta sa iba't ibang lugar ang mga Fairy Rings. Sa lugar na tanging siya at ang libro lang ang nakakakita.

* * *

"Teka. Paano naman yung mga nasa lower rank? Kasama rin ba silang naging Fairy Rings?" tanong ni Drown.

Ito ay bago sila magkawatak-watak.

"Oo naman. Batid kong nakita mo na ang Magical Fairy Book? Nakita mo ang lokasyon ni Feather. Ang una sa lower rank?"

"Ah."

"Ngayon, hindi ko alam kung kumikilos na sila o hindi." sabi ni Season at bigla na lang siyang nakaramdam ng malakas na magos na papalapit sa direksyon nila.

Gayon din naman ang apat na lalaki at agad nilang pinalibutan sila Airy at kasama na rin si Pen. Hindi lang simpleng magos ang nararamdaman nila. Bigla na lang may lumabas sa harap nila na matangkad na lalaki.

"Hindi maaari." sabi ni Season.

* * *

*Iisa lang ang rank nilang magkapatid na si Shaune at Synne Fisc.

A/N :

Yo! Kamusta kayo? Second story na ito. Gusto ko lang magpasalamat sa inyong suporta. Sana subaybayan n'yo din ito kagaya ng pagsubaybay n:yo sa first story ko.

Para sa mga unang beses pa lang magbabasa ng kwento ko, starting with this. Unahin n'yo pong basahin ang

'The Last Fairy Warrior' kasunod ang
'Last Drop of Magic' which is the spin off/after story para naman alam n'yo ang buong kaganapan.

Paalala ko lang po sa inyong lahat. Ang lahat ng makikita n'yo sa kwentong ito ay purely imagination ko lang. Ang mga pangalan ay-obviously-gawa ko lang. Isama n'yo na rin ang mga bagay, hayop, lugar, pagkain at pangyayari. Hindi ko sinasadya na magkaroon ito ng kaparehas sa ibang kwentong nabasa n'yo na. And also, ngayon pa lang humihingi na po ako ng pasensya sa mga typo errors or kung ano man pong mga mali. I am not perfect so bear with me.

Sa mga readers ko po. Please don't put pressure sa story na ito. Hindi ko alam kung maganda ang kalalabasan ng story na ito. Inilalabas ko lang kung anong imagination ko, that's all.

BABALA para sa mga batang magbabasa nito. May ilang mga eksena dito na-to be exact-patayan. Kaya sorry po sa mga makikita nyong ganon. Hindi po kasi mabubuo ang story ko kung wala yung konting ganon. Sorry din po sa mga makikita n'yong hindi masyadong magandang word but I promise you, no bad words here. Thanks sa understanding.

Well, happy reading. ^.^v

[11/24/20: Please do TAKE NOTE that this story is under reconstruction. The names of the some side characters might be a little different]

- NotebooksAndPens

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon