Twenty-Six

329 10 0
                                    

“Bakit parang nagulat kayo? Kanina pa kaya ako dito.” sabi ni Arietis sa kanila.

“Huh?”

“Ah. Dapat ba akong makipag-away sa inyo?” tanong ni Arietis habang naglalakad papunta kina Airy.

Umaatras naman ang si Airy at Drown dahil hindi pa sila handa lumaban.

“Teka. Bakit mo ba kami dinala dito?” tanong ni Airy at hinahanap ang weapon nya.

“My, my. Nagugutom na ako. Wala bang makakain dyan?” tanong ni Arietis habang umaamoy sa hangin.

“Nandon sa kusina.” turo ni Jack.

“Jack.” tawag sa kanya ni Drown.

“Bakit? Tao din sya. May karapatan syang kumain.”

“Maraming salamat. At hindi ko alam na ganyan pa din ang itsura mo sa loob ng mahabang panahon.” sabi ni Arietis at kinuha ang kaldero na may luto ni Airy.

“Hindi ka rin naman nagbago. Hindi ka pa din lumalaban.” sabi ni Jack.

Sumubo na si Arietis ng luto ni Airy. Nagulat sya sa lasa nito. Sumubo syang muli at ulit at ulit.

“Teka. Sinong nagluto nito? Sobrang tagal na nung huli ko 'tong matikman.” sabi ni Arietis.

“Si Airy ang may luto nyan.” sagot ni Jack lumapit sya kay Arietis. Nasa likod naman nya sila Drown.

“Airy? Isa kang Fairy Warrior di ba? Nabalitaan kita kay Wood.” sabi ni Arietis at sumubo ulit. “Nasa lahi talaga ng mga Fairy Warriors ang magluto ng masarap.”

“Anong masarap dyan?” tanong ni Jack at sinipa naman ni Drown.

“Sasama ka ba sa akin kapag sinabi kong kailangan mo nang bumalik sa pagtulog?” tanong ni Airy at lumapit sya sa may lamesa.

Tinitigan lang naman sya ni Arietis ng masama. “Ayoko talaga ng laban at ayoko ding matulog ulit. Sawang-sawa na ako. Pero dahil sinabi ni Wood na sya ang tatapos sa iyo, sasama ako sa iyo.”

“Uhm. Arietis. Pwede ba akong magtanong?” tanong ni Drown.

“Hm? Ano yon?”

“Pwede mo bang sabihin sa amin ni Airy kung sino ang mga taong natutulog sa loob namin?” tanong ni Drown at napatigil doon si Arietis.

“Mga taong natutulog sa loob nyo? Hangin at kalangitan ang kakayahan ko. Hindi ako tiga-tingin ng tao sa loob ng tao.” sabi nya matapos nyang kumain.

“Pero sabi ni Season parehas kaming tatlo.”

“Si Season? Hindi Fairy Ring si Season. Isa lang syang hamak na sorcerer. Kasama nya kaming nag-eensayo pero hindi ko alam ang tunay nyang kakayahan. Lumapit kayong dalawa at titignan ko.” sabi ni Arietis.

Umatras naman si Jack at hinayaan sila na gawin ang gusto nila.

Inilapat ni Arietis ang mga kamay nya sa dibdib nila Airy. Pumikit sya at dinama ang dalawa. Deep. Deep. Deep. Deeper. Deeper. Nakakita sya ng pamilyar na mga mukha.

*gasp*

Agad syang bumitaw sa dalawa at lumayo pero hindi pala sapat yon para hindi nya marinig ang dalawang tao sa loob nila Airy.

“Hindi mo sila pinigilan. Ang kapwa mo Fairy Rings.” wika nung babaeng nasa loob ni Airy.

“Inulit nyo ang kasaysayan.” sabi naman nung nasa loob ni Drown.

Sinubukang lapitan nila Airy si Arietis para malaman kung sino ang nakita nya sa loob nila. Imbis ay nagulat sila sa kanilang nakita.

“Arietis. A-anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Drown.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon