“Pipe. Bakit ka ba umiiyak dyan?” tanong ni Drown at pumunta sya kay Pipe habang nagpupunas ng pawis.
“Drown… wala na si Bloom.” malungkot na sinabi ni Pipe habang pinipigilan nyang h'wag umiyak.
“Eh? Kadadala ko lang sa kanya kay Wolf para gamutin. Anong sinasabi mo dyan? Buti nga mga gasgas lang ang—oy, Pipe. Saan ka pupunta?” tanong nya.
Ikinagulat naman yon ni Pipe kaya agad syang tumakbo para makita si Bloom. Dinala si Pipe ng kanyang paa patungo sa isang subterranean at nakita nyang hinahaplos ni Bloom ang ulo ng umiiyak na si Risk.
“Ah. Pipe. Pasensya na kung hindi kita masyadong natulungan kan–” hindi nya na naituloy ang sasabihin nya dahil agad syang niyakap ni Pipe.
“Akala ko namatay ka. Akala ko wala ka na.” sabi ni Pipe at niyakap nya pa lalo ng mahigpit si Bloom.
“Ah. Sorry. Wala na akong oras kanina para sabihin sa iyo na ilusyon lang yung kanina. Dinala ko si Bloom dito kaya gumawa ako ng ilusyon nya. Hindi ko alam na pagbalik ko para tulungan ka ay tapos na ang buong laban.” sabi ni Drown.
“Heave ho.” sabi naman ni Airy na kararating lang kasama sila Kill at Fade.
Agad namang naramdaman ni Helium si Fade at sa unang pagkakataon pagkatapos syang gamutin ni Wolf ay tumayo sya at agad pumunta kay Fade.
“Fade.” tawag ni Helium. Agad nyang hinawakan si Fade at ginamot nya kaagad si Fade.
Nahuli naman si Wolf sa pagsasalita at nakita nya nang maayos si Fade.
“Nandito na ulit tayong lahat pero ano na ang gagawin natin?” tanong ni Bloom habang si Pipe ay nakatulog sa mga binti nya dahil sa sobrang pag-iyak.
Inilabas ni Airy ang mga Fairy Rings na nakolekta nila. Ibinigay naman ni Drown kay Airy ang natalo ni Pipe na si Tauri.
“Dalawa na lang sa kanila ang wala pa dito.” sabi ni Airy.
“At alam nating si Sand at Wood na lang ang natitira.” sabi naman ni Drown.
Napansin ni Kill na nasa sulok lang si Risk. Pinuntahan nya ito at niyakap. Nagkatinginan si Fade at Pipe dahil sa sikretong kailangan nilang itago dahil wala silang alam na tamang gawin kundi ang magtiwala na lang.
“Risk, kung ano man ang nasa isip mo ngayon. Hinding-hindi mangyayari yon.” sabi ni Kill.
Tinanggal naman ni Risk ang pagkakayakap ni Kill sa kanya.
“Kill, hindi pa ako nagkakamali sa mga nakikita ko sa hinaharap. Kung hindi ito natuloy noon, paniguradong matutuloy ito ngayon.” sabi ni Risk habang nanginginig.
“Mamamatay tayong lahat? Yun ba ang gusto mong iparating sa amin, Risk?” tanong ni Airy.
“Ah. Airy. Hindi ko gustong sabihin sa inyo ito ulit pero may malaking posibilidad na mangyari yon. Lalo na at sinabihan ka ni Wood na sa susunod nyong pagkikita ay hindi na kayo magkakampi.” sabi ni Risk.
Nagkaroon ng konting katahimikan pero sinira din ito agad ni Airy.
“Kung ganon, kailangan nating mag-ingat lahat.” sabi ni Airy.
At sa unang pagkakataon ay nakinig si Airy kay Risk. Hindi sila nagtalo. Mas naintindihan na ni Airy ang panganib na naghihintay sa kanila.
“So, anong plano?” tanong ni Helium.
“Walang plano.” agad sagot ni Airy.
“Eh?” tanong ng lahat.
* krrrrr *
Biglang tumunog ng malakas ang tyan ni Airy.
“Ahahaha. Wala pa kasi akong kain magmula nung nagkahiwa-hiwalay tayo. Wa-wala bang pagkain dyan?” nahihiyang tanong ni Airy.
Sabay-sabay namang naglabas ng pagkain ang lahat at inalok kay Airy.
“Eh? Drown? May pagkain ka pala dyan? Bakit hindi ka nagsasalita?”
“Airy. H'wag mong sabihin sa akin na hindi mo kinain yung niluto mo nung nasa taas tayo?”
“Ahaha.” tawa lang ni Airy habang kinukuha lahat ng pagkain.
“*sigh* Sabi ko na nga ba at alam mo ang lasa non eh.”
“Haha. Imposible yon. Nakita ko kasi yung itsura at hindi ko nagustuhan kaya hindi ko na tinikman.” sabi ni Airy at kumain na.
“Mas mabuting magpahinga muna kayo. Dadalhin ko kayo sa isang sikretong lugar pampahingahan.
* * *
“Ether. Gumising ka… Ether.”
Minulat nya ang mga mata nya at dilim ang tanging nakita nya. Sa harapan nya. Isang biyak sa sahig ang nakita nya. Lumapit sya rito para makita ito ng mas malapit. Maya-maya pa ay bumuka pa ito ng konti at naglabas ng pulang liwanag.
“Ether. Kailangan mo nang lumabas. Malapit na nilang malaman kung sino talaga sila. Malapit na nilang makuha ang alaala nila.”
Bumuka pa ng malaki at naglabas ng maiinit na lahar na parang galing sa isang bulkan.
“Si-sino ka?” tanong ng babaeng tinatawag sa pangalang Ether.
“Ako 'to, si Hue. Ether. Kailangang sabay tayong magising. Dalawang Fairy Ring na lang at lalabas nang muli si Season.” sabi nung boses ng lalaki na si Hue.
Nilalamon ng maiinit na lahar si Ether. Sa itaas naman nya ay nabiyak din ang dilim at nakakita sya ng liwanag. Kasabay non ay may nakita din syang isang kamay na pilit syang inaabot.
“Ether. Alalahanin mo. Hindi pwedeng makawala si Season. Isipin mong mabuti kung bakit tayo nasa kalagayang ito.” sabi pa ni Hue.
Inaabot na din sya ni Ether kahit patuloy syang nilalamon ng lahar.
“Hindi kita maintindihan. Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“Ether. Parating na si Sand at Wood. Alalahanin mo. Ether. Kailangan mo.” pagpupumilit nya at pilit nyang inaabot ang kamay ni Ether.
Umabot ng hanggang sa kamay ni Ether ang lahar at unti-unti na syang lumulubog rito. Hanggang sa… nagpang-abot ang daliri ni Hue at Ether.
Liwanag ang tanging bumalot sa dalawang taong iyon. Nakita ni Ether na nahuhulog sya mula sa langit. Nakangiti naman si Hue habang hawak sya ng mahigpit.
“Pagmasdan mo ang mga katawan natin.” sabi nya sabay turo sa ibaba.
* * *
“Buwaaa!!!” pag-ahon ni Airy sa hot spring. “Ahh. Ang sarap naman nito. Hmm. Ilang araw na ba akong hindi naliligo?” tanong pa ni Airy.
Dinala sila ni Wolf sa isang tagong inn. Tanging mga taong may hawak lang ng mahiwagang salita ang makakapasok dito. Kasama ni Airy ang tatlong babae. Nauuna na kasing magbabad doon ang mga lalaki.
“Isang araw na pahinga pero kailangan pa din nating maging mapagmatyag sa pagdating ni Sand o Wood.” babala ni Fade.
“Fade. Totoo ba itong nakikita namin?” bulong ni Bloom. Binabantayan naman ni Risk si Airy na nililibot ang hot spring.
“Eh? Ang alin?” tanong ni Fade.
“Hindi ka kamukha ni Drown. Isa pa, iba ang kulay ng buhok mo.” sabi ni Bloom.
“Huh? Imposibleng makita mo ang tunay na ako.”
“Hmm. Sa tingin ko dahil malapit na makumpleto ang Fairy Rings, humihina naman ang mga magos natin.”
“Siguro nga. Pero hindi pwedeng malaman ni Drown ang tungkol sa pagkakaiba namin.”
“Pero bakit?”
“Dahil hindi pa ito ang takdang panahon. Kailangan nya munang malaman kung sino talaga sya. Kasabay non ay ang pagbubunyag ko ng sarili ko.” sabi ni Fade at ibinalik nya sa dati ang kanyang itsura.
* Awoooo awoooo *
Narinig ng lahat ang ungol ng isang bestia.