One

2.6K 44 1
                                    

“Mag-iisang taon na pero hindi pa dumarating ang iba.” sabi ni Pen.

Naghihintay kasi sila sa may harapan ng Hermit City.

“H'wag kang mag-alala. Alam kong parating na ang iba.” sabi ni Data.

DATA VELOCITY*(Male)
- 22 years old
- The Combat Informant
- Bare hands/Hammer
- Immigrant

“Swerte lang natin kasi kalahating taon nung makabalik tayo dito.” sabi naman ni Fade habang inaayos ang buhok niya.

FADE EAVE(Female)
- 20 years old
- The Accelerator
- chains
- Peasant

“Nand'yan na ba sila?” tanong naman ni Pipe na lumabas mula sa isang chalet.

PIPE QUAINE(Male)
- 24 years old
- The Telepath
- sword(cutlass)
- Prince of North

“Wala pa sila.” sagot ni Data.

“Teka Data. Bakit ako walang description?” tanong ni Pen.

“Oh.” sabi ni Data.

PEN LOOP(Female)
- 41 years old
- The Giver
- spears
- Fairy Warrior

Tumango naman si Pen nung makuntento siya.

“Fade!” sigaw ni Drown habang kumakaway. Nakadungaw siya sa may bintana ng sinasakyan nila ni Bloom. Excited na siyang bumaba.

DROWN EAVE(Male)
- 20 years old
- The Illusionist
- ax
- Peasant

Kumaway naman pabalik si Fade. Maya-maya pa ay bumaba na ang dalawa sa sasakyan.

“Bakit kayo lang ang nandito?” tanong ni Bloom.

BLOOM CARE(Female)
- 24 years old
- The Mover
- scythe
- Princess of West

“Sabi nga ni Data. Darating pa lang sila.” sagot ni Fade.

“Yo.” sabi ni Kill sa likod ni Bloom.

“Aaaatt… ayan na nga sila.”

KILL LANTER(Male)
- 22 years old
- The Clone
- sword
- Martial

“Kamusta? Isang taon din yon noh?” sabi naman ni Risk habang masayang hawak ang kamay ni Kill.

Nagkatinginan ang lahat. Anong nangyari sa loob ng isang taon? Tanong nila.

RISK SAIL(Female)
- 21 years old
- The Ghost
- spears
- Royal Maid

“Teka. Anong nangyari sa inyong dalawa sa loob ng isang taon?” tanong ni Fade habang namumula.

“Wala naman.” sabay na sinabi nung dalawa.

“Si Airy na lang pala ang hinihintay natin.” sabi ni Pipe.

Napayuko naman si Bloom dahil sa muling pagkakataon. Si Airy na naman ang nasa isip ni Pipe. Nakita naman ni Drown yon kaya hinawakan niya ang ulo ni Bloom at ginulo ang kanyang buhok. Tumingin sa kanya si Bloom at ngumiti naman siya pabalik dito.

“Teka Drown. Mas matanda ako sa 'yo ah. Ayusin mo.” sabi ni Bloom sabay tapik sa kamay ni Drown.

“Ahahaha.” tawa ni Drown.

Ngayon, sa kanila na nakatingin ang lahat.

“Teka. May nangyari rin sa inyo, Drown?” tanong naman ni Pipe.

“Ahaha. Walang nangyari. Wala talaga.” sabi ni Drown habang pinupunasan niya ang luha niya dahil sa kakatawa.

“Hoy Drown! Sabi ko h'wag mo kong tatawanan di ba?” sabi ni Bloom sabay binatukan si Drown.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon