Thirteen

425 9 0
                                    

*gasp*

“Season.” tawag ni Risk sa kanya.

“Risk. Nasaan ako?” tanong ni Season habang hinihilot ang ulo nya na sumakit dahil sa biglaang pagbangon.

“Eh? Nasa kwarto ka ni Airy. Season, anong nangyari sa iyo?” tanong pa nya.

Lumingon naman si Season kay Airy. Tumatagaktak ang malamig na pawis ni Airy. Nakakunot ang noo na para bang nananaginip ng masama. Nagulat na lang sya dahil agad nyang nakalimutan ang mukha ni Ether.

“Nasaan sila?”

“Nag-aayos ng mga gamit. Hindi ba aalis na tayo ngayon?”

“Ah. Ilang araw ba akong nawalan ng malay?” tanong ni Season at isinuot nya ang damit nya.

“Nahimatay ka kagabi.” sabi nya habang nakayuko.

“Ah. Ganon ba? Lalabas lang ako para magpahangin. Sabihin mo din sa kanila yon.” sabi ni Season at pumunta na sya sa may pintuan.

“Hue.” sabi ni Risk. Nagulat naman si Season at humarap sa kanya. “Hue Color. Narinig kong sinabi mo yon sa panaginip mo.”

“Risk.”

“Paano nangyari iyon? H'wag mong sabihing ikaw si Hue? Isa kang Fairy Ring at si Hue ay isang Fairy.”

“Hindi ko alam. Hindi ko pa alam. Sinusubukan kong alalahanin kung sino ba si Hue at kung sino na din ako. Risk, nagmamakaawa ako sa iyo. H'wag mong sasabihin sa kambal ang tungkol dito. Lalong-lalo na kay Ether.” sabi ni Season habang nakatingin kay Airy at lumabas na sya.

Tumingin naman si Risk kay Airy.

“Bakit ka nya tinawag na Ether?”

* * *

Nakarating na sila sa mga manggagamot. Lahat ng ito ay nakahood. Matatanda na ang mga ito. Papasok pa lang sila sa village nila nung pinigilan sila nung isa.

“Sino kayo?”

“Ako 'to. Si Season? Broke.”

“Season. Bakit may kasama kayong hindi kaibigan?”

“Broke. Si Airy iyon. Kailangan nya ng tulong mo.”

Lumingon si Broke sa mga kasama nya. Tumango sya at bigla na lang kumilos ang mga kasama nya. Kinuha nila si Airy kay Drown.

“Teka. Anong gagawin nyo kay Airy?” tanong ni Drown.

“Sumama kayo sa amin.” sabi ni Broke at nagsimula na silang maglakad papunta sa puso ng village.

Nakarating sila sa puso ng village kung saan katabi non ay isang maliit na batis.

“Manahimik lang kayo at manood.” sabi nung kasama ni Brooke at tumalikod kaagad.

Hinulog ni Broke si Airy sa tubig pero imbis na mahulog sya sa tubig ay ang tubig mismo ang bumalot kay Airy. Pumalibot kay Airy ang mga manggagamot at isinagawa ang rituwal.

Nakatingala ang lahat at nakita nilang lahat na binabalot na ng maitim na tubig si Airy.

* * *

“Airy.” tawag ng isang pamilyar na boses sa kanya.

Nakaupo si Airy sa gitna ng kawalan. Madilim at di nya makita ang mukha nung tumatawag sa kanya. Umiiyak sya dahil pakiramdam nya ay wala na syang pag-asang bumalik pa sa mundong ginagalawan nya.

“Airy.” tawag pa sa kanya ng isa pang pamilyar na boses.

“Na-nasaan kayo?” tanong ni Airy habang palinga-linga.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon