Thirty-One

325 7 0
                                    

Agad tumakbo ang mga lalaki sa hot spring kung nasaan ang mga babae. Binuksan ni Helium kaagad ang pintuan at nakita nilang nakabihis na ang mga babae.

“Fade. Ayos ka lang—” bago pa man matapos ni Helium ang sasabihin nya ay binato na sila ng mga gamit na makikita sa loob nung hot spring.

* * *

“Sinong may sabi sa inyo na buksan ang pintuan ng paliguan? Buti na lang at nakabihis na kami.” galit na tinanong ni Bloom.

Nakaupo ang mga lalaki sa lapag habang nakatayo naman ang mga babae sa harapan nila.

“Eh? Ah. Nag-alala lang kami sa inyo.” sabi naman ni Drown habang namumula.

“Hindi nyo ba narinig yon?” tanong ni Pipe.

“Yung mga bestia na mukhang malapit dito.” sabi naman ni Airy.

“Kailangan na nating kumilos.” sabi naman ni Kill at tumayo na sya.

“Pasensya na sa ginawa ko kanina. Nag-alala lang talaga ako.” sabi ni Helium.

“Mabuti pang maghanda na kayo sa inyong pag-alis.” sabi naman ni Wolf.

“Eh?!” sigaw ni Airy.

Agad namang lumingon sa kanya lahat.

“Wala dito.”

“Ang alin Airy?” tanong ni Drown.

“Yung weapon ko. Wala dito.” sabi nya.

“Airy.” tawag sa kanya ni Season.

“Teka lang. Hahanapin ko lang yung weapon ko.” sabi ni Airy at hindi nya pinansin si Season.

“Eh? Season. Hindi mo sinabi kay Airy?” tanong ni Risk.

Tumigil ang lahat at napunta kay Risk ang atensyon ng lahat.

“Anong hindi sinabi sa akin?” tanong ni Airy.

“Airy. Ako ang weapon mo. Sorry.” agad sinabi ni Season.

“Hi-hindi ko maintindihan. Paano kita naging weapon?”

“Simula pa lang nung una. Simula pa lang nung muling pagsasama-sama nyong walo.” sabi ni Season.

“Hindi ba si Risk ang nagmamay-ari sa 'yo?”

“Airy. Nakipagkasunduan ako non kay Season. Lalaban kami ng magkasama at kapag nakita nya na ang taong hinahanap nya ay babalik na syang muli rito at ikaw yun Airy. Ikaw ang totoong nagmamay-ari kay Season.”

“Teka. Paano naman si Wood? Hindi ba sya ang Fairy Ring ko?”

“Wala na tayong oras sa pagtatalong yan. Kailangan nyo nang umalis.” sabi ni Wolf dahil nararamdaman nyang papalapit ang mga bestia-ng narinig nila.

“Airy. Tanggapin mo ito. Hindi na ako makabalik sa pagiging weapon ko kaya ibinibigay ko ito sa iyo.” sabi ni Season at hinablot ni Airy sa kanya ang bow-and-arrow na ibaabot nya.

Lumabas sila sa isang subterranean at sumalubong sa kanila ang halos lagpas isang daan na bestia na gumagala-gala lang sa lugar.

“Bakit ang dami nyan?” tanong ni Drown.

Agad namang tumalon si Airy sa puno at nagsimulang tumira ng mga palaso. Nakuha naman ng bestia ang atensyon ni Airy. Sumunod naman si Drown kay Airy.

“Oy. Tignan nyo yon.” sabi ni Pipe habang nakatingin sa direksyon nila Airy.

Nagkumpulan ang mga bestia sa paligid ni Airy at Drown.

“A-anong ibig sabihin nito?” tanong ni Risk.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon