“Airy. Saan mo pala nakuha yung pakpak mo?” tanong ni Bloom.
Naglalakad sila papunta sa palasyo kasama si Pen. Nag-iisip si Pen sa sinabi ni Season.
“Eto ba?” tanong niya sabay labas ng pakpak.
Ito ay kasing-ganda ng pakpak ng isang ibon. Pero imbis na feather ito ay transparent ito na katulad ng sa tutubi. Pag tinapat ito sa araw ay lalabas ang matitingkad na kulay nito.
“Nakuha ko ito sa Flying House City. Malapit sa Silangan. Wala siyang amo kaya kinuha ko na.” sabi ni Airy at itinago niya na ang pakpak niya.
“Si Feather?”
“Yup. Tinanong ko kay Season kung bakit pati ang mga minor Fairy Rings ay nakulong kagaya ng mga major. Ang sabi niya : 'Obvious naman di ba? Fairy Rings din sila.'”
“Airy. Sa una pa lang hindi mo na dapat tinanong yon.” sabi ni Risk.
“Ganon ba? Paano ko naman kasi malalaman kung totoo yun kung hindi ko itatanong?”
Bago pa man madugtungan ang debate nila ay tinawag ni Season si Risk. Susunod dapat si Kill nung pinigilan siya ni Pipe.
“Hayaan mo na muna sila. Sa palagay ko, malaki ang dala-dala ni Risk na lungkot habang nakikita niya si Season.” sabi niya.
Napatingin naman ang lahat kay Kill at napansin din ni Airy na malalim ang iniisip ni Pen.
* * *
“Risk. Ayos ka lang ba?” tanong ni Season habang nahuhuli sila sa paglalakad.
“Sa totoo lang hindi.”
“Pasensya ka na kung kailangan ko ng bumalik sa tunay na may hawak sa akin, kay Airy.” sabi ni Season.
Umiling lang naman si Risk sa sinabi ni Season. “Ako dapat ang humingi sa 'yo ng pasensya kasi hanggang ngayon makasarili pa rin ako. Gusto ko pa rin na ikaw ang kasama ko sa laban. Pasensya ka na. Alam kong sinabi mo na sa akin ito bago pa man tayo magsamang lumaban.”
“Tumigil ka nga. Wala kang kasalanan.”
“Para matapos na ang pagtatalo natin. Nakikita mo ba ito?” tanong ni Risk sabay taas nung armas niya. “Magiging ikaw 'to. Kaya h'wag mo na akong alalahanin. Tsaka isa pa. Nand'yan naman si Kill para samahan at bantayan ako. Kaya gawin mo na ang tungkulin mo.” nakingiting sinabi ni Risk.
“Salamat sa pag-intindi.”
* * *
Meanwhile habang nasa gitna ng pag-uusap si Risk at Season ay lumapit si Airy kay Pen at naglakas-loob na magtanong.
“Pen. Meron ka na bang taong minahal dati?” tanong ni Airy at nadistract naman si Pen dahil don.
“Eh? Anong klaseng tanong yan?”
“Pen. Simpleng tanong lang yon na pwedeng sagutin ng simpleng sagot.” plain na sinabi ni Airy.
Nakatingin naman na ang lahat kay Pen. Nag-aabang kung magkukwento siya o hindi.
“Ah. Eh. Syempre meron.”
“Weh? Baka naman wala lang yan. Pinipilit mo lang na meron?” tanong naman ni Fade.
“Eh?? Pinagdududahan mo ba ako?” tanong ni Pen.
“Kung gayon, ikwento mo sa amin.”
“Huh??”
“Sige na. Mahigit dalawang taon ka na naming kasama at kulang-kulang pa rin ang impormasyon namin sa inyo.” sabi naman ni Pipe.
“Sige. Sige. Meron akong taong minahal. Nagkakilala kami sa kaharian kung saan ako nakadestino, sa Kanluran. Bago lang kasi siya sa posisyon bilang lider kaya kailangan niyang libutin ang mga lugar kung saan nakadestino ang mga Fairy Warriors. Nung panahong iyon ay Leader na ako ng samahan ng mga Fairy Warrior sa Kanluran. Tinulungan niya ako sa isang task na iniwan sa akin ng mga senior ko sa akin. Minsan namang bumista kami sa Silangan, kung saan siya nakadestino. Napansin kong may mahal pala siyang iba.”