Twenty-Three

328 8 0
                                    

“Kung ganon. Dapat si Fade din hindi ba?” sabi naman ni Risk.

“Hindi ko alam. Pinag-aaralan ko munang mabuti ang sitwasyon nilang dalawa.” sabi ni Season.

“Sandali. Hindi ko maintindihan. Paano kami naging katulad mo?” tanong ni Airy.

“Mula sa ipinakita ni Drown kanina. Nakita ko na may kakaibang liwanag ang nabuo sa loob nya. Ang liwanag na iyon ang nagsasabing hindi sila tinatablan ng kahit anong malakas na atake ng Fairy Rings. Pero hindi ito kasing lakas ng akin.” sabi ni Season at hinawakan nya ang dibdib nya.

Hinawakan naman ni Airy ang dibdib ni Drown at pinakiramdaman ang sinasabi ni Season na nabuong liwanag sa kanya na hindi tinatablan ng Fairy Rings.

“EEEHHHH???” gulat na gulat na sigaw ng lahat.

Hindi naman alam ni Drown ang gagawin nya. Sobrang namumula na sya at ganon din ang nararamdaman ng mga lalaki.

“Pen. Gawin mo din sa akin yon.” pang-aasar ni Geo kay Pen.

Sinuntok naman sya sa tyan ni Pen.

“Ah. Nahihiya ako.” sabi naman ni Risk sa sarili nya habang nakatingin kay Kill.

“Hah. Hindi mo kailangang gawin yon.” sagot ni Kill.

“Fade. Okay lang kahit hindi mo muna gawin sa akin yon.” sabi naman ni Helium habang nagtatakip pa din ng mukha si Fade.

Hindi naman magkasalubong ang mga mata ni Pipe at Bloom.

Habang nagkakagulo ang lahat ay lumalalim naman ang paghahanap ni Airy sa liwanag na sinasabi ni Season. Sa dulo ng kanyang paghahanap ay nakita nya ang isang natutulog na imahe ng isang lalaki. Agad minulat ni Airy ang mga mata nya at bumitaw sa pagkakahawak sa dibdib ni Drown.

Nagulat naman ang lahat sa pinakita ni Airy.

“Airy, bakit? Anong nangyari?” tanong ni Drown.

“Ahaha. Sorry. Hindi ko sinasadyang hawakan ka.”

“Ayos lang pero bakit ka bumitaw agad. May nakita ka ba?” tanong pa ni Drown.

Hindi pa sigurado ni Airy ang nakita nya kaya nagdesisyon sya na h'wag munang sabihin iyon sa iba. Tumingin naman sya kay Season at inisip na ganon din ba ang nasa loob ni Season?

“Wala. Uhm. Mabuti pang ayusin na natin ang mga sinira ni Scale.” sabi nya.

“PEN! GEO! AYOS LANG BA KAYO?” sigaw ni Red pagpasok nya sa nasirang palasyo.

“Ayos lang kaming lahat. Salamat sa pag-aalala. Kamusta sa baba?” sabi ni Geo.

“Ah. Okay lang naman. Mula nung nakita ko na gumuho ang palasyo, bigla na lang tumaas ang buong Hilaga.” sabi ni Red habang hinahabol ang hininga nya.

“Mabuti kung ganon.”

“Pa. Tutulong kami sa pag-aayos ng palasyo at wala kayong dapat ipag-alala.” sabi ni Airy.

Tahimik pa din naman ang lahat. Walang naglakas-loob na magtanong ulit kay Airy sa kanyang nakita.

* * *

Matapos ang isang buwan ay natapos na nilang ayusin ang buong palasyo. Ginanap din naman ang hinihintay na kasalan ni Geo at Pen. Lahat ay nagdiriwang.

“Drown. Pwede ka bang pumunta mamaya sa kwarto ko?” pabulong na tinanong ni Airy kay Drown habang nagsasaya ang lahat.

“Huh? Para saan?” tanong ni Drown kay Airy habang kumakain ng manok.

“May gusto lang akong subukan natin.”

Nahulog naman ang kinakain ni Drown dahil iba ang pumasok sa isip nya.

“Basta pumunta ka pagkatapos matulog ng lahat.” sabi ni Airy at umalis na.

Nakatulala lang naman si Drown sa direksyon ni Airy.

* * *

Madaling araw na at nasa tapat si Drown ng pintuan ng kwarto ni Airy. Nagdadalawang-isip kung papasok ba sya o hindi. Mag-iisang oras na syang nandoon pero hindi nya pa din kinakatok ang pintuan ni Airy.

Bigla na lang bumukas ang pintuan ni Airy.

“Drown.” tawag sa kanya ni Airy. Luminga-linga si Airy at hinatak nya si Drown papasok sa kwarto. “Bakit ang tagal mo?” tanong ni Airy.

Isinara ni Airy ang kurtina ng kwarto nya. Pati ang ilaw sa maliit na kandila sa kwarto ni Airy ay pinatay nya. May konting liwanag ng buwan ang pumapasok sa maliit na butas ng hindi masyadong nasarang kurtina kaya nakikita pa din nila ang isa't isa.

“A-Airy. Ano bang gagawin mo?” kinakabahang tanong ni Drown.

“Umupo ka sa kama.” utos ni Airy at ginawa agad ito ni Drown. “Ibigay mo sa akin ang kamay mo.” sabi ni Airy at ginawa ito ni Drown.

Kinuha naman ni Airy ito at pumikit sandali. Nagkaroon ng pagsasalin ng magos sa pagitan nilang dalawa.

“Para saan ito Airy?” tanong ni Drown pagkatapos nyang maramdaman sa kanya ang magos ni Airy.

“Gusto kong alamin mo kung sino yung tao sa loob ko. Kung kanino nanggagaling yung sinasabi ni Season na liwanag.”

“Hindi ko maintindihan, Airy.”

“Drown, naaalala mo ba yung araw pagkatapos ng laban natin kay Scale? Tinatanong mo kung bakit ako bumitaw di ba?” sabi ni Airy at sandali syang tumigil. “Nakakita ako ng imahe ng taong natutulog sa loob mo. Hindi ko lang nakita ng malinaw kung sino yon.” sabi ni Airy.

“Ang ibig mong sabihin, sa kanya galing yung liwanag?”

“Hindi ko pa alam. Kaya alamin mo yung sa akin.” sabi ni Airy.

“Huh? Uhm. Hindi ko kayang hawakan ang—”

“Hawakan mo ang kamay ko ng mahigpit at wala kang ibang iisipin kundi ang gusto mong hanapin.” sabat ni Airy.

“Sige.” sabi ni Drown.

Huminga silang dalawa ng malalim. Pumikit si Drown at inisip ng mabuti ang hinahanap nya. Kagaya lang ito ng void na nakikita nya kapag kumukuha sya ng armas. Madilim, walang hanggan.

“Drown.” tawag sa kanya ng pamilyar na boses.

Hinanap naman ito ni Drown pero hindi nya ito makita.

“Drown.” tawag ulit sa kanya.

“Sino ka?”

“Tumingin ka sa harapan mo at makikita mo ang hinahanap mo.” sabi nung boses sa kanya.

Agad naman itong ginawa ni Drown at nakita nya ang imahe ng isang babae. Papalapit sya ng papalapit dito hanggang sa makita nya yung babae.

“A-Airy?”

“Hindi ako si Airy.” sabi sa kanya nung babae.

“Sino ka?” tanong ni Drown.

“Ako si…” sabi nya kay Drown at nagulat si Drown sa sinabi nung babae sa kanya. “Kagaya ni Airy, nabubuhay din sya sa loob mo. Si…” sabi pa nya.

“Teka. Hindi ko narinig ang sinabi mo.”

“Yun ay dahil panandalian kong tinanggal ang pangalan namin sa isipan mo. Hindi ka pa handa. Hindi mapipigilan ang nakataktda.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Drown. Nakatakdang matalo nyo ang lahat ng Fairy Rings. Pero hindi matatapos ang lahat doon.”

“Sandali. Hindi ko talaga maintindihan.”

“Ang hinaharap ni Airy ay konektado sa akin. Ganon din ang sa iyo na kunektado sa kanya(yung nakita ni Airy). Drown, kayo lang ang makatatapos nito. Kayo lang ang makapuputol nito.” sabi nung babae sa kanya.

“Drown!” sigaw ni Airy.

Hawak ni Drown ang ulo nya. Pinipilit nyang tanggalin ang sakit ng ulo nya. Palakas na ng palakas ang sigaw ni Drown. Nagising ang lahat at agad tumakbo sa kwarto ni Airy, kung saan nila narinig ang sigaw.

Sino nga ba ang babaeng nasa loob ni Airy? Sino rin ang lalaking natutulog sa loob ni Drown? Anong ibig sabihin ng sinasabi nung babae kay Drown na sya ang tatapos nito. Pero iisa lang ang sagot sa mga tanong na ito. Ito ay may kinalaman sa mga FAIRY RINGS.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon