Nine

474 12 0
                                    

*slap*

"Tama na yan, Fade." sabi ni Bloom habang hinahaplos ang kamay na pinangsampal nya kay Fade.

Inalalayan naman ni Risk si Airy na hanggang ngayon ay tulala pa rin.

"Walang kasalanan si Airy sa nangyari. Iniligtas ka ni Data sa kapahamakan. Desisyon nya yon." paliwanag pa ni Bloom.

Hindi na napigilan pa ni Fade na isara ang palad nya sa sobrang galit. "Bakit? Ano bang alam mo sa nararamdaman ko Bloom?"

"Wala akong alam sa nararamdaman mo pero parehas lang tayong lahat na nalulungkot sa pagkawala ni Data. Fade, kagaya ng pagkawala mo noon. Ganyan din ang nangyari kay Data. Sinisi nya kaming lahat. Lalo na si Airy. Fade, sana maintindihan mo na kailangan nating tulungan si Airy, hindi para kalabanin si Airy." sabi ni Bloom.

Tinakpan ni Airy ang kanyang mukha gamit ang kamay nyang walang hawak. Humahagulgol sya at napaluhod na lang.

"Tama si Fade. Kasalanan ko 'to. Hindi ko nakita ang mangyayari. Patawarin nyo ko. Hindi ko na dapat kayo dinamay pa sa misyon ko." sabi ni Airy habang humahagulgol.

"Airy. Ano bang sinasabi mo? Una pa lang, kami na ang sumama sa 'yo. Walang nagpumilit sa amin para samahan ka. Kusa kaming sumama." sabi ni Drown at tumingin sya sandali kay Fade.

Lumakad naman palayo sa kanila si Fade. Hinayaan muna nilang makapag-isip si Fade. Sa kabilang banda, sinusundan din sya ni Pipe. Tuloy ang pag-iyak ni Airy. Maya-maya pa ay hinawakan nya ang dagger nya at sinaksak nya ang sarili nya.

*chak*

"A-Airy." tawag sa kanya ni Risk.

*cough* *cough*

Muli nyang sasaksakin ang sarili nya pero pinigilan sya ni Season.

"Airy. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" naiiritang tanong ni Season habang hawak nya ang kamay ni Airy.

"Bitawan mo ko. Hayaan nyo akong patayin ko ang sarili ko. Kabayaran sa buhay ni Data na nawala." sabi ni Airy habang patuloy syang umiiyak.

Hinawi nya ang kamay ni Season at muli syang bumwelo para saksakin ang sarili nya. Muli naman syang pinigilan ni Season at itinapon nya sa tabi ang dagger. Sinimulan naman ni Airy na suntukin ang sarili nya.

"Airy. Ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong ni Drown habang pinapanood nya lang ang ginagawa ni Airy sa sarili nya.

Sa 'di kalayuan. Naglalakad palapit sa kanila ang isang pamilyar na aura.

"Hihihi. Hindi ko inaasahan na unang maaapektuhan ang Fairy Warrior. Hihihi." sabi ng boses at lumapit pa ito sa kanila.

"Cancri." sabi naman ni Season.

"Se-Season." gulat na tawag ni Cancri sa pangalan ni Season.

Napahiga na lang sa lupa si Airy habang ang lahat ay naka-focus na kay Cancri.

"Anong ginawa mo kay Airy." sabi ni Drown.

"Huh? Ako? Wala akong ginawa sa kanya. Sya ang kusang nagpatalo sa magos ko." sabi ni Cancri habang umiiyak.

"Baliw ba sya? Kanina lang tumatawa sya tapos ngayon umiiyak." pabulong na sinabi ni Kill kay Season.

"Ipapakilala ko na sa inyo ang bago nyong kalaban." galit naman na sinabi ni Cancri at nakatingin sya sa likuran nila Season.

"AIRY!!!" galit na galit na sigaw ni Fade.

"Mag-ingat kayo kay Fade!" sigaw naman ni Pipe habang sinusubukan nyang maabutan si Fade. Puno din sya ng mga gasgas at sugat.

"Airy!" galit na galit na sigaw pa rin ni Fade.

Umatake sya sa harap kung saan nakapwesto si Season. Nasangga ni Season ang atake ni Fade.

"Season sa likod." sigaw ni Pipe habang iika-ikang lumalapit sa kaguluhan.

Sinangga ni Season kaagad ang atake sa likod nya.

"Bloom?" tanong ni Season at umatras ng panandalian si Fade at Bloom para bumwelo para na naman sa isang atake.

"Hihihi. Sila ay binalot ng kanilang sariling emosyon." sabi ni Cancri na nanonood mula sa distansya.

- - -

"Gah!" sigaw sa sakit ni Kill. "Drown. Anong ginagawa mo?" tanong ni Kill. Nakahawak ang isang kamay nya sa kaliwang braso habang ang isa naman ay pinangsasangga nya sa ax ni Drown.

"Kill. Ipinangako ko sa sarili ko na kapag lumakas ako ay tatalunin kita." nakangiting sinabi ni Drown.

Ayaw naman saktan ni Kill si Drown pero patuloy lang si Drown sa mga atake nya.

- - -

Lumapit naman si Pipe kay Risk na noo'y nakaupo sa lupa at nakatakip ang magkabilang tenga.

"Umalis ka na dito. Ayoko ng ganito. H'wag. H'wag." sabi ni Risk habang umiiling.

- - -

Patuloy pa din ang pag-atake ni Fade at Bloom kay Airy habang pinoprotektahan naman sya ni Season.

"Bloom. Bakit ka ba nawala sa sarili mo?" tanong ni Season.

"Nasa Fairy Warrior na iyan ang lahat ng atensyon. Oras na para mawala sya dito." sabi ni Bloom at sasaksakin nya dapat si Season sa braso pero napigilan ni Season ito. Pinitik naman ni Season si Fade sa noo at tumalsik ito sa malayo dahil para magkaroon ng oras si Season na humugot pa ng isang espada. Magpalipad naman ng mga gamit si Bloom papunta sa direksyon nila Airy.

- - -

Naging combat naman ang laban ni Drown at Kill. Sinipa ni Kill sa tyan si Drown. Wala na syang pakialam kung masaktan si Drown. Basta ang kailangan nya ay oras para tulungan si Season. Inangat naman ni Drown ang ulo nya na may kasamang malakas na pwersa at tumama ito sa baba ni Kill at dumugo ang bibig nya.

- - -

Pabalik na si Fade sa direksyon ni Season nung may nag-snap sa isip nya. Hindi sya tumigil sa pagtakbo at sa halip ay dumiretso lang. Hinampas naman ni Season si Bloom sa braso ng katamtaman at tumilapon ito kay Pipe. Hinarap naman ni Season si Fade. Tinapakan sya ni Fade sa dibdib dahilan para matumba sya sa ibabaw ni Airy pero bago pa man mangyari yon ay nawala sya bigla.

"Hyyaaaa!" sigaw ni Fade habang nakatitig sya sa mata ni Cancri.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Cancri at kasabay non ay may mga kadenang pumulupot sa magkabilang kamay at paa nya dahilan para maging wide open sya.

"Gaganti ako para kay Data." sabi ni Fade at nasa ibabaw sya ni Cancri. Handa na para daganan ito.

"Hindi maaari." galit na sinabi ni Cancri.

Inilabas nya ang dalawa nyang dagger at pinutol nya ang kadenang nakapulupot sa kamay nya. Naka-ekis ang kamay nya para mapigilan ang pagdamba sa kanya ni Fade. Hindi naman ito naging hadlang kay Fade. Dinaganan ni Fade si Cancri sa may tyan. Inilusot nya ang mga kamay nya sa ng mga naka-ekis na kamay ni Cancri. Pinuwersa nya ang mga kamay ni Cancri na bumigay. Kinuha at hinagis ni Fade ang dalawang dagger sa likod nya at ginawa naman nyang dalawang dagger din ang kadena nya. Kasabay ng pagbagsak nilang dalawa ay ang pagsaksak ni Fade sa mga mata* ni Cancri.(*sorry for the terms. Reaalllyy sooooorrry. I can't think of anything nice here.)

Sa likod ni Fade ay bumagsak din ang dalawang dagger na nadurog. Ito ay dahil pinana ni Airy ang dalawang dagger.

"*cough* *cough*" ubo ni Airy sa likod ni Fade.

"A-anong nangyari?" tanong ni Cancri sa sarili nya.

Tumingin naman si Fade kay Airy at ngumiti.

"Ano nga bang ipinaglalaban ko?" tanong ni Cancri at tuluyan na syang naging armas.

Lumapit si Fade kay Airy at inabot ang kamay nya.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon