Twenty-Five

316 9 0
                                    

*blob* *blob* *blob*

"Ka! *cough* *cough* *cough*"

"Huh? Nasaan tayo?" tanong ni Pipe.

Umahon sila Pipe mula sa tubig. Nasa ilalim sila ng isang kweba na nakakonekta sa dagat. Sila Pipe, Kill at Fade ang magkakasama. Nagpagpag sila ng mga basa nilang damit.

Tumingin si Kill sa labas ng kweba at nakita ang kalapit na isla.

"Malapit lang tayo sa Cursed City." sagot ni Kill.

"Nakita mo ba kung may ibang nandyan?" tanong pa ni Pipe habang nagpapagpag ng basang damit.

"Wala." sabi ni Kill. "Huh? Teka. Nandito lang kanina si Fade ah. Nakita mo ba sya?" tanong ni Kill habang lumilinga-linga.

"Hindi ko alam pero nakita ko din sya kanina lang."

"Pipe. Kill. Nagsinungaling ako sa inyong lahat." sabi ng isang babae na may matingkad na kulay ng buhok.

Nasa bunganga sya ng kweba kaya ang tanging naaaninag nila Pipe ay ang mala-apoy nyang mga mata at napakahaba ng kanyang buhok na umaabot sa kanyang alak-alakan. Natatakpan ng mga mahahabang buhok ang mukha ng babaeng nasa harapan nila. Hindi nila makita ang babae dahil masyadong natatakpan ng dilim ang buo nyang katawan.

"Nagsinungaling ako tungkol sa amin ni Drown."

* * *

Gumising na si Drown mula sa pagsakit ng ulo.

"Nasaan ako?" tanong ni Drown.

"Sira ka talaga. Sinabi ko sa 'yo na h'wag mo akong pag-alalahanin." sabi ni Airy at idinantay nya ang ulo nya sa braso ni Drown. "Buti na lang at nahanap kita agad." sabi ni Airy.

"Huh? Anong ibig mong sabihin? Nasaan ba tayo?" tanong nya at umupo na sya.

"Nandito tayo sa Flying Houses City." sabi ni Airy.

"Paano tayo napunta dito?" tanong pa ni Drown habang hawak ang kumikirot na ulo.

"Pagkatapos mong sumigaw ng malakas ay dumating silang lahat sa kwarto ko. Nagsimula naman tayong tangayin ng malakas na hangin. Isang linggo kitang hinanap at buti na lang ay nahanap ka ni Jack." sabi ni Airy.

"Nasaan ang iba?"

"Hindi ko alam kung nasaan sila. Nagkahiwalay tayong lahat. Tanging ikaw lang ang nahanap ko." sabi ni Airy habang umiiyak.

"Airy. H'wag ka nang umiyak. Pasensya ka na sa ginawa ko. Hindi ko sinasadyang iwan ka ng isang linggo." sabi ni Drown at tinapik nya ang ulo ni Airy.

Napatitig naman si Airy sa kanya. Nagtaka naman sya.

"Drown, parang nagbago ka na." sabi ni Airy at inilapit nya pa ang mukha nya kay Drown.

Agad namang bumitaw si Drown at tinakpan ang namumulang mukha. "S-syempre nagbago na ako. Gu-gusto kitang protektahan..." sabi ni Drown. "...kasi mahal kita." mahina nyang sinabi.

"Eh?" gulat na tinanong ni Airy.

Tumingin si Drown sa kanya. Nagulat si Drown na nakita nya si Airy na namumula. "*Oi oi. Airy, h'wag mong ipakita yan sa akin. Lalo lang akong maguguluhan.*" sabi ni Drown sa isip nya.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto at bumungad sa kanila si Jack na may dalang mga prutas at gulay.

"Ahaha. Pasensya na. Nagulo ko ba ang pag-uusap nyong dalawa? Aalis na lang ako ulit." sabi ni Jack habang nakangiti.

"Teka! Ayos na si Drown. Magluluto na lang ako." sabi ni Airy at kinuha nya na agad ang hawak ni Jack.

"Huh? A-Airy. Marunong kang magluto?" tanong ni Drown.

Pok!

Binato ni Airy si Drown ng gulay.

"Sino sa tingin mo ako? Tch." sabi ni Airy at umalis na sya at nagluto sa kusina.

* * *

"Ahaha. A-ano ito?" tanong ni Jack.

Isang nakasusuklam na pagkain ang nakahain sa dalawang lalaki na inihanda ni Airy para sa kanila. Nakatitig lang naman si Drown sa ginawa ni Airy.

"Airy. Marunong ka ba talaga magluto?" tanong pa ni Drown.

"Huh? May reklamo ba kayo?" sabi ni Airy habang hawak ang sandok na ipinanghalo nya sa niluto nya.

"Ah. Maraming salamat sa pagkain." sabi ni Drown at sumubo sya. Nanlaki ang mata nya ng matikman nya ito. Malapit nang lumuha ang mga mata nya sa sobrang sama ng lasa pero dahil si Airy ang gumawa nito ay tiniis nyang kainin ito.

"Hay. Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Isasakripisyo mo pati ang kalusugan mo?" pabulong na sinabi ni Jack at tiniis na titigan na lang si Drown.

* * *

"Jack. May nangyayari ba sa lugar na ito ngayon?" tanong ni Airy habang nililigpit ang pinagkainan nila.

"Sa totoo lang, kagaya nyo. Dinala din ako ng malakas at malalaking ipo-ipo dito. Sa tingin ko ay may kinalaman ito sa hinahanap nyong Fairy Ring."

"Teka. Sino ba sa mga Fairy Rings ang may hawak sa langit?" tanong ni Drown.

"Hmmm. Ang mga Fisc ang naghahawak sa life and death. Si Minorum naman sa panggagaya sa lahat. Si Canri sa mga emosyon ng tao. Si Grain sa apoy at kagubatan. Si Caper naman ang may kakayahan na gawin ang lahat. Si Scale naman sa Gravitation. Base sa mga nakalaban natin dati, si Sand ang may hawak sa oras at si Wood naman sa speed. Ang naiwan na lang ay sina Tauri, Quari, Leonis, at Arietis. Sa pagkakaalam ko, si Leonis ang may kakayahan kumontrol sa araw at gabi." pagpapaliwanag ni Airy.

Nagkatingin naman sina Drown at Jack. Kailan pa kinabisado ni Airy ang lahat ng Fairy Ring? Sinasabi nya ito na para bang isang nakasanayan na ang kanyang ginagawa.

"Si Tauri ang humahawak sa lahat ng halimaw. Si Quari naman sa tubig. Ah!" pagtigil ni Airy. "Si Arietis ang may hawak sa langit. Sya ang kumokontrol sa hangin." sabi ni Airy.

"Airy. Paano mo kinabisado yan lahat? Ka-kailan mo binasa ang libro?" natatakot na tanong ni Drown dahil baka may masabi syang hindi nya dapat sabihin.

"Huh? Hindi ko alam. Ano bang sinabi ko?" tanong ni Airy.

"Hah? Hindi mo alam yung mga sinabi mo?" tanong ni Jack.

"Hindi mo ba talaga maalala? Sinabi mong si Arietis ang nagdala sa atin dito." sagot pa ni Drown.

"Teka. Sandali." sabi ni Airy at nag-isip sya.

"Airy. Hindi na mahalaga yon. Ngayon alam na natin kung sino ang kalaban natin." sabi ni Drown para maiwasan ang pangyayari na kagaya ng kanya.

Maya-maya pa ay may malakas na hangin na gumiba sa bahay na tinutukuyan nila Airy. Agad silang humanda at nakita nila ang imahe ng isang Fairy Ring.

A/N:

Guys, sorry to interrupt. First anniversary sa ng The Last Fairy Warrior. And as a gift to all of the readers, sasabihin ko sa inyo ang birthdays ng mga characters ko. I know its weird but I just want you to have more happy reading.

Starting off with :

Airy Motore - June 17, 1996

Drown Eave - March 20, 1996

Pipe Quaine - November 22, 1992

Bloom Care - July 4, 1992

Fade Eave - March 20, 1996

Kill Lanter - August 7, 1994

Risk Sail - April 12, 1995

Data Velocity - October 30, 19**

Helium Agwi - May 9, 1995

***comment down kung sino pa po sa mga ibang characters ko ang gusto nyong malaman ang birthdays(except the extra-Disney characters na sinama ko like Cinderella and the rest)

Enjoy reading the next chapters!

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon