"Airy. Sorry. Hindi ko dapat sinabi sa iyo yun." sabi ni Fade at itinayo nya si Airy.
"Okay lang. Alam ko naman na-" sabi ni Airy at bumagsak sya sa braso ni Fade.
"Airy!" sigaw ng lahat. Nauubusan naman na ng dugo si Airy dahil sa ginawa nya sa sarili nya.
Agad naman lumapit si Season na lumabas kung saan. Binuhat nya si Airy at pinakinggan ang bawat paghinga nya. Nagulat naman si Season sa naramdaman nya.
"Fade. Bigyan mo ako ng tela pantakip sa saksak ni Airy. Bloom pahiram ako ng weapon mo." nagmamadaling sinabi ni Season.
Agad namang sumunod ang dalawa. Nanonood lang ang lahat nung sinaksak ni Season si Airy sa parteng sinaksak ni Airy. Nagulat ang lahat sa ginawa nya at sinubukan pang magalit ng lahat nung nakita nilang may lumabas kay Airy na itim na dagger.
"A-ano yan?" tanong ni Fade.
"Ito ang papatay kay Airy. Ang emosyon nyong dalawa. Fade at Bloom." sagot ni Season at tinakpan nya na ang nya sugat ni Airy.
"Anong sinasabi mo dyan? Si Cancri ang may gawa nyan." pagtatanggol naman ni Risk sa dalawa.
"Sa ngayon, hindi pa ligtas si Airy. Kailangan natin syang dalhin sa mga manggagamot. Alam nila ang gagawin." sabi ni Season at ibinigay nya kina Pipe si Airy at tumalikod. "Magos ito ni Cancri pero dapat hindi kayo nagpaapekto sa kanya." sabi ni Season at nauna nang maglakad.
Nagulat at umiyak ang dalawang babae.
"Bloom. Fade. Tumahan na kayo ngayon din." utos ni Pipe. "Hindi kayo sinisisi ni Season pero isa din ito sa mga kasalanan naming dalawa sa inyo." sabi ni Pipe habang naglalakad.
"Pipe. Anong sinasabi mo dyan?" tanong ni Drown.
"Sinabi ni Season sa akin na mahina tayo. Dapat naging maingat ako at sinabi ko din ito sa inyo. Pero kahit ganon. Walang sinisisi dito. Hindi kayo sisisihin ni Airy kaya ipagdasal natin na agad syang gagaling." sabi ni Pipe.
Naglakad silang tahimik at nakayuko. Nagdadasal na may magandang mangyayari sa pagpunta nila sa mga manggagamot.
* * *
"Ginoo. Bumili na kayo ng paninda ko. Bili na kayo." masiglang sigaw ng binatang ito.
"Huh? Ikaw na naman? Umalis ka na nga dito." pagtataboy sa kanya ng isang taong dumadaan.
"Eh? Tanda. Kung di kayo bibili ng paninda ko ay umalis na lang kayo. Tch."
"Huh? May sinasabi ka?" sabi nung matanda at inihagis nya ang mga paninda nung binata.
"Tch. Ano bang problema mo? Hindi mo ba alam na kilala kita? Ikaw si Isko. Isa kang peasant. Wala kang trabaho ngayon dahil ayaw sa iyo ng mga amo mo, tamad ka kumilos at gusto mo lang kumain ng kumain." sabi nung binata.
"Oy oy. Sino ka ba? Nakakatakot ka ah. Paano mo nalaman kung sino ako kung wala ka namang magos?"
"Eh? Uhm... ako si Helium. Isa akong immigrant. Hindi ba yung ang magos namin? Ang makilala kung sino ang kaharap namin?" sabi ni Helium.
Tama si Helium Agwi. Ang isa sa mga taong tumulong kay Fade sa panahon ng pananakop ni Queen Fright. Si Helium ay ipinanganak bilang isang immigrant. Ang nanay nya ay ninuno si Data. Pinatay ang nanay nya ni Arg na sya namang kumupkop sa kanya. Buong akala nya noon ay isa syang martial pero nung oras ng kanyang kamatayan ay nagpakita at tinulungan sya ng nanay nya at nabuhay pa sya. Doon nya nalaman na isa nga syang immigrant. Ngayon, mas makikita na sa kanya ang pagkaimigrante nya. Ang kulay ng buhok nya ay kulay dilaw at ang mgata nya ang naging asul din.
"Hehe. Pwede kang pagkakitaan." bulong nung matanda sa sarili nya.
Kinuwelyuhan ni Helium ang matanda.
"Oy. Nagsanay ako ng dalawang taon para lang makuha ulit ang totoong magos ko. Kung may balak kang ibenta at pagkakitaan ako. Mukhang nagkamali ka ng kinakalaban." sabi ni Helium.
"*yiek*" sabi nung matanda at umalis na habang papatid-patid na tumatakbo.
"Hay naku. Nasaan na ba kayo Fade? Nagbebenta ako ng gamot para mabuhay sa araw-araw. Kailan ko ba kayo makikita?" tanong ni Helium at naglakad na palayo sa lugar na iyon.
Lumingon sa langit si Helium. Napaluha sya nung makita nya si Fade at Data na magkasama.
"Tch. Ano bang ikinaseselos ko? Hindi naman ako yung kasama nya non. Iniwan ko pa sya at niloko sa mga oras na kailangan nya ako. Haha. Masaya na ako dahil si Data ang nakasama nya. Ang ninuno ko." sabi nya sabay punas sa luha at nagsimula na sya maglakad nung may narinig syang pamilyar na boses.
Tumigil sya sa paglalakad. Pinakinggan ang boses at maya-maya pa ay bigla na lang syang napunta sa ibang dimensyon.
"Helium." tawag sa kanya ng isang boses sa kanyang likod.
Hinarap nya ang boses na iyon at nagulat sya sa nakita nya.
"Da-Data?" tanong nya.
"Pasensya na kung ngayon lang kita naalala. Kailangan ko ng tulong mo." sabi ni Data at lumapit sya kay Helium.
Lumuha naman si Helium, hindi nya alam kung bakit.
"A-anong nangyari sa iyo? Bakit ka dito nagpakita sa akin? Nasaan sila?" tanong ni Helium.
*Pok*
Binatukan naman sya ni Data at natauhan sya agad.
"Wala na ako sa tabi ni Fade. Nagsinungaling ako sa kanya na babalik ako at hahanapin ko silang muli. Isa pa, narinig ko ang boses mo mula sa ilog kung saan ako nahulog. Humiling ako na makausap kita dahil hindi na ako makakabalik sa tabi nya. Kailangan ka nya Helium. Ah, yun ay kung gusto ka nyang makita ngayon." sabi ni Data habang tumatawa.
"Eh?? Kailangan bang tawanan mo ang mga sinabi mo? Nananaginip lang ata ako." sabi ni Helium habang sinasampal nya ang sarili nya.
"Marami pa silang makakalaban. Kailangan nila ang lakas mo. Ikaw lang ang tanging mahihingan ko ng tulong. Ikaw ang tagapagmana ko. Ikaw din ang lakas ko."
Napagtanto ni Helium na halos ganito din ang sinabi ni Data sa kanya dati.
"Teka. Hindi naman tayo ganon kalapit sa isa't isa. Bakit sa akin mo pinapasa yang iniwan mong trabaho?" tanong ni Helium. Tinignan naman sya ni Data.
"Ituturo ko sa iyo ang daan papunta kay Fade. Ipangako mong poprotektahan mo sya kahit anong mangyari." sabi ni Data at may tinanggal syang tali sa kamay nya at ibinuhol sa kamay ni Helium. "Mahahanap mo agad sila kung titingin sa taling yan."
"Ano ba ito?" tanong ni Helium.
"Ang taling yan ay nakakonekta kay Fade. Hinding-hindi yan matatanggal kundi ka pa patay."
"Ka-kay Fade?" tanong ni Helium habang namumula.
Ngumiti naman si Data. "Paalam na. Alagaan mo para sa akin si Fade. Mahal na mahal ko sya." sabi ni Data habang umiiyak.
Unti-unti syang nawala habang nakatitig lang si Helium sa kanya. Umiyak din si Helium dahil naramdaman nya kung gaano kasakit kay Data ang mawala sa tabi ni Fade.
*gasp*
Nagising si Helium sa gitna ng madla habang umiiyak. Nakatingin naman sa kanya ang lahat at nagbubulungan. Nakita naman yon ni Helium at agad syang nagpunas ng luha at sumigaw. "HOY TANDA! LAGOT KA SA AKIN SA SUSUNOD NATING PAGKIKITA."