Forty-One

308 6 0
                                    

“Wood, halika dito. May ipapakita kami sa iyo.” sabi ni Ether.

Agad namang sumunod si Wood. Kasama nilang naglalakad papunta sa gubat si Hue.

“Teka, Ether. Bakit ba may dahon yang ulo mo?” tanong ni Wood.

“Huh? Ah. Oo meron.” sabi ni Ether.

“Ano?”

Nahuli naman si Hue at tinanggal ang dahon sa ulo ni Ether.

“Bakit mo ba ako tinataguan?” tanong ni Hue at nagkatitigan sila ni Ether.

Agad namang namula ang dalawa.

“Ehem. Nandito pa ako. Ano bang ginagawa nyo? Bakit nyo ba ako sinama dito?” tanong ni Wood habang nakangisi.

“Ah. Oo nga pala.” sabi ni Ether.

“A-asan na ba sya?” natatarantang paghahanap ni Hue.

“Sya?” tanong ni Wood.

“Kamusta ka Wood?” tanong ng isang pamilyar na boses sa likuran ni Wood.

Lumingon si Wood para makita kung sino iyon. Laking gulat nya na lamang nung makita nya ang lalaking matagal na nyang hinintay.

“Season!” sigaw ni Wood at niyakap nya kaagad si Season.

Masaya namang nanood ang dalawa sa kanila. Maya-maya pa ay nagkatinginan sila pero agad din naman silang umiwas ng tingin.

“Uhhh. Ether, may gusto sana akong sabihin sa iyo… pero hindi ngayon. Siguro sa susunod.” sabi ni Hue kay Ether habang nag-uusap naman si Wood at Season. Naglalakad naman sila non palabas ng gubat.

“Mahal kita Ether.” sabi ni Season at napatigil ang lahat sa paglalakad.

“Huh?” tanong ni Ether.

“Sinasabi ko na mahal kita.” pag-ulit ni Season.

Nagulat naman si Hue dahil sa sinabi ni Season. Parehas pala ng taong mahal.

“Ah. Teka, Season. Ano ba yang sinasabi mo?” tanong ni Ether sabay tingin kay Hue.

“Mabuti pa, aalis muna kami ni Wood para makapag-usap kayo.” sabi ni Hue at aalis na dapat nung hinawakan ni Ether ang kamay nya.

“Pasensya ka na Season, kaibigan lang ang pagtingin ko sa iyo.” sabi ni Ether.

Napabuntong-hininga na lang si Season. “Naintindihan ko. Gusto mo si Hue, hindi ba?” tanong ni Season.

Nagkatinginan naman ulit sila Ether at Hue.

“Eh? Ah, hindi naman ganon. Ahaha. Tara na sa palasyo. Baka hinihintay na tayo ng Mahal na Reyna.” sabi ni Ether at bumitaw na kay Hue.

Naiwan naman si Wood doon at pinagmamasdan nya lang na naglalakad palayo si Season.

“Season, nandito din ako. Hindi mo ba ako nakikita?” pabulong nyang sinabi.

Sabay-sabay namang tumingin ang tatlo nyang kaibigan nya sa kanya.

“Wood, anong ginagawa mo?” tanong ni Season.

“Wood, tara na!” sigaw naman ni Ether.

“Nahuhuli ka na.” sabi ni Hue.

Agad syang tumakbo sa kanila at sabay-sabay na silang naglalakad.

* * *

“Handa ang pagkain.” pagtawag ni Ally sa lahat.

“ajsbeo nanwis sjsjid jwiwbaod led vhw djeduwosn jeieowb jiwosbb.”

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon