Forty

318 7 0
                                    

Tatlong taon ang lumipas pa. Si Leonis ay labing-limang taong gulang na at pumapasok na sa Fairy Academy.

Si Data naman ay labing-walong taong gulang na at nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga armas. Hindi nya man magamit ang kanyang magos, sapat lang naman ang kanyang kinikita para sa mga gastos ni Leonis sa pag-aaral.

“Data! May bisita ka.” tawag ni Art kay Data.

Si Arthur Lanter o mas kilala sa pangalang Art ay isang Martial. Kulay ng kanyang buhok ay berde. Matangkad at matipuno. Sya ay labing-syam taong gulang. At namamahala sa pagawaan ng mga armas na pagmamay-ari ng kanyang lolo.

“Sino yan?” tanong ni Data.

Inakbayan naman sya ni Art. “Babae at mukhang mas matanda ng ilang taon sa atin. Isa syang Fairy Warrior. Napakaganda nya.” sabi ni Art.

Hinawi naman ni Data ang kamay ni Art. “Tumigil ka nga dyan. Isa syang kagalang-galang na Fairy Warrior.” sabi naman ni Data at naglakad na palayo.

“Haha. Ipakilala mo naman ako.” sabi ni Art.

“Kamusta?” sabi naman ni Ether sa harapan ni Data.

Napatalon naman si Data sa gulat nung nagsalita si Ether. Si Ether ay dalawangpu't tatlong taong gulang na.

“Oh, kamusta?” tanong naman ni Art kay Ether.

“Nakikita kong ginagawa nyo ng tama ang trabaho nyo dito ah. Kamusta ka na Data?” sabi ni Ether.

“Ayos lang naman kami dito. Sa katunayan, sobrang nagpapasalamat ako sa tulong na ibinibigay ni Data dito.” sagot ni Art.

Humarang naman si Data sa harap ni Ether.

“Tumigil ka na nga dyan, Art. Si Ether ay may Hue na kaya h'wag mo na syang gambalain pa.” sabi ni Data.

“H-Hue?” namumulang sinabi ni Ether.

“Ah. Ipagpaumanhin nyo na po itong kaibigan ko. Ganyan po talaga sya sa mga babaeng nakikita nya.” sabi ni Data kay Ether.

“Teka. Ah. Ano. Babalik ako. Magandang araw sa inyo.” natatarantang sinabi ni Ether.

“Eh? Halatang gusto nya din yung Hue na iyon.” sabi ni Art kay Data.

“Tumahimik ka nga dyan.” sabi ni Data at siniko nya si Art sa tyan.

Nabunggo naman si Ether sa pader ng marinig nya iyon.

“Ether, anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Data habang inaalalayan si Ether.

“Ayos lang ako.” sabi no Ether at umalis na sya.

* * *

“Lumapit kayo sa akin kung kaya nyo!!” sigaw ni Eave.

Si Caddy Eave ay isang Peasant na may malaapoy na kulay ng buhok. Sya ay labing-syam na taong gulang. Sya ay nakatira malapit sa pagawaan ng armas nila Art.

“Eave, baka naman pwede nating pag-usapan ito?” tanong ng isang lalaki sa kanya.

“Hindi!! Ibabalik nyo sa akin ang kinuha nyong paninda ko o puputulan ko ng daliri itong matandang ito?” tanong pa ni Eave.

Lumabas naman sina Data at Art sa kanilang pagawaan at tinignan nila ang nangyayari. Lumapit kaagad si Art doon nung makita nyang magandang babae ang nasa sentro ng atensyon.

“Art, delikado dyan.” pagpapaalala ni Data pero hindi nakinig si Art.

“Magandang binibini, ano bang nangyayari dito?” tanong ni Art kay Eave.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon