“Ether?” tanong ni Hue habang nakadungaw sa pintuan ng opisina ni Ether.
Lumingon naman si Ether sa kanya.
“Ah. Mukhang may pinagkakaabalahan ka ha?” sabi ni Hue at umupo sya sa tabi ni Ether.
“Kamusta ang trabaho mo sa pagsasanay kina Wood?” tanong ni Ether at patuloy lang sya sa kanyang ginagawa.
“Ayos lang naman. Ilang araw na lang ang nalalabi para sa pagtatalaga ng mga Fairy Rings. Kaparehas na araw nung naitalaga tayo noong nakaraang taon.”
Napahinga naman ng malalim si Ether. “Tama ka, at hanggang ngayon ay hindi ko pa din natatapos ang pagpili ko sa mga Minor Fairy Rings.”
Tok! Tok! Tok!
Lumingon ang dalawa sa pintuan at nakita ang isang babaeng nakasilip sa pinto. Tila ba hinihintay nya ang hudyat na sya ay pwede nang pumasok.
“Maaari ka nang pumasok.” sabi naman ni Ether.
“Huh? Ikaw na ba yan? Feather?” tanong ni Hue nung makita nya yung mukha nung babae.
Hindi naman na nagtaka o nagselos si Ether dahil alam naman nyang lahat ng Fairy Rings na nag-aaral sa Fairy Academy ay kilala nya.
“Ako nga po ito, Master Book.” sabi nya at nagbigay galang sya kay Hue.
“Ma-master? Ah. H'wag naman na iyon. Nakakahiya. Ayos na ako sa tawag na Book.”
“Eh? Pero iyon po ang nakikita kong paraan para pasalamatan kayo.”
“Sige na, h'wag mo na akong tawaging 'master'. Naparito ka nga pala” tanong pa ni Hue.
“Ah eh. Naghatid lang po ako ng mga saliksik sa mga kakayahan ng iba pang Fairy Rings bukod sa malalakas na at nagsasanay sa ilalim ng pagtuturo nyo.”
Napukaw naman ni Feather ang atensyon ni Ether.
“Katulad ka pa din ng dati, mabilis ka pa din sa mga pinapagawa ko.” sabi ni Ether at pinuntahan nya ang isang bundok ng mga papel at tinignan ito. Sumunod naman si Hue sa kanya.
“Ah. Gusto ko lang pong gawin ng tama ang trabaho ko.” sabi ni Feather.
“Ooh! Mahusay! Sobrang detalyado naman nito.” sabi ni Ether na sobrang namangha sa trabaho ni Feather.
“Ah. Kung wala na po kayong kailangan, aalis na po ako.”
“Sige. Maraming salamat dito. Makakatulong ito ng malaki.” sabi ni Ether at umalis na si Feather.
“Si Feather, ang may kakayahang gumawa ng walang kamatayang pakpak. Isa sya sa mga napili ko maging kanditato sa pwesto pero kulang ang pisikal nyang kakayahan. Ang Fairy Ring na pinili ko ay malakas sa pisikal at mental.”
“Kung naaawa ka sa kanya, hindi na kailangan. Kaya nga tayo gumawa ng Minor Fairy Rings di ba? Kung ang mga Fairy Rings na pinili mo ay ang kasama nating magtatanggol sa buong Fairy Land. Pinili ko naman ang labing-dalawang magagaling sa Minor na may kakayahang protektahan ang mga tao habang lumalaban tayo. Malakas sila dito.” sabi nya sabay turo sa may sentido nya.
“Haha. Tama ka nga. Sana hindi sila magalit sa akin.” sabi ni Hue.
* * *
“Ipinatawag ko kayo dahil gusto kong ipamahagi nyo ito sa ibang parte ng Fairy Land. Isang taon noong itinalaga kami. Ngayon, magtatalaga kami ng Fairy Rings na tutulong sa mga digmaan.” sabi ni Hue.
Ipinakilala ni Hue ang labing-dalawang Major Fairy Ring.
“Si Caper, si Quari, sila Fisc, si Arietis, si Leonis, si Grain, si Scale, si Sand, si Wood, si Cancri, si Minorum, at si Tauri. Sila ang labing-dalawang Major Fairy Rings.” pagpapakilala ni Hue.
Lumakad na si Hue sa likod at umabante naman si Ether. Nasa likod naman nya lahat ng natalaga noong nakaraang taon.
“Una sa lahat ng mga Minor Fairy Rings ay si Feather. Ang kumokontrol sa hangin at may walang katapusang pakpak.” sabi ni Ether at lumakad sa harap si Feather.
Si Feather ay isang babae na nasa ika-labing syam na taong gulang.
“Si Axel ay nakakagawa ng madaming ax.”
Si Axel ay isang lalaking na labing-walong taong gulang.
“Si Scarf ay may kakayahang gumawa ng mga bagay gamit ang salita nya.”
Si Scarf ay isang babaeng na labing-walong taong gulang.
“Si Cloud ay nakakagawa ng iba-ibang ulap.”
Si Cloud ay isang lalaki na labing-pitong taong gulang.
“Si Watt ay kayang gumawa ng kidlat sa isang iglap lang.”
Si Watt ay isa ding lalaki na labing-pitong taong gulang.
“Si Strand ay gumagawa ng matitibay na lubid.”
Si Strand ay isang babae na labing-syam na taong gulang.
“Si Iron ay nakakagawa ng mga matitigas na bakal.”
Si Iron ay isang lalaking dalawangpung taong gulang na.
“Si Ink ay nakakagawa ng Black Water.”
Si Ink ay isang lalaki na labing-anim na taong gulang.
“Si Gravity ay nakakagawa ng balanse sa kagaangan at kabigatan ng mga bagay.”
Si Gravity ay isang babae na dalawangpung taong gulang na.
“Si Day na nakakagawa ng liwanag at kadiliman.”
Si Day ay isang babae na labing-syam na taong gulang.
“Si Time na kayang gumawa ng walang katapusang orasan sa ibang dimensyon.”
Si Time ay isang lalaki na labing-anim na taong gulang.
“Si Twin ay nakakagawa ng mga kakambal nya.”
Si Twin ay isang lalaki din na labing-pitong taong gulang.
“Ha ha ha. Ano namang silbi ng mga yan? Nakakagawa? Yun lang ang kaya nilang gawin? Ang kailangan namin ay ang mga taong may kakayahang lumaban hindi yung mas takot pa sa amin. Eh lahat ng yan mahihina pa sa amin eh.” sigaw ng isang tao sa baba.
Nanahimik si Ether at pinakinggan lahat ng hinaing ng mga tao.
“Hindi nyo man mapahalagahan sila ngayon, darating ang araw na kakailanganin nyo ang tulong ng lahat ng Minor Fairy Rings. Makikiusap kayo na ibigay ang tulong na hinihingi ninyo. Makikita nyo din ang mga kaya nilang gawin.” sabi ni Ether.
Natakot naman ang lahat ng tao kaya tumahimik sila. Tumalikod naman si Ether at umalis na. Sinundan naman sya ng mga Minor Fairy Ring.
“Master Ether!!” sigaw nila.
Agad nilang niyakap si Ether at natumba sila.
“A-anong ginagawa nyo?” tanong ni Ether nung nakaupo na sya kasama ang mga Fairy Rings.
Umiiyak naman sila.
“Ma-maraming salamat po kasi ipinagtanggol nyo po kami sa kanila.” sabi ni Feather.
“Alam naman po naming hi di kami magaling katulad ng mga nasa Major Fairy Ring pero pinili nyo pa din kaming ipagtanggol sa kanila.” sabi naman ni Iron.
“Ako ang nakakaalam sa kakayahan nyo higit sa lahat. Nagtitiwala akong balang araw ay kayo din ang aasahan ng tao.” sabi naman ni Ether at hinahaplos nya isa-isa ang mga ulo ng Fairy Rings na itinalaga nya.
“Maraming salamat po.” sabi ni Gravity.
“Hindi ko alam kung isang panaginip lang yon o isang propesiya. Nakita ko kayong lahat na pinoprotektahan ang mga tao habang nakikipaglaban naman ang isang babae.”
“Hindi po ba kayo iyong babae?” tanong ni Time.
Umiling si Ether. “Hindi, dahil sa mga oras na iyon ay wala na ako.” sabi nya at nagkaroon ng katahimikan. “Nagtitiwala akong pagdating ng tamang panahon ay kakayanin nyong lumaban at mas magiging malakas pa kayo kaysa sa mga Major Fairy Rings.” sabi ni Ether para mapalakas ang mga loob ng mga bata.
Sa di kalayuan, may isang taksil ang nakikinig.