Twenty-Nine

338 6 0
                                    

“Kahahaha. Anong gusto nyong gawin ko? H'wag kayong labanan? Nakatatawa.” sabi ni Quari habang pinaliligiran nya si Kill at Fade ng tubig.

“Tch. Fade, pasensya na pero wala tayong ibang mapagpipilian kundi ang kalabanin sya. Magtiwala na lang tayo kina Airy na mababago nila ang kasaysayan.”

“Siguro nga.” sabi ni Fade at humanda sa pag-atake.

Agad nilang nakita ang armas ni Quari na nakakabit sa bewang nya.

“Fade.” tawag ni Kill kay Fade.

Agad namang lumingon si Fade at nakita nyang nakabalot si Kill sa isang malaking bolang tubig. Sinubukan naman ni Fade na tanggalin ang tubig sa paligid ni Kill pero napuputol ang mga armas nya.

“Ang tanging paraan lang ay ang matalo mo ako. Kahaha.” sabi ni Quari.

Hinawakan ni Fade ang bolang tubig at ito ay unti-unting umiinit.

“Kill. Kumapit ka lang ng mabuti dyan. Mabilis lang 'to.” sabi ni Fade.

Wala pang isang segundo at palipat-lipat na ng pwesto si Fade. Tumapak sya sa pader ng kweba at saka tumalon sa itaas ni Quari.

“Hyaaaaa!!!” sigaw ni Fade.

Agad naman syang nahawakan ni Quari sa binti gamit ang magos nya at itinago sya sa pader nh kweba. Umubo naman ng dugo si Fade. Napalingon sya kay Kill nung may narinig syang pagbuga ng tubig. Umuusok na ang bolang tubig kay Kill. Hindi nya namalayan ang latigong tubig ni Quari pero agad nya itong naharangan ng armas nya kaya't hindi sya tumalsik.

“Hindi ka dapat tumitingin sa iba. Lalong-lalo na kapag isang Fairy Ring ang kalaban mo.” sabi ni Quari at sinakal nya si Fade gamit ang kumukulong latigong tubig nya.

Napapaso naman si Fade at sinusubukan nyang makawala dito. Hinahati nya ang latigo pero hindi ito mahati. Umisip sya ng ibang paraan. Paano ba matatalo ang tubig? Anong kabaliktaran nito? Imposibleng apoy ang tatlo dito. Ano? Ano pa ba ang ibang makakatalo rito? At isang ideya ang naisip ni Fade. Gamit ang armas nya ay gumawa sya ng bow-and-arrow na gawa sa lupa. Nagpakawala syang isa at pinatama ito sa bolang tubig na nakabalot kay Kill. Agad naman itong pumutok at bumagsak si Kill sa lupa habang umuubo ng tubig.

“Paanong?” gulat na tanong ni Quari.

“I-ito ang huli kong bala. Ang balang makakatalo sa iyo.” sabi ni Fade.

Ang armas nya ay ginawa nyang espada na gawa sa lupa at hinati ang nakasakal sa kanyang latigo. Matapos syang makababa ay sinundan ito ni Quari ng sunod-sunod na pagbaril gamit ang baril nya. Natamaan naman si Fade sa ibang bahagi ng katawan nya pero nagawa nyang iwasan yung iba.

“Kah. Ako? Ang pangalawa sa Fairy Rings. Gusto nyong kalabanin? Gusto nyong patayin? Hah. Mukha yatang mali kayo ng kinalaban.” sabi ni Quari habang papalapit kay Fade.

Nakabangon na din si Kill mula sa muntik nyang pagkalunod.

“Tama lang na ikaw ang lumapit sa amin. Gusto mo nang tapusin namin ang buhay mo. Tama ba?” mayabang na tanong ni Kill.

“Kill.” pagpigil naman sa kanya ni Fade.

Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong iligtas si Kill. Ka-kailangan kong patayin si Quari. Sinira ko ang pagkakataon ni Book na ayusin ang gulong ito. Hindi ko na din alam kung sino paniniwalaan ko. Si Book na nag-utos sa akin o si Book na nag-utos kay Airy? Wika ni Fade sa isip nya.

“Kayo ang may kasalanan kung bakit ko ito gagawin.” sabi ni Quari at bumaril sya sa direksyon ni Kill.

Mabilis naman ang pakiramdam ni Fade kaya agad nyang sinangga ang mga bala na kay Kill sana tatama.

“Kill. Hindi ka maayos. Magpahinga ka muna. Ako na ang bahala dito.” sabi ni Fade at gumawa din sya ng baril.

Unang beses lang nyang humawak ng baril at ang tanging natatandaan lang nya ay ang porma ni Quari habang bumabaril. Ipinweasto nya ang kanang paa nya sa harapan habang ang kaliwa naman nyang paa ay nanatili sa likod. Ibinaluktot nya ang mga tuhod nya ng konti. Hawak ng kanang kamay ni Fade ang baril na ginawa nya gamit ang lupa habang ang kaliwa nya ay sumusuporta naman sa kanang kamay nya. Tuwid na tuwid ito na nakatapat kay Quari. Gayon din naman ang ginawa ni Quari.

“Hm. Sino kaya sa atin ang malakas?” tanong ni Quari.

“Hindi ako gagalaw sa pwesto ko. Nasa sa 'yo kung babaril ka o hindi. Tatlong bala lang din ang pakakawalan ko. At sinisigurado ko na kahit anong mangyari, ito ang papatay sa iyo.” sabi ni Fade.

“Heh. Mayabang ka para sa isang peasant. Katulad ka ng ninuno mong pinatay ko.”

“Hindi na masama. May dahilan na ako para patayin ka Quari.”

Bigla na lang tumahimik ang paligid at narinig na lang ni Kill ang tatlong putok na galing sa baril ni Fade habang kay Quari naman ay katumbas ng isang milyong putok ng baril ang narinig nya. Mas nagulat sya nung makita nyang dinadaanan lang ng bala ni Fade ang jay Quari. Tumama ang isang bala sa braso ni Quari. Ang isa naman ay sa kanyang baril at ang huli ay tumama sa kanyang puso.

Bago pa man makarating kay Fade ang mga bala ni Quari ay gumawa na ito ng proteksyon nya sa sarili pero nadaplisan pa din sya ng ibang mga bala. Nakita nyang napaluhod na si Quari habang hawak ang dibdib nya. Napakapit naman si Fade sa punong-kahoy at pinagmamasdan si Quari na maglaho habang umiiyak.

“Pa-panibagong digmaan ang nararanasan ni Ether at Hue sa muli naming pagbagsak.” ang huling pangungusap na sinabi ni Quari habang nawawala na sya.

Ikinagulat naman yon ng dalawa. Sino ba si Ether at Hue? Lagi na lang silang nababanggit sa mga pag-uusap namin. Tanong ni Kill sa sarili nya habang hindi na makapag-isip si Fade sa sobrang pagod.

Maya-maya pa ay may biglang bumagsak sa harapan nila. Si Airy, na tindig ang pagtayo.

“Fade. Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi pwedeng makita ni Drown ang totoo mong itsura. Kill, anong nangyari dito?” tanong ni Airy paglapit nya kina Fade.

“Airy. Paano mo sya nakilala? Anong alam mo sa tunay nyang itsura?” tanong ni Kill.

“Eh? Huh? A-anong sinasabi mo Kill? Tinatanong ko lang kung anong nangyayari dito? Itsura? Hindi kita maintindihan.” sabi ni Airy na para bang nakalimot agad. “Teh. Si-sino yang kasama mo?” tanong ni Airy.

“Oh. May ibon na lumalangoy sa lupa.” sabi ni Fade sabay turo sa may kanang direksyon.

Lumingon naman si Airy at agad namang nagpalit ng itsura si Fade.

“Wala naman eh.” sabi ni Airy at muli syang tumingin kina Kill at si Fade na ang nakita nya sa tabi ni Kill.

“Bago ang lahat, bakit ka nga pala nandito Airy?” tanong ni Fade.

* * *

“Pipe.” tawag ni Drown kay Pipe.

Umiiyak pa din si Pipe dahil sa pagkawala ni Bloom nung mga panahon na iyon.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon