Thirty-Eight

293 7 0
                                    

“Ether. Nais mo daw akong kausapin?” tanong ni Queen Quaine matapos nyang pumasok sa isang pribadong kwarto.

“Opo.”

“Pero bakit dito?” tanong ni Queen Quaine.

“Dahil maraming mga tenga ang nakikinig sa atin. At sya nga po pala. Maligaya ako para sa inyo ng inyong asawa dahil naipanganak na pala ang una nyong anak.” sabi ni Ether.

“Wala iyon. Ano ba ang nais mong sabihin sa akin.”

“Queen. Nakahanap ako ng dalawang Fairy Ring.” sabi ni Ether.

“Isang magandang balita iyan.”

“Hindi po ito kasing ganda ng iniisip ninyo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Sila ay kambal.” sabi ni Ether na ikinagulat naman ni Queen Quaine. “Nanganganib ang isa sa kanila dahil sa kautusan ng inyong ninuno.” sabi ni Ether kay Queen Quaine.

“Kung ganon, tatanggalin ko ang kautusan na iyon.”

“Hindi ganon kadali iyon,Queen Quaine.” sabi ng isang lalaking nakatayo sa pintuan ng kwarto kung nasaan sila Ether.

“King Trace. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Queen Quaine.

“Bumisita ako kasama ng ibang Hari't Reyna na galing sa Timog at Silangan. Isa pa, may pagpupulong tayo ngayon, hindi ba?” sabi ni King Trace at pumasok sya kwarto.

Nagbigay galang naman si Ether.

“Paumanhin sa aking panghihimasok ngunit bakit nyo po sinabi na hindi madali ang pagtanggal sa kautusang iyon?” sabi ni Ether.

“Dahil hanggang ngayon, naniniwala pa din ang ibang mga kaharian na sila ay nagdadala ng kamalasan. Binabantayan nilang mabuti ang bilang ng mga taong nakatira sa kanilang pinamamahalaan. Mahihirapan kayong kumbinsihin sila na ipatanggal iyan ng ganon kadali.” paliwanag ni King Trace.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan at tumunog na ang dambana para sa pagsisimula ng pagpupulong.

“Queen, gagawa ako ng paraan para mailigtas sila. Babalik ako bago matapos ang pagpupulong nyo.” sabi ni Ether.

“Naiintindihan ko. Ako na ang bahala sa pangungumbinsi sa kanila habang wala ka.” sabi naman Queen Quaine at lumabas na si Ether habang iika-ika.

Hindi nya maintindihan kung bakit kailangan nyang iligtas ang kambal na iyon. Hindi nya malaman kung bakit kusang gumagalaw ang mga paa nya patungo sa solusyon na hinahanap nya. Nagtitiwala syang magiging daan ang kambal na iyon para sa mga matagumpay na digmaan.

Nagpunta si Ether sa kusina at hinanap si Ally. Agad naman nyang nakita si Ally na tumitikim ng kanyang niluluto.

“Tapos ka na ba?” tanong ni Ether kay Ally.

“Huh?”

“Tapos ka na ba magluto? Maaari ka bang sumama sa akin?” tanong pa ni Ether.

“Tapos na ako. Teka, saan ba tayo pupunta?” tanong ni Ally habang hinahatak sya ni Ether.

“Makikita mo din kapag dumating na tayo doon.” sabi ni Ether.

* * *

“Sa bahay mo?” tanong ni Ally pagdating nila sa bahay ni Ether.

“Pumasok ka.” sabi ni Ether at binuksan nya ang pinto.

Nagulat naman si Ally sa kanyang nakita. Kambal.

“Ether. Bakit may ganyan ka dito?”

“Gusto kong tignan mo ang hinaharap nila.”

“Pero bakit?”

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon