Nakita ni Drown si Airy na nasa tabi nya at nakasuot ng ordinaryong damit.
“Hue.” tawag ni Airy sa kanya habang umiiyak at pinipilit syang abutin.
“Airy. H'wag kang umiyak. Hindi ako aalis sa tabi mo.” sabi naman ni Drown at pilit nyang inaabot ang mukha ni Airy at gustong punasan ni Drown ang mga luha nya.
“Drown. Gising ka na ba?” tanong ni Airy sabay punas sa mga luha nya.
Minulat naman ni Drown ang mga mata nya at nakita nya ang sarili nya na nakahiga sa kama at inaabot ang mukha ni Airy. Hinawakan naman ni Airy ang kamay ni Drown.
“A-anong nangyari?”
“Bigla ka na lang sinakitan ng ulo tapos nawalan ka ng malay.” sabi naman ni Fade na inilagay sa ulo ni Drown ang basang tela.
“Hay Drown. H'wag mo naman akong pag-alalahanin.” sabi ni Airy at inilapag nya ang ulo nya sa gilid ng kama ni Drown.
“Pasensya na.”
“Bukas aalis na tayo. Sabi ni Airy nasa Hilaga si Scale. Hindi pa namin alam kung anong pakay nya doon pero kailangan nating siguraduhin na ligtas ang mga tao doon.” singit naman Pipe.
Umalis naman na silang lahat para makapagpahinga si Drown. Bago sila lumabas ay may sinabi si Drown.
“Tinawag ako ni Airy na Hue.” mahina nyang binanggit.
“Huh?” tanong ng lahat.
“Ah! Wala. Sige na. Magpapahinga na ako.” sabi ni Drown at nagtalukbong sya ng kumot nya.
Isinara ni Fade ang pinto. Pinakiramdaman ang kapatid. Umulit sa isip nya ang sinabi ni Drown na tinawag sya ni Airy na Hue.
Naguluminahan sya sa iniisip ni Drown. Bigla na lang syang pinagpawisan ng malamig at napakapit ng mabuti sa knob ng pinto.
“Hindi pa. Hindi pa ngayon ang oras.” sabi nya sa sarili nya.
“Fade?” tawag naman sa kanya ni Risk. “Ayos ka lang ba?” tanong nya pa.
Napalingon naman si Fade at tumayo ng maayos.
“Ayos lang ako. Baka nahawa lang ako sa kahinaan ni Drown.” nakangiti nyang sinabi.
“Eh? Dapat maging malakas ka kung ayaw mo syang masaktan.” payo ni Risk habang naglalakad sila.
“Ahaha. Oo nga.” sabi ni Fade at nauna sya ng konti kay Fade.
Ayaw magduda ni Risk pero mukhang may itinatago si Fade na hindi alam ng iba. May panaginip din si Drown na kanya ding ikinababagabag.
* * *
Nagpaalam na sina Airy sa mga Gnome. Naglakad na sila patungo sa Hilaga. Nakarating sila sa hangganan ng Silangan at Hilaga.
“A-anong nangyari?” tanong ni Kill ng makita nya ang buong bayan ng Hilaga na nakalubog sa lupa.
Gumawa naman ito ng malaking crater.
“Si Scale. Paniguradong sya ang may gawa nito.” sabi ni Airy at bumaba sya sa crater.
“Airy.” sigaw ng lahat at sinundan si Airy pababa.
Pagbaba nila ay mukhang ayos naman ang lahat. Abala ang mga tao sa pag-iimbak ng mga kailangan nila kung sakali mang may dumating na sakuna.
“A-Airy? Anong ginagawa nyo dito?” tanong ni Red habang abala sa pag-aasikaso sa mga bata.
“Red. Anong nangyari dito?” tanong ni Airy.
“Sasabihin ko sa inyo habang papunta sa palasyo. Kailangan malaman nila Geo na nandito kayo.” sabi ni Red at nagsimula nang maglakad.
Pinasuot nya ang hood ng lahat habang normal na naglalakad patungo sa palasyo ng Hilaga.
“Isuot nyo muna yan. Hindi ko alam kung sino o ano ang kakaharapin nyo. Mabuti pang magtago muna kayo.”
“Si Scale. Sya ang kalaban namin ngayon.” sabi ni Drown.
“Paano mo nasabi na sya ang kalaban nyo ngayon?”
“Hindi pa ba halata? Lumubog ang buong Hilaga dahil sa gravitation nya.” sagot naman ni Kill.
“Hindi ko sigurado kung sya ang may gawa nito. Bigla na lang lumubog ang buong Hilaga.” sabi ni Red.
Nakarating naman sila agad sa palasyo. Dumiretso sila sa throne room at nakita ang nakakatakot na itsura ni Geo habang nakaupo sa trono nya.
“Pa?” tanong ni Airy.
Bigla namang natauhan si Geo at tinawag din si Airy. “Airy.” sabi nya at tumayo sya agad.
“Nasaan si Mama(Pen)?” tanong pa ni Airy.
“Hinahanap si Scale. Nararamdaman naming nandito sya pero hindi namin alam kung saan.” sabi ni Geo habang yakap ng mahigpit si Airy.
“Uhm. Pw-pwede nyo na po akong bitawan.” sabi ni Airy.
“Pasensya na.” sabi ni Geo at tumingin naman sya kay Red. “Kamusta sa labas Red?” tanong nya.
“Ayos lang naman lahat. Gusto mo bang pagtaguin ko na sila?” sabi ni Red habang inaayos ang pulang scarf nya.
“Mabuti pa nga. Sabihin mo sa kanila na pumasok sa subterranean para sa kaligtasan nila. Hindi natin alam kung kailan aatake si Scale.”
“Masusunod.” sabi ni Red. “Mauna na ako Airy.” sabi naman ni Red sa kanila.
“Kya!” sigaw ni Pen at biglang na lang syang tumagos sa bintana papasok sa loob ng palasyo. Maya-maya pa ay bigla na lang syang napadapa sa sahig at di makatayo.
“Pen!” sigaw ni Geo at pati sya napadapa sa sahig kasama si Pen.
“Si… Scale… nandito sya. Nakita… nya sila… Airy.” sabi ni Pen habang pinipilit nyang tumayo. “A-Airy. H'wag kayong lumapit.” sabi ni Pen pero nahuli sya at nasama sila Airy sa pagdapa.
“Gya.” sigaw ng lahat habang nakadapa na.
Bigla namang umangat silang lahat at bumagsak ulit. Paluit-ulit lang ito na nangyayari. Biglang nagiba ang buong kisame ng palasyo at bumagsak sa kanila.
“Haha. Ang magos ko ay walang kahinaan. Magdusa kayong lahat. Mamatay kayo.” sabi ni Scale na nagpakita mula sa gumibang kisame.
“S-Scale. Hindi totoo yan.” sabi ni Airy habang pinipilit tumayo.
“Huh?”
“Airy.” tawag naman ni Drown kay Airy habang nakikita nya itong nagpupursigeng tumayo.
“Lahat tayo may kahinaan. Lahat tayo may kinatatakutan…”
Kailangan kong umisip ng paraan para matulungan si Airy. Sabi ni Drown sa isip nya. Pumikit sya at nakita nya ang void na ginagamit nya para kumuha ng mga armas sa ibang dimensyon. Nakita nya ang saber ni Scale. Hindi nya alam kung paano sya makakatulong.
“…Paano ba maging malakas? Hindi naman iyon ibinabase sa pisikal na kakayahan. Ibinabase iyon sa lakas ng loob mo, sa tibay ng loob mo.” sabi ni Airy.
Ah. Kaya kong gawin ito. Sabi pa ni Drown at pinilit nyang kunin ang nakikita nyang saber.
“Heh. Ano ito? Nagmamatapang ka?” tanong ni Scale.
Pinipilit pa ding abutin ni Drown ang saber ni Scale hanggang sa…
“H-huh? Nasaan na yung saber?” tanong nya sa sarili nya.
Naramdaman yang dumadaloy sa kanya ang armas ni Scale. Naguguluhan sya pero nararamdaman nya kung ano na ang dapat nyang gawin.
Tumayo sya na walang problema at nagulat ang lahat sa kanya.
“D-Drown.” tawag sa kanya ni Airy.
“Hindi ka na mahihirapan. Lalaban tayo ng hindi patas.” sabi ni Drown at hinatak nya si Airy patayo.
“A-anong nangyayari?”