Three

867 21 0
                                    

“Aalis na kami.” sabi ni Airy at naglakad na palabas ng palasyo kasama ng iba.

“Airy. Sandali.” tawag ni Pen sa kanya habang nasa tabi naman nya si Geo.

“Bakit MAMA?” tanong ni Airy.

“*giek* Hindi mo ko mama.” reklamo nya pero bigla syang naging seryoso. “Gusto ko lang sabihin sa 'yo na iba na ang magos mo at unti-unti kang lalamunin nito. Kapag masyado mong ginamit ang magos mo. Baka hindi pa tapos ang misyon nyo ay wala ka ng paningin.”

“Naintindihan ko Ma. Mag-iingat ako.” sabi ni Airy.

“Airy.” tawag ni Pen ulit pero sobrang nag-aalala sa posibleng mangyari. “Mahal na mahal kita kagaya ng pagmamahal sa 'yo ni Song. Mag-ingat ka.”

“Hihi. Ako pa ba? Aalis na po kami.” sabi nya at humiwalay na sya kay Pen na umiiyak na na parang inang ibon na mahihiwalay sa kanyang inikay.

“Mag-ingat ka anak.” sabi naman ni Geo at hinabol na ni Airy ang sasakyan nila Pipe.

“Airy. Suotin mo 'to.” sabi ni Season sabay suot sa kanya ng isang itim na kapa na may hood.

“Para saan 'to?”

“Hinala ko na alam nila ang itsura mo. Para makaatake ka ng walang problema sa kanila. Kakailanganin mo yan.” sabi nya pa.

“Paano naman kami?” tanong ni Drown.

“Kumilos lang kayo na parang normal. Ako na ang bahala sa pag-conceal ng magos nyo.” sabi ni Season at bigla na lang syang nawala.

* * *

Payapang umaga ang bumungad sa magkapatid na Fisc.

“Bili na kayo ng mga paninda namin. Mura lang ito at nakapagpapagaling ng simpleng sakit.” pag-aanyaya ni Shaune.

Nakapwesto sila sa kanilang tindahan sa Purgare City kung saan hindi sila kilala nino man. Napapalibutan sila ng mga suki nila.

“Paano naman kami makasisiguro na hindi nyo kami niloloko?” tanong ng isang matandang lalaki.

Napatigil naman ang lahat ng suki nila sa pagbili at sa unang pagkakataon ay nagduda ang mga ito sa kakayahan nila.

“Oo nga. Paano?” sigaw ng isa pa. Nadagdagan naman ito ng nadagdagan.

“Panahon na ata para magpakilala kami sa inyo.” sabi ni Synne.

“Anong sinasabi mo dyan?” tanong nung matanda kanina.

“Kami ang magkapatid na Fisc. Kami ang namamahala sa gitna ng buhay at kamatayan.” sabay na sabi nung dalawa.

Napanganga naman ang lahat ng nandon.

“Imposible. Paano kayo nabuhay muli? Ilang siglo na ang lumipas nung huli kong narinig ang tungkol sa mga Fairy Rings.” sabi pa nung matanda habang di makapaniwala.

“Fairy Ring?” tanong nung isa pa at nagkaroon ng mga bulung-bulungan.

“Huh? Kuya. Hindi ako makapinawala na may tao pang nabubuhay sa loob ng apat na siglo.”

“Bakit naman hindi Ate? Kung tutuusin si Season ang magandang halimbawa dyan.” bulong ni Shaune.

“Ah. Hahaha.” tawa ni Synne. Humarap sya sa matandang lalaki at sinabi. “Maniwala ka sa 'min. Gawa namin yan na galing pa mula sa panahon na apat na siglo.”

“Galing sa nakaraan?”

“Opo. At kung gagamitin nyo yan ng maayos. Sigurado kaming hahaba ang buhay nyo.” sabi naman ni Shaune.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon