“Ikaw?” tanong ni Shaune kay Airy.
Hindi naman sumagot si Airy at narinig naman nyang tumawa si Synne.
“Ano bang pinagkaiba nang noon at ngayon?” tanong ni Synne at tinanggal nya ang pana na nakatusok sa kamay at dibdib nya.
Nagulat naman si Airy at Kill.
“Ate. Ayos ka lang?” tanong naman ni Shaune.
“Kuya. H'wag kang mag-alala. Ayos lang ako.” sabi ni Synne.
“Oy Oy. Sino ba talaga ang mas matanda sa inyo?” tanong ni Kill.
“Hihihi. Sino ba sa tingin nyo ako? Isa akong Fairy Ring at mas malakas ako sa inyo.” sabi ni Synne at nagbato sya ng dalawang espada sa magkaibang direksyon ni Airy at Kill.
Agad namang sinundan ito ni Shaune ng atake nya. Pinalipad nya ang mga kapiraso ng tela na naging maliliit na talim na papunta sa direksyon nila Airy.
“Kill. Bumangon ka dyan. Kailangan ko ng tulong mo.” sabi ni Airy habang patuloy syang inaatake ng magkapatid.
“Tch. Hindi ko kailangan ng utos mo. Tutulong ako hanggang nabubuhay ako at alam kong may poprotektahan ako.” sabi ni Kill habang hawak ang tyan nya na kumirot bigla.
Ngumiti naman si Airy at halos sabay silang umatake. Si Airy sa harap habang si Kill naman sa likod umatake. At lahat ng atake nila ay balewala lang at agad gumagaling kagaya ng sugat na tinamo ni Synne sa atake ni Airy kanina lang. Pinalibutan nilang dalawa ang magkapatid pero hindi sila sabay na umaatake.
Nadaplisan si Shaune sa kaliwang pisngi ng panang pinakawalan ni Kill. Natamaan naman si Synne sa kanang balikat ng isang atake ni Airy gamit ang espada. Ang tirang yon ang gumising sa diwa ni Airy at Kill. Nagkaroon ng sariwang sugat ang magkapatid kung saan sila tinamaan.
Ngayon ang magkapatid na ang umatake. Sunod-sunod ang atake nila habang nakikipag-usap.
“Anong pangalan mo?” tanong ni Synne kay Airy.
“Airy.”
“Airy? Ha! Katulad ka lang ng pangalan mo. Mahina at di mo kayang tapatan ang lakas namin.” sabi nya at nagkakiskisan ang mga espada nila. “Katulad ng dati.” nakangiti nyang sinabi sabay talon paatras.
“Dati? Anong sinasabi mo?” tanong ni Airy at umatake ulit.
“Ha! Hindi ko alam na tinanggal nya ang alaala mo tungkol sa 'min. Kaya mo siguro kami inaatake.”
“Nya? Hindi na talaga kita maintindihan at nagsisimula na talaga akong mainis sa 'yo.” sabi ni Airy at binigyan nya si Synne ng isang tira.
Pinutol nya ang buong binti ni Synne. Sumigaw naman sya kaagad dahil sa hapti pero hindi nagtagal ay tinubuan sya agad ng bagong binti. Tumingin si Airy sa direksyon ni Kill at nakita nyang mabilis na tinatapatan ni Kill ang lakas ni Shaune. Ang sigaw naman ni Synne ay napalitan ng tawa.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” sabi ni Synne.
* * *
“Sino ka?” tanong ni Shaune kay Kill habang patuloy ang laban nila.
“Ako si Kill.” sagot naman ni Kill.
“Isang Martial? Mas mataas na posisyon kaysa sa amin.” sabi ni Shaune at nadaplisan nya si Kill sa balikat.
Umatras naman si Kill at tinignan ng masama si Shaune.
“Anong alam mo sa mga martial?” tanong nya at sumugod muli.
“Hindi lang mga martial ang alam ko. Lahat alam namin dahil nabuhay kami sa simula ng kasaysayan.” panimula ni Shaune at natamaan sya sa braso ng panang pinakawalan ni Kill.
“Heh. Natutuwa akong magkwento ka habang pinapatay kita.” sabi naman ni Kill at pinalitan nya ang armas nya ng espada.
Kinuha naman ni Shaune ang pana na nakabaon sa braso nya at pinutol nya ito.
“Kagaya ka nya. Yun nga lang mas bata ka lang sa kanya. At mas malakas sya sa 'yo.” sabi ni Shaune na may kasamang pang-aasar.
Nainis naman si Kill at mabilis na pumunta kay Shaune at umatake. Mabilis naman nasangga ni Shaune ang tira nya. Sunod-sunod naman ang atake ni Kill hanggang sa nakita nyang hinihingal na ang kalaban nya at saka sya umatake ng mabilis. Nagpunta sya sa likod ni Shaune at ibinagsak ang buong lakas nya sa espada na syang pumutol sa kanang braso ni Shaune. Sumigaw din ito pero agad napalitan ng tawa.
“Hihihi. Masyado mo ata akong minamaliit.” sabi ni Shaune.
Hinampas nya si Kill sa tyan gamit ang kaliwang kamay nya at lumipad naman si Kill dahil doon at tumama sa malaking punong-kahoy. Nakita naman ito ni Airy at na-distract. Sinipa sya ni Synne sa mukha gamit ang nagbalik na binti nya. Tumama sya sa punong-kahoy na malapit sa kung nasaan si Kill. Dahil don ay napilay ang kanang paa ni Airy.
“Hindi ka dapat lumilingon sa ibang direksyon. May sarili kang laban.” sabi ni Synne.
Agad iika-ikang tumakbo si Airy papunta kay Kill at tinignan kung gumagalaw pa ito.
“Kill. Kaya mo pa ba?” tanong ni Airy at umubo sya ng dugo.
“Kaya ko pa. Ma-may plano ka ba?” bulong ni Kill habang nakahawak sa sugatan nyang tagiliran.
“Wala akong plano. Pero nakita mo naman na siguro kung anong dapat nating gawin? Ihanda mo na ang sarili mo.” sabi ni Airy at inalalayan nyang tumayo si Kill.
Ngayon, sila naman ang pinalibutan ng magkapatid.
“Ano? Papatayin na ba namin kayo?” magkasabay na tinanong ng magkapatid sa kanila.
“Dalawa sila pero iisa lang ang ranggo nila sa pagiging Fairy Ring. Ibig sabihin iisa lang rin ang paraan para matalo sila.” sabi ni Airy.
Unti-unting nagkaroon ng malay ang mga kasama nila. Nakita na sobrang bugbog na ang dalawa habang ang nakita lang nila sa magkapatid ay ang sugat ni Synne sa braso at daplis sa pisngi ni Shaune.
“Airy! Kill! Anong ginagawa nyo?” sigaw ni Risk habang inaalalayan si Fade na tumayo.
“Wow. Meron pa kayong mga tagapatingin. Magandang palabas ito.” sabi ni Shaune.
“Pagkatapos nito. Isunod na natin sila Kuya.” sabi naman ni Synne.
“Sige Ate.” sabi ni Shaune na may kasamang ngiti.
“Pipe. Maglagay ka ulit ng protective runes sa paligid nyo. H'wag na kayong mangilam dito.” sabi ni Airy sa isip nya pero nakatitig sya kay Synne.
Agad naman itong ginawa ni Pipe na hindi pinaalam sa mga kasama.
“Kailangan lang nating sabay na umatake, hindi ba?” sabi ni Kill kay Airy.
“Oo naman. Madali lang naman yon, hindi ba?” sabi naman ni Airy at nag-stretching sila parehas.
Hindi naman nasindak ang magkapatid sa ginagawa nila Airy.
“HUH? Ano bang nangyari at may gana pa silang magganyan?” tanong naman ni Fade.
“Hindi ko din alam Fade. Basta ang alam ko lang ay alam na nila ang gagawin nila.” sagot naman ni Pipe.
Sumugod si Airy at Kill papunta sa magkapatid. Nasa kanang kamay ni Kill ang espada nya habang hawak naman ni Airy ang kanya sa kaliwang kamay nya. Naghanda din ang magkapatid sa atake. Hawak ni Synne ang armas nya sa kanan habang sa kaliwa naman ang hawak ni Shaune.
“AAAAAAAHHHHHHH!” galit na sigaw ng magkabilang panig habang magsasalubong sila sa gitna.
“Mamamatay ka na!” parehas na isinigaw ng magkapatid kina Airy.
Parehas na parehas naman ang ginawang pag-atake nila Airy. Umatras muna sila at kinuha ang anggulo ng target nila.
*CHAK*
“AIRY!” “KILL!” sigaw ng lahat ng makita nilang bumagsak ang dalawa.