Twenty-Seven

291 10 0
                                    

“*Kailangan kong lumaban para sa kanila.*” sabi ni Bloom sa isip nya habang hinahatak sya ng kamay ng halimaw sa pagitan ng mga sanga ng mga puno.

“Anong ginagawa nyo?” tanong sa kanya ng isang boses.

Lumilinga-linga si Bloom para makita kung sino yung nagsalita. Binitawan naman sya ng kamay at bumagsak sa lupa. Nilapitan naman sya nung lalaking nagsalita.

“Tinatanong ko kung anong ginagawa nyo?” tanong nya ulit.

“Hi-hindi kita maintindihan. At sino ka ba?” tanong nya habang tumatayo sa kanyang mga paa.

“Hindi mo ako kilala?” tanong nya kay Bloom.

Napatingin si Bloom sa mukha nya. Tinignan nya din ang pananamit nito.

“Tauri?” tanong ni Bloom.

*slap*

Sinampal ni Tauri si Bloom ng malakas dahilan para magdugo ang bibig ni Bloom. Umatras naman si Bloom dahil doon. Si Tauri ay ang Fairy Ring sa Kanluran.

“Hindi mo alam ang ginagawa nyo. Sinisira nyo ang dapat nananatiling payapa.” sabi ni Tauri.

Lalapit sya sana kay Bloom ulit pero pinigilan yon ni Bloom. Nilabas nya ang armas nya at iniharang ito sa harap nila ni Tauri.

“Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.” sabi nya at pinunasan nya ang bibig nyang dumugo.

“Kami. Kaming mga Fairy Rings ay walang kinalaman sa mga nangyayari ngayon pero bakit nyo kami dinadamay dyan?” sabi ni Tauri at naglabas sya ng mga bestia.

“Huh? Kayo ang may kasalanan kung bakit kami lumalaban.” sabi ni Bloom.

Agad humanda si Bloom sa pag-atake. Sinugot sya ng mga bestia na ginawa ni Tauri. Kinagat sya ng isa sa paa nya habang hawak sya ng isang bestia sa magkabilang braso at handa na syang kagatin sa leeg.

“Babawasan ko kayo kagaya ng pagbabawas nyo sa amin.” sabi ni Tauri at magtatapon na sya ng ax nung biglang…

*slash*

Bigla na lang bumagsak ang kanang kamay nya na may hawak ng ax na agad namang dinurog at maya-maya pa ay may biglang pumulupot sa kanya na parang isang ahas.

“Walang kikilos kung gusto mong mabuhay.” sabi ng isang lalaki sa likod nila.

“Pi-Pipe.” mahinang tawag ni Bloom sa boses na narinig nya.

Nakapulupot ang kanang kamay ni Pipe sa leeg ni Tauri at nakatutok sa leeg nya ang isang maliit na dagger. Ang kaliwang kamay naman nya ay hawak ang kaliwang kamay ni Tauri.

“Pakawalan mo si Bloom at maglaban tayo ng patas.” sabi ni Pipe at lalo nyang hinihigpitan ang pagsakal nya kay Tauri.

Tinitigan ni Tauri ang mga bestia nya na may hawak kay Bloom. “*Patayin nyo sya at h'wag magdalawang-isip.*” utos nya sa mga ito.

Narinig naman ito ni Pipe kaya agad nyang binitawan ang kaliwang kamay ni Tauri at nakita nyang nilaliman ng bestia-ng nasa paanan ni Bloom ang pagkagat nito. Umaray naman si Bloom sa sobrang sakit. Para bang matatanggal na ang buong paa nya sa sobrang sakit. Hindi pa lumilipas ang isang segundo ay natamaan ang bestia-ng gumalaw ng isang maulit na dagger sa may noo nya. Nagulat naman ang isa pang bestia kaya agad syang kumilos at kakagatin na sana si Bloom sa leeg nung kumilos si Pipe. Hindi nya inaalis ang pagpulupot nya sa leeg ni Tauri at iginalaw nya ang pulso(wrist) nya at pinakawalan ang dagger papunta sa leeg nung isang bestia. Nagulat si Tauri sa nakita nya kaya agad syang pumiglas kay Pipe.

“Pipe.” tawag ni Bloom kay Pipe habang pinipilit na h'wag maramdaman ang sakit sa binti nya.

“Bloom. Kumapit ka lang dyan at kailangan mong lumayo sa lugar na ito.” sabi ni Pipe at hinarangan nya si Bloom at humarap kay Tauri.

“Tingin ko, hindi nyo alam ang ginagawa nyo.” sabi ni Tauri at napalitan ng bestia-ng kamay ang naputol nyang kanang kamay.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Pipe at kinuha nya sa dalawang bestia na nakahandusay sa lapag ang mga dagger nya.

“Ginagawa nyo ito para maibalik si Book, hindi ba?” tanong nya. “Ang muli naming pagtitipon ay ang susi para mabuksan ang pinto para sa paglabas nyang muli.”

“Hindi kita maintindihan.” sabi ni Pipe.

Parehas lang silang kalmado at nakatayo sa magkabilang panig ng gubat.

“Si Book ang nagsanay sa aming lahat pero sya rin ang dahilan kung bakit kami nakakulong sa sarili naming mga armas. Lumalaban kami para hindi na maulit ang kasaysayan pero… mukhang malabo ata yon. Hindi namin mapipigilan ang kasaysayan kung lahat kayo ay tinitipon kaming muli. Muli nyo ba kaming ikukulong at hahayaan nyong mamuno si Book sa inyo? Hindi nyo sya kilala at hindi nyo sya nakikita. Bakit ba gusto nyo syang buhayin muli? Isa syang sumpa na hindi na dapat ipagpatuloy. Anong makukuha nyo kapag nabuhay sya? Kapayapaan? Pwes ibibigay ko sa inyo ang kapayapaan na hinihingi nyo.” sabi ni Tauri at naglabas sya ng mahaba at matulis na espada.

Agad namang humanda si Pipe. Sinugod sya ni Tauri. Agad iwinasiwas ni Tauri ang malaki nyang espada kay Pipe pero nakaiwas si Pipe.

*slash*

Nagulat si Pipe ng makita nyang nahati si Bloom sa dalawa. Nakatitig si Bloom sa mga mata ni Pipe at tila ba parang gusto nyang abutin si Pipe. Nang aabutin ni Pipe ang kamay ni Bloom ay bigla na lang itong naglaho na parang usok sa hangin.

“Ang pinakamamahal mo ay patay na. Kaya mo pa bang lumaban?” tanong ni Tauri.

Inaakala ni Tauri na dahil sa pagkawala ni Bloom ay mawawala na din ang kagustuhan ni Pipe na lumaban pero ito ay kabaliktaran lamang ito. Malalim ang paghinga ni Pipe na para bang pinipiga ang mga baga nya at pilit syang humuhugot ng hangin rito. Kagila-gilalas ang itsura ni Pipe at binabalot sya ng itim na aura. Kahit ganon ay nasa matinong pag-iisip pa din si Pipe. Tumingin si Pipe kay Tauri gamit ang kanyang nanlilisik na mga mata. Nagulat naman si Tauri sa nakita nya.

“Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Kinuha mo ang buhay nya kaya kukunin ko din ang sa iyo. Wala na akong pakialam sa kapayapaan na gusto mong ibigay. Wala na akong pakialam sa mga sinasabi mo. Kukunin ko ang kinuha mo sa akin.” sabi ni Pipe habang may tumutulong luha sa mga mata nyang puno ng galit.

Humanda si Tauri sa pag-atake at di nya napansin si Pipe. Bigla na lang nawala si Pipe sa harapan nya. Huli na nung lumingon sya sa likod nya at nandoon si Pipe. Sinuntok ni Pipe si Tauri at tumalsik si Tauri at tumama sa maraming puno. Sinundan ito ni Pipe ng isang sipa pataas at isang suntok pababa dahilan para mawasak ang pinagbagsakan ni Tauri. Habang nasa ere si Pipe ay inilabas nya ang kanyang espada at tinutok nya ito kay Tauri.

Habang nasa taas naman si Pipe ay wala nang nagawa si Tauri kundi ang pagmasdan ang mukha ni Pipe na puno ng hinagpis. Nagulat si Tauri nang maalala nya ang hinagpis ni Ether.

“Hi-hindi sila ang umuulit sa kasaysayan… kami ang may gawa ng mga ito.” sabi nya sa sarili nya.

Bigla na lang bumagal ang lahat. Nakita nya ang espada ni Pipe sa tapat ng mukha nya. Ngumiti sya at humingi ng tamad kay Pipe. Nagulat naman si Pipe pero huli na para pigilan ang espada nya. Kasabay ng pagbagsak ng espada ni Pipe ay ang pagbalik ni Tauri sa pagiging armas.

Pagkatapos ng lahat ng yon ay nagising na sa katotohanan si Pipe at napaluhod. Mabilis ang paghinga nya tila ba may hinahabol na mabilis na kabayo. Hinawakan nya ang mukha nya at nagsimulang umiyak.

“Aaah… ahhhh… AAaah… AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!” sigaw ni Pipe habang umiiyak at pinagmamasdan ang armas ni Tauri.

“AAAAAAAAAAAHHHHHH!!! AAAAAAAAHHHHHHH!!! AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!” paulit-ulit nyang sigaw.

“Pipe.”

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon