Forty-Four

316 8 0
                                    

Lumipas ang limang taon na sobrang madami ang digmaan. Madami silang napanalunang digmaan at masagana ang lahat ng taon nila.

* boogsh *

“Bakit hindi kayo sumunod sa pag-uutos na binigay ko?” tanong ni Hue sa mga Fairy Rings na kanyang pinili.

Si Hue ay tatlongpung taong gulang na at asawa na nya si Ether na nagdadala ng kanilang kauna-unahang anak.

“Pero kung susundin po namin ang inyong inutos ay matatalo tayo sa digmaang iyon.” sabi ni Caper.

“Sinasabi nyo bang hindi nyo na ako susundin?” tanong naman ni Hue sa kanila.

Dumating naman si Ether at nagulat sa nakita nya.

“Anong nangyayari?” tanong ni Ether.

“E-Ether. Bakit ka nandito? Dapat nagpapahinga ka na lang sa bahay.” sabi ni Hue sa kanya.

“Ah. Dumaan lang ako para makita ang kalagayan ng mga Fairy Rings.” sagot ni Ether at lumabas na sila ni Hue sa silid kung saan sila nagpupulong. “Nagalit ka na naman ba?” tanong ni Ether.

Napabuntong-hininga naman si Hue. “Ah. Nag-alala lang ako na baka may mangyari sa kanilang masama kung hindi nila susundin ang mga utos ko.”

“Tama na alam mo kung saan ka nagkamali, Hue. Pagkatapos nito, humingi ka ng tawad sa kanila at kausapin mo sila ng maayos.” payo ni Ether.

“Mabuti pa nga.” sabi ni Hue.

* * *

“Tsk. Lagi na lang ba nya tayong uutusan?” tanong no Sand sa mga kasama nyang nananahimik lang.

“Hindi na nakakatuwa. Limang taon na natin syang walang sawang pinakikinggan. Tapos ngayon na tama ang desisyon natin na sama-samang patumbahin yung bestia na iyon, mali pa din tayo?” tanong naman ni Grain.

“Ah. Baka naman ayaw lang nya tayong masaktan kaya nya tayo pinagagalitan.” pagdepensa ni Arietis.

“Oo nga naman. Ilang beses naman syang humingi ng tawad kapag nagagalit sya sa atin. Baka naman kasi madami lang iniisip yung tao.” pagsuporta naman ni Wood sa sagot ni Arietis.

“Si-sinasabi nyo yan dahil kanang kamay kayo nila Book at Ether.” sabi ni Cancri.

“Hindi sa ganon Cancri.” sabi ni Wood.

“Hindi ka namin kailangan sa grupong ito. Maaari ka nang lumabas.” sabi ni Caper sa kanila.

Lahat ng mga mata ay nakatitig kay Wood.

“Narinig mo yon, Wood? Maaari ka nang lumabas.” sabi ni Season sa may gilid at nakasandal sa pader.

“Season, bakit ka nandito?” tanong ni Wood bago sya lumabas.

“Ah. Hindi mo ba alam na ako ang ika-labing tatlong Fairy Rings?” sabi ni Season at itinaas na nya ang kamay nya at itinapat ito kay Wood.

“Season?” tanong ni Wood.

“Papatayin nyo si Ether at Hue.” utos ni Season at pagkatapos nyang sabihin iyon ay bigla na lang may malakas na hangin na may kasamang itim na kidlat ang lumabas sa kamay ni Season ay lahat ng Fairy Rings ay tinamaan nito sa isip.

Nagsigawan lahat ng Fairy Rings sa sobrang sakit na nararanasan nila. Lahat sila ay natanggap ang kakaibang magos ni Season, ang brainwash. Binigyan nya ang lahat ng utos na patayin si Hue at Ether dahil humahandlang sila sa plano ni Season na matawag na pinakamalakas sa buong Fairy Land.

“Se-Season. Ba-bakit mo ito ginagawa?” tanong ni Wood habang umiiyak.

“Dahil gusto kong maging malakas.” sabi ni Season.

The Legendary Fairy Rings (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon